Chapter 12

72 4 0
                                    

Timothy POV

MULA dito sa labas ng beach house. Nakita kong tumatakbo ang kaibigan ni Clara na si Faith. Ang bilis nyang tumakbo, pero napansin kong parang umiiyak ito.

Ano kayang problema nun? Parang kanina lang masaya silang lumabas nila Clara para maglakad-lakad. Tanong ko sa sarili ko.

"Hays!! Sundan ko na nga lang!" tumakbo ako at sinundan ko sya kung saan pupunta. Hanggang sa huminto sya sa isang lugar kung saan wala masyadong tao.

Hinihingal sya at huminga ng malalim sabay tumingin sa dagat.

"BAKERO!!! ANATA WA KACHINONAI HITOBITODESU!!" sigaw nya sa dagat. "Hhaaaahhhhh!!!!! Anata ga kirai ​​desu!!!"

Wala akong naintindihan kundi bakero lang. Pero mukhang galit sya sa isang tao lang.

"Letche ka!! Bwisit ka!!! Ang kapal ng mukha mo!!! Space yung gusto mo! Pero sa ibang space pala ang hanap mo!!! Hayop ka Timotheo!!!"

Kinabahan ako. Akala ko ako na ang minumura nya. Napaupo sya sa buhanginan at umiyak, tila naubos ang lakas nya kakasigaw.

"Gumaan na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko.

Lumingon sya sakin na parang nagulat at hinahabol ang sarili nyang hininga.

"Anong ginagawa mo dito?!" inis nyang tanong.

"Nakita kasi kita na tumakbo papunta dito kaya sinundan kita. Medyo malayo na ito sa beach house." paliwanag ko.

"Sinundan mo ba ako para pagtawanan ako. O para may maikwento ka sa iba na may nakita kang babaeng umiiyak na mukhang tanga?!" tanong nya at wala pa ring tigil ang mga mata nito sa pagluha.

"No. Hindi ako ganon. Marunong akong rumespeto sa nararamdaman ng tao. Lalo na sa mga babae." mahinahong sabi ko pa at sinamahan syang umupo sa buhanginan.

"Narinig mo lahat ng sinigaw ko?" lumuluha nyang tanong.

"Oo. Sino bang hindi makakarinig eh sinigaw mo. Hindi mo naman binulong." pabirong sabi ko at ngumiti sya. Kasabay ng pagpunas ng luha nya gamit ang palad nya. "Kaya lang para kang alien. Hindi ko maindintihan sinasabi mo." sabi ko pa at tumawa sya. "Pero okay na rin na isigaw mo sa dagat lahat ng nararamdaman mo. Para anurin na lang nya palayo, hanggang duon." turo ko sa dulo ng karagatan.

"Ganon ba yun?"

"Oo." agad kong sagot.

"Pero gusto ko sana anurin itong lahat ng sama ng loob ko papunta dun sa taong niloko ako." sabi nya at tumulo na naman ang luha nya.

"Pwede naman. Isigaw mo lahat ng gusto mong isigaw. Hanggang sa gumaan ang loob mo, papunta sa lalaking niloko ka."

"Hhaaaahhh!!!! Gago ka Timotheo!!!" sigaw nya. Napakamot ako ng ulo.

"Timotheo talaga name ng nanloko sayo?" tanong ko.

"Yun ang totoo nyang pangalan."

"Pwede bang Theo nalang itawag mo dun, kasi parang ako yung sinisigawan mo dahil same kami ng unahan eh." sabi ko at tumawa sya.

"Sorry." sabi nya. "HOY THEO!!!!! ANG KAPAL NG MUKHA MO!! WALA KANG KWENTANG TAO!!!! JAN KA NA SA STACEY MONG PARANG TUBOL! PARA PANG NGONGO!!!" sigaw nya at tumawa pa ito habang patuloy lang sa pagtulo ng mga luha nya. Natawa din ako.

"Yan ganyan. Tumawa ka. Hindi dapat iniiyakan ang mga lalaking walang ka kakwenta-kwenta." mahinahon kong sabi at pinahid ko ng dalawang hinlalaki ko sa mga mata nya ng tumulo naman ang luha nya. "Pero okay lang kung tears of joy yan." dagdag ko pa.

◌⑅⃝●♡⋆♡ * ♡⋆♡●⑅◌

Faith POV

KINABAHAN ako ng bigla nyang hawakan ang mukha ko at punasan ang mga mata ko gamit ang daliri nya.

"Okay na ako. S-salamat." utal kong sabi at tumayo ako kaagad. Pinagpag ko ang suot kong short ng malagyan ng buhangin.

"Sure ka? Hindi ka na sisigaw?" tanong nya at tumayo na rin sya at nagpagpag din.

"H-hindi na. Baka mawalan ako ng boses at hindi na makakanta."

"HOY THEO!! ANG TANGA MO!!" sigaw nya kaya natawa ako. "Okay na. Tara! Balik na tayo sa beach house. Baka naruon na sila Clara." sabi nya at inabot ang kamay nya. Tinaggap ko naman at sabay kaming naglakad pabalik ng beach house. "Mas bagay sayong nakangiti." sabi pa nya at nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko.

Ewan ko ba hindi ko maintindihan at parang bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko, lalo na sa lalaking ito.

Nang malapit na kami ay ako na ang unang bumitaw ng makita ko sina Clara, Hazel at Zora na nakasandal sa poste ng ilaw na naroon.

"Faith!!" sigaw ni Hazel, tumakbo ito sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Teka. Paano at magkasama kayo?" nagtatakang tanong ni Clara.

"Nagkataon lang nakita ko sya." sagot niya.

"Ah okay."

"Tara na sa loob. Naihanda na namin ang barbeque party natin." sabi ni Zora.

"Barbeque party?" tanong ko.

"Oo. Kasi may inuman tayo hindi ba? Kaya tara na." sabi ni Hazel at excited akong hinila papasok sa loob ng beach house.

Naroon si Tita at Tito na naghahanda din ng simpleng party, habang si Jovert at kuya Moises naman ang nag-iihaw ng mga tinuhog nilang karne. Si Ate Christa naman ang taga tikim.

"Oh tara na Faith dito." sabi ni Tita Clari, o mas kilala namin sa tawag na tita Claire. "Maupo ka na dito." sabi pa nya at pinaupo ako sa solong upuan.

"A-ano pong meron?" tanong ko na naman na hindi maalis-alis ang pagtataka.

"Happy summer break up!" masayang sagot pa ni Hazel.

"Teka! Ikaw bang nakaisip nito?" tanong ko kay Hazel.

"Oo. Ayaw mo ba ang idea ko?"

"Ikaw talaga! Napaka ano mo talaga!" sabi ko at parang gusto ko syang sipain.

"Ano ka ba Faith? Ayaw lang namin na nalulungkot ka." paliwanag pa nya.

"Baka ayaw mo, dahil ayaw mo ng may malungkot!" tanong ko at tinawanan nila ako.

"Tumpak! Kaya. Maupo ka lang jan at kami ng bahala sayo. Papasayahin ka namin." sabi pa nya.

Napatingin ako kay Timothy. Nagkibit balikat na lang ito at ngumiti sakin.

"Hello... Hellooo!!! Hi sa inyong lahat. Magandang maganda ako sa inyo. Well.. Makakasama nyo tonight. Walang iba kundi ang nag-iisang Hazel ng buhay nyo." sabi nya habang hawak ang microphone. Ginawa nyang radio station ang beach house.

Mula sa karaoke ay nagset sya ng kakantahin nila. "Let's party!!!"

🎶If you see pictures of me
With your friends at the beach
Looking happy and free
Its cause I am oh
If I look good with a tan
And no one holding my hand
And you start wanting me back
Just know you can't no
Oh
Its obvious to everyone
Oh 🎶

"You’re stupid!!" sabay sabay nilang sabi. At itinuro ang lugar kung saan nmain nakita si Theo.

🎶I think we need a summer break up
Lets walk away and never make up
If you ask me its sad
'Cause you’re just like your dad
I think we need a summer break up 🎶

Napatawa na lang ako dahil sinabayan nila ng sayaw ang kinakanta nila.

Napatingin ako kay Timothy na tumatawa din, tumingin sya sa gawi ko at bigla itong kumindat. Napayuko ako ng makaramdam ng hiya. Pero aminadong kinilig ako duon.

TBC ♡⃛◟( ˊ̱˂˃ˋ̱ )◞⸜₍ ˍ́˱˲ˍ̀ ₎⸝◟( ˊ̱˂˃ˋ̱ )◞♡⃛

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon