Chapter 25

76 2 0
                                    

Hazel POV

MEDYO nakaramdam ako ng inggit sa mga new couple na ito, lalo na kay Clara. Bago pa lang sila ni Adonis pero, may plano na silang magpakasal. Samantalang kami ni Jovert, halos sampong taon na kami magkarelasyon pero, ni konting paramdam lamang mula sa kanya, na gusto nya ako pakasalanan ay wala akong naririnig o nararamdaman.

Nang matapos kaming mag-inuman at mag barbeque party ay lumabas ako ng beach house at nagpunta sa tabing dagat. Umupo ako sa buhanginan at hinayaang madampian ng tubig ang mga paa ko.

Mamimiss ko ang ingay ng alon ng dagat at tahimik na lugar na ito.

"Loves.. Balik na tayo." sabi sakin ni Jovert na di ko namalayan na sumunod pala sakin.

"Mamaya na. Ikaw na lang bumalik." sabi ko habang pinagmamasdan ang alon ng dagat.

"Bakit parang ngayon ka lang naging malungkot? Malungkot ka ba dahil tapos na bakasyon mo?" natatawang tanong nya.

Napabuntong hininga ako. Kaylan kaya sya magiging seryoso tuwing mag e-emote ako.

Habang nakaupo ako, ay umupo din sya katabi ko. "May problema ka ba?" bigla nyang tanong.

"Hindi ka ba naiinggit sa kanila?" deretsyo kong tanong sa kanya.

"Kanino?" takang tanong naman nya. Matagal na kami pero hindi ko nakita sa kanya ang mainggit sa iba, kung anong meron sa kanya, kontento na sya.

Ang simpleng buhay na meron sya simula nuon pa nung mga highschool pa lang kami ay kontento na sya. Masaya sya na ganon ang buhay nya. Masaya at kontento na lagi nyang sinasabi sakin nuon. Masaya sya sa akin at kontento na sya sa relasyon na meron kaming dalawa. At sa tuwing naiisip ko yun. Laging sumasagi sa isip ko na wala syang balak pakasalan ako.

Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Kila Clara. Napag-uusapan na nila ang kani-kanilang kasal."

"Bakit naman ako mainggit? Hindi naman ako dapat mainggit sa kanila eh." ganyan sya sumangot. Sya yung lalaking walang inggit sa katawan.

Kaya madalas natatakot akong tanungin sya tungkol sa kung kelan ba nya ako papakasalan dahil natatakot ako sa magiging sagot nya sa akin. Pero kaylangan kong tatagan ang loob ko. Kaylangan ko syang tanungin. Kaylangan ko malaman ang magiging sagot nya. Masasaktan man ako o magiging masaya at least namalan ko.

"Eh ikaw ba? May balak ka bang magpakasal sakin o wala?" malungkot kong tanong dahil alam kong pagtatawanan lang nya ako.

"Ano ba yang tinatanong mo?" natatawang tanong nya.

Napabuntong hininga na lang muli ako, dahil sa reaksyon nya alam kong wala syang balak.

Sana hindi na lang ako nagtanong. Nagsisi pa tuloy ang isip ko.

"Halos sampong taon na tayo pero pakiramdam ko. Wala pa ka pa ring plano sa kung ano ang future natin." prangkang sabi ko sa kanya.

"Loves.. Masaya naman tayo hindi ba?"

"Masaya??" tanong ko. "Oo naman masaya ako, kung aalokin mo ko ng kasal." seryosong sabi ko at parang nabigla sya dun. "Bakit Jovert? Nakakabigla ba?" tanong ko kasabay ng pagtawa ko. Pero sa puso ko ay nasasaktan ako.

"P-pero h-hindi pa ako handa Loves." mas lalo akong nasaktan sa sinabi nya. Ramdam ko naman pero bakit pa ba ako aasa?

Nagtanong ka. Ngayon alam mo na. Hindi pa sya handa kaya wala ka na rin dapat pang paghandaan.

"Alam ko naman yun. Nagbibiro lang ako." pekeng tawa ko sa kanya. Pero sa looblooban ko, napakabigat nito. "Sige na. Papasok na ako sa loob." tumayo ako at iniwan ko sya. Ayoko makita nya na iiyak ako. Hanggat kaya ko pang pigilan itong nararamdaman ko. Kakayanin ko.

Ako yung babaeng masayahin. Kaya dapat maging matatag ako. Kung wala syang balak na pakasalan ako, kung hindi pa sya handa. Mas mabuti pa siguro na tapusin na ang relasyon naming ito. Nakakapagod din pa lang umasa.

Sa sampong taon naming mag jowa, sa huli, hindi pa sya handa. Sa huli, hindi man lang nya naiisip ang future na kasama ako. Magkasama kami. At sa huli ako lang din pala ang umaasa at sya. Balewala lang pala kung anong damdamin na mararamdaman ko.

"Oh Hazel, bakit parang malungkot ka yata?" tanong ni Zora sakin pagkapasok ko ng kwarto namin. Naka facial mask pa sya.

"Hindi ah. Hahaha..." natatawang sagot ko at agad na humiga sa kama.  Nagtalukbong ako ng kumot at lihim na umiyak. Ayoko marinig nila ang iyak ko. Tama. Iiyak lang ako at bukas mawawala na itong mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

◌⑅⃝● KINABUKASAN ◌⑅⃝●

NAGISING ako ng marinig ko si Clara na tinatawag ang pangalan ko.

"Besh.. Gising na." sabi nya sakin. Nakalimutan kong babalik na pala kami ng laguna ngayong araw. Bumangon ako at dumeretsyo sa banyo para mag halfbath. Wala akong ganang maligo dahil masakit ang ulo ko.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin habang nasa banyo ako at nagsisipilyo. Okay naman ako kahit may konting eyebags lang naman.

Nakabihis na ako at bitbit ang gamit ko. Kinuha iyon ni kuya Moises at agad na nilagay sa van ang mga gamit namin.

"Oh. Mag-almusal muna kayo para hindi tayo magutom sa byahe natin." sabi ni Tita.

Tahimik lang ako at walang imik. Ayoko muna makipag-usap sa ngayon. Tahimik lang din akong kumakain, napapansin ko at pasulyap-sulyap ni Jovert sakin pero hindi pa rin ako umimik. Tila namatay na ang mga paru-paro sa puso ko na matagal.kong inalagaan.

Nang matapos kaming kumain ay sumakay na kami sa Van. Wala naman nagbago sa loob kahit na si Ate Christa ay sumabay sa sasakyan ng jowa nya. Dahil si Adonis naman ang pumalit.

Sa dulo ako umupo hindi sa dati naming pwesto ni Jovert. Ayoko muna sya makatabi kahit dito pa sa loob ng Van.

"Loves... Dito tayo di ba?" sabi nya pero hindi ko sya pinansin. Isinandal ko kaagad ang ulo ko sa bintana para makapagrelax ako. Medyo inaantok pa ako.

"Hazel. Jan ang pwesto ko." sabi ni Zora sakin.

"Dito muna ako besh. Inaantok pa kasi ako eh. Gusto ko muna ng katahimikan." seryosong sabi ko kasabay ng pagpikit ng mata ko.

"Okay sige. Tabi na lang tayo." sabi pa nya at tumabi sya sa tabi ko.

Naidilat ko ang mga mata ko ng paandarin na ang makina ng sasakyan. Si Faith ang pumalit sa dati kong pwesto. At muli na naman akong pumikit. Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko na okay ako kahit hindi talaga dahil alam ko mahahalata nila.

"Kagabi ka pa malungkot Hazel. May problema ka ba?" pabulong nyang tanong sakin ni Zora.

"Saka na lang ako magkwe-kwento besh kapag ready na ang puso't-isip ko. Sa ngayon. Gusto ko munang magpahinga."

"Uhmp! Kung ganon nga. May problema nga." sabi pa nya at tumango ako.

Matured kausap si Zora, siguro kung may isip bata man sa grupo namin, ako na yata yun dahil sa pagiging masayahin ko. Minsan sa pagbibiro ko idinadaan ang problema ko, ngayon ang hirap pala na ganon ang personality ko, dahil kahit na seryoso na ang sinasabi ko eh parang akala ay nagbibiro ako.

TBC  (。-_-。)

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz