Chapter 17

73 5 0
                                    

Faith POV

HINDI ko naman sinasadyang matapilok ako pero maganda yata ang pagkakatapilok kong ito dahil si Timothy ang bumuhat sakin.

"Teka lang. Kukuha lang ako ng yelo." sabi nya.

"Oh anong nangyari?" tanong ni tita ng makita nya akong nakaupo sa sofa at itinaas ang paa sa lamesita.

"Na sprain po sya."

"Ah ganon ba. Naku! Patingin nga. Sabi ni tita at hinawakan ang paa ko. "Naku.. baka hindi ka makapag swimming."

"Po!! Hala! Wag naman sana." bigla akong nalungkot, dahil may balak kaming mag banana boat bukas.

"Ipahinga mo lang yan. Oh ito ang yelo." inabot nya sakin ang ice bag. Agad ko naman iyon nilagay sa paa ko. "Sobrang sakit ba?"

"Okay naman po ako. Siguro naman hindi naman ito mamaga hindi ba?" nag-aalalang tanong ko.

"Hindi yan. Ipahinga mo na lang yan."

"Mabuti pala kasama natin si Timothy ngayon, hindi inaasahan may matatapilok sa paglalaro nyo." sabi ni Tita habang umiinom ng juice. "May alam din yan sa first aid."

"First aid? Kaya naman pala nagamot mo agad ang puso ko." mahinang sabi ko.

"Ano yun?"

"Ah... Ang galing.. Hindi ko alam may alam ka sa ganito."

"Madalas kasi, ganyan nangyayari sa mga estudyante ko, madaling natatapilok." natatawa pang sabi nya.

"Sure ka ha. Hindi na ito mamaga." nag-aalalang tanong ko. Bakit kasi ang tanga-tanga ko. Baka hindi ko pa maenjoy ang summer vacation na ito.

"Hindi na nga. Ang kulit mo." sabi nya at nagulat ako ng pinsilin nya ang pisngi ko. Kinabahan ako. "Wala akong dalang Candy. Wait." tumayo sya at pumasok sa kwarto nya.

"Ito talaga si Timothy. Bibigyan ka pa yata ng candy." iling na sabi ni tita.

"Bakit tita?"

"Para hindi sumakit yang paa mo."

"Ha?? Anong konek nun tita? Eh hindi naman paa ang kumakain ng Candy?" seryosong tanong ko at tumawa ng malakas si Tita.

Ilang sandali lang ay lumabas na sya. Napakunot ako ng noo ng lumapit sya sakin.

"Oh. Mabuti na lang may natira pa." inabot nya sakin ang isang pirasong lollipop.

"Ano to? Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Para hindi sumakit yang paa mo."

"Oh diba sabi ko sayo eh." bulong sakin ni Tita.

"Eh? Anong??" kunot nuo kong tanong at naguguluhan na naman ako. Di ko sya ma-gets. "Salamat dito." sabi ko na lang sa kanya. Ngumiti sya. Ang gwapo nya kapag nakangiti sya. Para akong kinilig.

Ano ba yan? Nakamove on na yata talaga ako.

"Nsaan pala sila Clara?" tanong ni tita.

"Baka po nasa tabing dagat kasama si Adonis." sagot ko.

Napatingin ako kay Timothy. Nabanggit ko lang na magkasama yung dalawa eh bigla na lang nagbago ang reaksyon ng mukha.

"Dun lang po muna ako sa kwarto." paalam nya at iniwan kami ni Tita sa sala.

◌⑅⃝●♡⋆♡ * ♡⋆♡●⑅◌

Clarabelle POV

NAGLAKAD-LAKAD kami ni Adonis malayo sa beach house at nagpunta sa kakaunti lang ang tao, para duon pagmasdan ang paglubog ng araw. Nakaupo kami sa buhanginan at ang mga paa naman ay hinahayaang madampian ng alon ng dagat.

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang