Ch.7 part 2 plus Ch.8 School Time

336 6 2
                                    

KATHRYN’s POV

Continuation =)

Pagkatapos kong tawagan si yen ay lumapit na ako kay mama

“ma, marunong ka bang magluto ng Pizza?” tanong ko kay mama

“oo naman kath, tara sa kusina..” sabi ni mama at lumakad na papuntang kusina “alam ko, kumpleto tayo sa ingredients pang pizza kasi paborito rin yan ni Khalil nung bata siya” sambit ni mama

Binuksan niya ang cabinet at parang may hinanap, tapos linabas niya yung ingredients

“ o’sya nang maumpisahan na”

*Kakatapos lang namin lutuin ang pizza and fortunately, successful siya, after 3 trials xDD

Napatingin ako sa relo, maaga pa, may 2 hours pa ako

“ma, akyat muna ako saglit, bababa rin ako mamaya unti” sabi ko kay mama

“sige anak, ibalot ko narin to ng mabuti, ang pangit kasi ng pagkakabalot mo parang gawa ng kinder, ay hindi pala! Mas maganda pang gumawa ang kinder!” asar ni mama

“ma naman!” sigaw ko habang papaakyat ng hagdan

Pagdating ko sa taas, kinuha ko agad ang cellphone ko sa bulsa ko, at dinial ang number ni Zharm

*RING* *RING*

[Hello?] haha kakagising palang ata niya

“hello best! Musta na?” tanong ko kay Zharm

[eto? Inis na inis sa kung sinumang tumatawag sakin ngayon! Ang sarap pa ng tulog ko e] sabi niya sakin

“sus to naman! Inuna mo pa ang tulog kesa sa bestfriend mo” pagdadrama ko sa kanya

Our Promises [Kathniel♥] -ongoing-Where stories live. Discover now