9

83 2 0
                                    

Tinangka ko siyang lapitan at hanginan, pero ako ang bumagsak dahil sa mga salitang hindi ko na makalimutan. Ang sakit niya. 

Mga linyang, "hinding-hindi kita magugustuhan kahit kailan". . .sa harap ng maraming tao.

Ayaw niya sa mga babae ko?

Ayaw niya sa sigarilyo?

Ayaw niya sa kahanginan ko?

Ayaw niya sa katarantaduhan ko?

Ang dami niyang ayaw, pero walang katapat 'yon kung bakit ko siya nagustuhan.

Kaya ko namang baguhin.

Ata?

Pero naging determinado na ako nang makita ko kung gaano kaganda sa mata sa tuwing nakikita ko siyang masaya. Wala na akong pakialam sa iba, sa kanya na lang. Nakakainis lang kasi  bakit sa paningin ko siya lang ang may halaga? 

Hindi ko masabi sa kanya ng harap-harapan, isang linya lang. 

Gustong-gusto kong sabihin sa kanya, "Fallera Arceo, gusto kita."

Ç

Pushing Fall Onde histórias criam vida. Descubra agora