84

43 1 0
                                    

Nasaan ka na ba?

Napabuga ng hangin si Fallera nang malibot ang bawat sulok ng bar, napatingin siya nang maghiyawan ang nasa kabilang table. . .roon niya nakita si Caleb, nagpapakasasa sa alak habang may nakapaskil na ngiti sa labi habang kainuman sila Zestro.

Ramdam niya ang titig nito nang makarating siya sa pwesto, maski sila Neon, Rava, Yakzi, Milkie, El at Zestro ay napatingin na rin sa biglaan niyang pagdating.

Pasimple siyang sinenyasan ni Zestro, at inginuso ang nobyo. 'Hatid na namin kayo? O huwag na?'

Umiling siya at simpleng ngumiti, napansin niya pa ang mahinang pagtapik ni Milkie at El kay Zestro na natatawa na lang sa tabi. "Gago 'di pa ako lasing huwag niyo akong ganyanin."

Nagningning ang mata ni Caleb nang tignan siya ng ilang minuto. 

"Pare! Girlfriend ko 'to! Magaling kumanta, matapang, kayang mag-isa! Kaya kahit wala ako aangat siya! Girlfriend ko 'to!"

Lasing nga.

Parang kahit puriin siya nito, may kung anong bumabara sa puso niya.

Masyadong masakit para pagtuunan ng pansin, pero si Caleb kaya. . .ano ang nararamdaman?

"Umuwi na tayo," mahina niyang sambit sabay akay sa lasing na si Caleb.

Sinenyasan niya ang mga kaibigan na huwag na lang sumunod na kaagad namang naintindihan ng mga ito.

Nang makarating na sila sa tinutuluyan nito ay kaagad niyang ipinasok ito sa silid, hindi bumitaw si Caleb sa kanya imbes na magpakalunod sa antok ay hinawakan nito nang mahigpit ang kamay ni Fallera.

"Fallera. . . kinakahiya mo ba ako?" basag ang boses na tanong nito.

Ganun ba ang naparamdam ko sa'yo, Caleb?

"Hindi."

"Maliit pa rin ba tingin mo sa'kin?"

Bakit ganyan ang mga tanong mo. . .nasasaktan ako. . .kahit ayaw ko.

"G-ginagawa ko naman ang makakaya ko, eh para maging karapat-dapat sa'yo. . .para kapag pinakilala mo ako masabi rin ng pamilya mo na tamang tao ang pinili mong mahalin. . .pero bakit kahit isang salita lang na galing sa'yo para ipakilala ako wala akong narinig?"

Kasalanan ko.

"Minamaliit mo na naman ba ang sarili mo?" matapang niyang tanong na dahan-dahang inilingan ni Caleb.

"Hindi ako ang nangmamaliit sa sarili ko, nararamdaman ko mismo.," anito na ikinamanhid niya lalo.

"Pwes tantanan mo ang kakaisip ng ganyan. Mahalaga ka sa'kin, Caleb. Hahanap naman ako ng tamang tyempo, eh. Nagipit lang ako kanina, natakot."

Masuyo niyang tinignan ang nagtutubig na mata ni Caleb.

"Pero hindi ka natakot na masaktan ako?"

Napakurap siya, hindi. Pero nang makita niya itong unti-unting lumayo sa kanya... nakaramdam na siya ng takot.

"Kasi ako. . . Fallera. . . takot na takot akong kumilos ng 'di nag-iisip dahil baka masaktan na naman kita," malumanay nitong wika pero bakas dito ang kalungkutan. "Umuwi ka na muna."

Marahan siyang itinulak nito papunta sa may tapat ng pinto.

Kumunot ang noo niya. Inuutusan ba siya nito? "Ayaw ko."

Napapikit si Caleb at bumuntong-hininga.
"Uwi. Bukas na l-"

Hindi na natuloy ni Caleb ang sasabihin ng lunurin na siya ni Fallera sa isang mahaba at mapusok na halik na hindi na nito natanggihan.

Iginalaw ni Caleb ang labi katulad nang kay Fallera, at mas lalo pang uminit iyon nang parehas silang bumagsak sa kama.

"M-mahal kita, Caleb."

Napakurap si Caleb, sabay hinga ng malalim. Mahina siyang natawa nang makita ang pagpipigil nito sa sarili.

Matibay?

Tignan natin kung hanggang kailan tatagal.

Lumapit siya at kinagat ang tenga nito na nakapagpaputol lalo sa pisi ng nobyo.

"Di naman kita pipigilan, iyong-iyo ako."

Sa sinabi niyang iyon hindi na napigilan ni Caleb ang sarili.

Pakiramdam niya isa siyang dahon na nalaglag sa puno, napadpad sa lupa hanggang sa inilipad ng hangin sa karagatan.

Si Caleb ang nandoon, si Caleb ang malakas na alon na nagparamdam sa kanya na may lugar na pwede pa siyang puntahan.

Sa tagal ng pagkakalutang sa dagat, nilamon na siya ng malakas na alon na hindi niya inaasahan.

Bawat galaw nito bago sa kanya, pero kahit na ganoon sumabay siya sa agos.

Sumabay siya sa kung saan siya dadalhin ng alon hanggang sa unti-unti na siyang nalunod sa karagatang hindi niya pinagsisihan kahit na siya ay nasa kailalim-laliman na.

Sa pagpatak ng madaling araw naging isa sila. Nakahanap siya ng kaligtasan sa kaguluhan.

"Fallera," tawag sa kanya ng nobyo nang halikan siya nito sa noo matapos ang tagpong iyon.

"Uhm. . ." 

"May isa pa akong pangarap na sana maging pangarap mo rin."

"Ano naman 'yon?" nangingiting tanong niya. Tinignan niya si Caleb na malalim ang titig sa kanya.

"Gusto kong magkaroon ng pamilya. . .nang ikaw ang kasama."

Dinama at pinakinggan niya ang pagtibok ng puso nito habang yakap-yakap siya. Ang bilis, kinakabahan dahil sa kanya?

Dapat lang.

Dahan-dahan siyang tumango bilang sagot na nakapagpabilis lalo nang tibok ng puso nito.

Sa pagbagsak niya, hindi siya nasaktan.

Mas naging masaya siya dahil nahanap niya ang taong makapagpapasaya sa kanya nang hindi niya inaasahan. 

🍃

Pushing Fall Where stories live. Discover now