Chapter 23

73 3 0
                                    

Faith POV

HABANG pabalik kami ni Timothy sa beach house ay hinawakan nya ang kamay ko.

"Faith.."

"Ano na naman ba yun?"

"Pwedeng humingi ng pabor?" bigla nyang tanong.

"Anong pabor naman yun?"

"Tulungan mo ko ayusin ang gusot na ginawa ko." nakayukong sabi nya. Humarap ako sa kanya at nag cross arms.

Hindi naman kami. Close pero hindi ko naman sya pwedeng tanggihan kung anong pabor man ang gusto nya dahil kaibigan ko ang naiipit sa gustong mangyari ng lolo nya dahil lang sa isang kasunduan.

"Sa tingin mo ba eh may maitutulong ako sa nais mong pabor?"

"Oo. May maitutulong ka."

"Sige. Tutulungan kita ng maiayos ang gusot na yan, ngayon sabihin mo sakin kung anong pabor ang gusto mo?"

"Magpanggap kang girlfriend ko." deretsyo nyang sabi.

Halos manlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi nya. Ako magpapanggap bilang jowa nya?

"T-teka... Mukhang mahirap na pabor naman yan." natatawang sabi ko pa.

"Please. Kung gusto mong matulungan ang kaibigan mo. Yun na lang ang nakikita kong paraan para hindi na maituloy ang gusto ni Don Cedrick, at para hindi magalit si Clara sakin ganon din ang pamilya nya at para hindi—"

"Oo na! Sige na!" pinutol ko ang sasabihin nya. Kung ano-ano na kasi ang sinasabi nya. Bumuntong hininga ako. Parang nagulat pa yata sya sa sagot ko.

"T-talaga?"

"Oo. Yun lang naman ang nagagawa ko bilang kaibigan nyong pareho, kahit na hindi pa naman tayo gaano ka close at gaano magkakilala." paliwanag ko. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

Mabuti na lang napahawak ako kaagad sa dibdib ko, kaya hindi nya mararamdaman o maririnig kung gaano kalakas ng kaba ng dibdib ko, na dulot nya sa akin.

"Thank you.. Masaya ako dahil tutulungan mo ko. Sabi ko na. Unang araw pa lang kita nakita alam kong mabait ka." sabi pa nya at binitawan na nya ako sa pagkakayakap.

"Kung ano-ano na sinasabi mo. Hindi ako mabait ah." natatawang sabi ko at ngumiti sya. Ginulo pa nya ang buhok ko.

"Sa totoo lang wala akong mga kaibiganna maituturing kong tunay. Siguro ikaw at si Clara lang ang maituturing kong tunay kong kaibigan." sabi nya at nagkibot-kibot ang nguso ko.

"Ayos ka rin ah. Tara na. Baka ginigisa na si Adonis at Clara ng lolo nya. Ikaw kasi." sabi ko pa at tinalikuran ko na sya.

Palihim akong ngumiti. Ayos na sakin ang ganitong pagpapanggap kahit ngayong gabi lang. Hindi naman ako nag a-assume na after nito eh, ito na ang simula para sa panibagong puso ko.

Pagpasok namin ng beach house, mukhang nagtatalo sina Clara at ang lolo nito. Ang magulang ni Clara ay nasa panig nya. Kitang kita ang pagiging masungit ni Don Cedrick, na mukhang hindi nagugustuhan ang mga nangyari, medyo late lang kami pero tila may hindi na magandang usapin ang napag-usapan kanina pa.

"T-totoo po lolo. Buntis ako at sya ang ama ng dinadala ko." sabi pa ni Clara.

Nagulat ako. Hindi lang ako kundi ang mga kaibigan namin. Lalo na si Timothy.

"Tama ba ang narinig ko, buntis na sya?" bulong sakin ni Timothy. Tumango na lang ako.

"Nagpabuntis ka kaagad sa lalaking yan na hindi ka pa naikakasal!! Nasaan ang kahihiyan mo!!" sigaw ng lolo nya. Ramdam sa buong bahay kung gaano sya kagalit sa nalaman nya. "Nagmana ka sa ina mo!! Hindi pa naikakasal sa ama mo! Nagpabuntis na!! Nakakahiya!!"

"Don Cedrick. Relax po muna kayo. Ganyan na po ang mga kabataan ngayon." sabi ng nanay ni kuya Andrew.

"L-lolo. Hindi ba kayo natutuwa at magkakaapo na kayo." tanong ni Ate Christa na halata ding natatakot at kinakabahan.

"Christa!! Paano ako matutuwa! Buntis na ang kapatid mo! Na hindi pa nagpapakasal!!"

"Pasensya na po Don Cedrick. Papanagutan ko po ang apo nyo." matapang na sabi ni Adonis at yumuko.

"Ganyan ang kapatid ko. Hindi sya duwag harapin ang problema. Tsk! Malaking problema ito. Dapat malaman nila mommy and daddy ang nangyayari sa bunso nila." mahinang sabi ni Keiran sa amin.

Naramdaman ko ang paghawak ni Timothy sa kamay ko. Tumingin muna aya sakin, ngumiti at tumango bago humarap kay Don Cedrick.

"Don Cedrick.. Ipagpaumanhin nyo po. Pero nakapagdesisyon na rin po kasi ako." bilang sabi ni Timothy. Kinakabahan man ako pero kailangan may dahilan din sya.

Pero siguro kahit hindi na namin gawin ang pabor nya, dahil mas mabigat ang dahilan nila Clara at Adonis, para hindi na sila mapaghiwalay pa.

"Anong ibig mong sabihin Hijo?" tanong ni Don Cedrick. Lalong humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Okay lang Timothy kahit wag mo ng sabihin o wag na natin ituloy ang plano natin. Siguro naman—" naputol ang pagbulong ko sa kanya ng bigla syang sumagot kay Don Cedrick.

"May girlfriend na po ako. Kaya hindi na po matutuloy ang gusto nyo." mahinahon nyang sabi.

Kinakabig ko ang kamay nya, sensyales na wag na naming ipagpatuloy ang maliit na pabor na iyon.

"Girlfriend?" sabay na tanong nila Clara at Adonis.

"Oo. Si Faith po, sya po ang girlfriend ko." matapang nyang sabi.

Napalingon ako sa kanya at itinaas ang kamay naming nakaholding hands. Muli na naman akong kinabahan, at nakaramdam ng hiya, nang bumaling ng tingin ang lahat sa amin na gulat na gulat, nagtataka, nalilito at hindi makapaniwala sa sinabi nito sa harap ni Don Cedrick at sa lahat ng taong nandito ngayon sa beach house.

"Oh my gosh!! Mag jowa kayo?" gulat na tanong ni Hazel.

"Grabe! Hindi ako makapaniwala. Kaya naman pala ibang klaseng concern ang meron nung natapilok ka." gulat na sabi pa ni Zora sabay takip sa bibig nya.

"Kaya naman pala ang sweet ng dalawa." sabi pa ni Ate Christa. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

"I'm sorry po." sabi ni Timothy.

Napaupo na lang si Don Cedrick at napahimas sa sarili nitong batok. Nabigla yata sya, at baka nakaramdam ng pagtaas ng dugo.

"Hays.. Wala na akong magagawa kung ano man ang desisyon nyo. Pero, hindi ko naisip na mapapahiya ako ngayon." sabi nito.

"Papa. Wag nyo po isipin yan." sabi ni Tito Hendrick.

Rinig ko ang buntong hininga ni Don Cedrick na parang masama ang loob.

"Babalik na kami ng maynila." sabi nito at muling tumayo. "Timothy at Clara. Mag-uusap-usap tayo. At ikaw." turo nya kay Adonis. "May dapat din tayong pag-usapan." sabi pa nya. "At isa pa pala Timothy. Isama mo din ang girlfriend mo." dagdag pa nito at kinabahan na naman ako. "Tatawag na lang ako kung kaylan ko kayo kakausapin. Sige na. Hanggang sa muli." sabi nya at sabay sabay kaming tumango pagbibigay galang sa nakakatanda sa amin. Kasama ang magulang ni Kuya Andrew ay sumabay na itong lumabas ng beach house.

Binawi ko ang kamay ko kay Timothy na kanina pa nya hawak. Nakahinga ako ng maluwag. Nakaka ubos pala ng lakas ang pagpapanggap na ito.

Napaupo ako sa upuan na malapit sakin. Ang mga kaibigan ko ay tinignan ako na may halong nakakaloko.

"Totoo ba? Kayo ng dalawa?" nakakalokong tanong ni Hazel sa akin at tinuro si Timothy.

"Kaya ba biglang sweet ang peg?" pang-aasar pa ni Clara.

"May biglaang Concern ganon?" dagdag pa ni Zora.

"T-teka. Totoo ba na buntis ka na Bakla?" tanong ko kay Clara. Para maiwasan lang ang pang-aasar sa akin ng mga kaibigan ko.

Rinig ko ang tawanan nila tito at tita, ganon din ang tawa nila Clara at Adonis.

TBC ( ̄. ̄)

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz