Chapter 11

71 5 0
                                    

Clarabelle POV

GABI na. Niyaya ko ang bella's na mamasyal sa tabing dagat katulad ng dati. Masarap maglalakad lakad sa tabing dagat lalo na kapag gabi.

"Kung nandito lang sana si Theo. Makikita nya ang lugar na 'to." Biglang sabi ni Faith kasabay ng mahabang buntong hininga.

"Oo nga no. Naalala ko every summer vacation natin lagi syang wala." natatawa pa na sabi ni Hazel.

"Okay na rin yun. At least. Parang mga single naman tayo ngayon." nakangiting sabi ni Zora.

"Kaya nga hindi ko sinama si Jovert sa walking in the beach natin. Respeto na lang sa inyo." sabi nya at natawa kami.

"Hay.. Mabuti pa ang dagat paalon-alon na lang. Life just goes on.." biglang nagdrama si Hazel, habang nakatanaw kami sa dagat at hinahayaang mahalikan ang mga paa namin ng tubig dagat.

"Ang sarap sana mag boat ride." sabi ko.

"Ay hindi gusto ko mag banana boat tayo bukas." sabi ni Faith.

"Gusto ko yan saka. Jetski na rin." si Hazel.

"And finding... hunkies...." sabay-sabay naming sabi at sabay na tawanan na tila kinikilig.

Every summer lang naman kami ganito. Mga napapatingin sa mga magagandang katawan ng mga lalaking naggagwapuhan. Pero masaya sana kung si Adonis ang makikita kong naka-topless

Umupo kami sa isang tindahan na naroon para bumili ng snacks.

"Wait!! Nakikita nyo ba yun?" tanong ni Hazel at tinuro ang ilang grupo na duon na nag bo-bon fire. Tatlong babae at dalawang lalaki. "Faith! Si Theo yun diba?" Tanong nya sabay hampas kay Faith sa balikat kaya nagulat ito.

"Saan?" sabay-sanay naming tanong.

"Ayun with another guys. Shit! Si Theo nga! Look! Clara! Zora! Si Theo diba?" sabi nya habang hinahampas din kaming dalawa ni Zora.

"Ano ba Hazel! Ang sakit ng pagkakahampas mo!" Reklamo ni Zora. Masakit talaga makahampas ang babaeng ito.

"Eh ano naman kung si Theo yan! Kung makareact ka para kang nakakita ng artista." Inis kong tugon. Pero anong ginagawa ng lalaking yun dito?

Bakasyon? Space? Or something fishy?

"Oh my!! Hindi ba kayo naiinis? Sorry Faith! But nakakainis kasi. Ang saya nya tignan!" Prangkang sabi ni Hazel.

"Hayaan mo na lang sya." malungkot na sabi ni Faith at yumuko ito. Di namin inaasahan na dito namin makikita si Theo.

"Relax lang bella's. Mukhang papunta sila dito nung girl. Kunwari hindi natin sya kilala." sabi ni Zora.

Umupo kami ng maayos at dikit-dikit sa isang mahabang upuan habang sabay ding umiinom ng softdrinks na nakalagay sa plastick at naka-straw.

"Ilang snacks ba ang bibilhin natin?" Tanong ni Theo sa kasama nyang babae. Maganda, sexy, kulot ang buhok, maputi, matangos ang ilong. Oh mem!! Mukhang may lahing espanyol.

"Umph! Damihan na lang natin. Para di na tayo bumalik." sabi ng babae.

"Sure baby." sagot nito na sabay-sabay naming pinaglakihan ng mata.

Tumingin ang babae sa amin at sabay-sabay kaming nagsiiwas. Ganito kami, ayaw namin ng gulo. Pero pag di na nakapagtimpi. Warla na kami.

"Oh!! Diba ikaw si Hana Faith Sato?" tanong ng babae kay Faith kaya muli kaming napatingin na dalawa.

"Kilala mo sya?" tanong ko.

"Yes! I know her. She is a public servant right?"

Aba may pagkamaarte din palang magtanong si Ateng.

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora