Ch11. Sila na? Is it too late?

454 5 4
                                    

KATHRYN’s POV

Isang linggo na kameng hindi nag-uusap ni DJ. Kahit magkasabay kame sa barkada, hindi kame nagpapansinan. We tend to avoid each other...

Nga pala, nagstart na ko sa mission ko dito sa DanRyn high, ang unang pinaayos ko kila mama ay yung swimming pool, kasi may cracks na yung tiles at masyadong marumi yung gilid ng pool, yung puno ng lumot! And yung mga wire sa bakod makalawang na, last time nung may tumama dun, muntik nang matetano, kaya ayun, currently under construction

Sa totoo lang, ang rami pang dapat ayusin dito, yung canteen lang ata ang mayos dito e xD

Andito pala ako sa look ng student council room, tinutulungan ko si kuya Albie sa pag-aayos ngmga papeles

“KATH!!” sigaw niya sakin

“ay anak ka ng tipaklong!!” napatalon tuloy ako sa gulat, naman! Busy pa ko sa pagmumuni-muni e

“ahhh sorry... di ko sinasadya. Ano nga pala uli yun kuya?” sabi ko kay kuya albie

“ahh sabi ko, malungkot ka nanaman, simula nung mag-away kayo ni DJ ganyan ka na... gusto mo ba sya kaya ganyan ka kaaffected sa away nyo?” tanong niya sakin

“yun? Gusto ko? NOWAY!!” dipensa ko, e ikaw kaya kuya Albie crush ko hahahaha talande mo kath!

Naglean-in siya sakin, tapos linapit niya yung lips niya sa ears ko, waaaahhhhnakikiliti ako!!

“kung di mo siya gusto... pwede bang tayo nalang??” tanong niya

Naitulak ko sya sa sobrang gulat, oo nga sabi ko kanina crush ko siya, pero di ko siya mahal... may THICK line between crush and love!

“what?!” tanong ko sa kanya, malay mo namali lang ako ng rinig

“kath naman... alam kong narinig mo, di naman kita minamadali... ang akin lang naman, ay maging aware ka na hindi lang basta kaibigan ang tingin ko sayo... ayokong nakikita kang nalulungkot dahil kay DJ, nagseselos ako Kath, kailangan ko ng lugar sa puso mo na kung saan may karapatan akong magselos...” sabi niya nang nakayuko

Our Promises [Kathniel♥] -ongoing-Where stories live. Discover now