Chapter 22

83 6 1
                                    

Clarabelle POV

AKALA KO, babalik na kami ni Adonis sa beach house, pero heto, hawak-hawak nya ang kamay ko at papunta kami sa lugar kung saan namin pinagmasdan ang paglubog ng araw.

"Panget.. Kaylangan gamutin natin yang sugat sa labi mo." mahinahon kong sabi sa kanya. Pero nanatiling tahimik sya at bumuga ng hininga.

Dahil sa pagsapak sa kanya ni Timothy, ay talagang pumutok ang labi nya. Muli ko na naman narinig ang pagbuntong hininga nya. Tila may mabigat syang problema.

"M-may problema ba?" kinakabahan kong tanong.

"Sa totoo lang nget, sa ganito nangyari kung bakit nagkahiwalay kami ng ex-girlfriend ko."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at kinabahan ako bigla.

"Maraming tutol sa relasyon namin ng ex ko nuon. Kaya isang araw, napagod kami pareho na ipaglaban ang relasyon naming dalawa."

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Si lolo lang naman ang nagpupumilit sa walang kwentang usapin na yun!"

"Natatakot ako na baka isang araw, bigla na lang tayo magkalabuan."

"Kung talagang mahal mo ko!! Kahit bago pa lang tayo! Alam mo sa sarili mo na hindi tayo magkakahiwalay."

"Paano kung bigla na lang magbago isip mo."

"Stop!!! Pwede ba Adonis!! Hindi ako ganon!! Hindi ako kasing babaw ng iniisip mo!! Kasing lalim ng dagat ang pagmamahal ko sayo!" parang babagsak na ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya ngayon.

Natatakot at kinakabahan din ako sa posibleng mangyari. Ang mga ganitong sitwasyon ay naisusulat ko lang sa mga likha ko ngunit hindi ko naman akalain na mangyayari at mararanasan ko na rin ito ngayon.

Napaupo ako sa buhangin at duon yumuko at umiyak. Tila alam ko na ang sunod na mangyayari pagkatapos ng mahabang araw na ito.

Pagkatapos ng masayang araw, darating din talaga ang kalungkutan. Ang magandang sikat ng araw ngayong tag-araw ay tila dinaanan ng bagyo na di man lang namin napaghandaan.

"Para kang gago nget! Dahil lang sa sinabi ng lolo ko, pakiramdam ko. Gusto mo ng makipaghiwalay." umiiyak na sabi ko.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap nya ng mahigpit sakin.

"Sorry Nget. Natakot lang ako sa posibleng mangyari."

"Ang posible ay pwedeng maging imposible.. Kung may tiwala ka sa sarili mo.. Kung talagang mahal ko at kung talagang natatakot ka na mangyari yang mga nasa isip mo.. Hindi ka bibitaw jan sa nararamdaman mo..." umiiyak ko pa ring sabi.

"Nget.. Mahal kita. Mahal na mahal." sabi nya at tumingin sya sa mga mata ko.

"Kung mahal mo ko.. B-bakit mo iniisip ang mga yun? Bakit tayo magpapaapekto.. bakit ka nag papaapekto?"

"Sorry. Napanghinaan lang ako ng loob."

Ang lalaking may lakas ng loob umaming mahal ako, ngayon napanghihinaan ng loob. Ang lalaking, naglakas ng loob sabihin sa papa ko ang tunay nyang damdamin para sakin, ngayon natatakot dahil lang sa salita ng lolo ko.

"Nasaan na yung kilala kong Adonis na may malakas na loob?? Ano ng mangyayari sa motto natin na mag-aaway lang tayo pero hindi maghihiwalay? Hindi ba ang ibig sabihin nun! Kahit anong mangyari hindi tayo maghihiwalay! Pero! Bakit parang gusto mo ng—" nahinto ang sasabihin ko ng bigla nya akong halikan sa labi.

Napapikit ako ng gantihan ko rin sya ng halik at niyakap ng mahigpit. Tila nabura ang lahat ng pangangamba ko.

"Nget.. Tandaan mo. Tumutol man ang lolo mo at ipagpilitan ang gusto nya. Hindi ako bibitaw. Tama ka. Ang lolo mo lang naman ang nagdesisyon ng ganon. Hindi ang mga magulang mo." napaluha ako sa sinabi nya.

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum