Fallera:
Sensya na
Caleb:
Bakit?
Fallera:
Okay na kanina, eh
Nag-iinit ka na gising na siya
Binitin pa kitaCaleb:
Alam ko naman.
Hindi kita pipilitin sa isang bagay na hindi mo pa kayang gawin.
Fallera:
Pero kailangan mo diba? Ilang taon na rin tayong hindi... ganun, minsan ka na nga lang umuwi rito hindi pa kita mapasaya
Caleb:
Mas kailangan kong makita kang maayos.
Ganoon ba ang pagpapasaya mo sa'kin?
Utak mo talaga lagi hahahaha
Fallera:
Bakit totoo naman, ah? Nakakamiss din mag-sex
Caleb:
Ano ba 'yan?
Fallera:
Ano nag-init ka na naman? Chat na nga lang 'to hina mo talaga
Caleb:
Fallera
Masaya ako kahit wala kang gawin.
Kasiyahan mo ang hangad ko... hindi ang kagustuhan ko.
Lagi mong tandaan na mas uunahin kita kaysa sa sarili ko.
Fallera:
Caleb
Nasabi ko na ba sa'yo?
Caleb:
Ang ano?
Fallera:
Na mahal kita
Sobra
Huwag mo akong iiwan, ah?
Caleb:
Hindi mangyayari 'yon.
Matagalan man ako, babalik pa rin ako sa'yo ayan ang tandaan mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/308472928-288-k112049.jpg)
JE LEEST
Pushing Fall
RomantiekEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...