Chapter 1

379 6 1
                                    

Clarabelle Pov

One month later.....

Nakaupo ako sa sofa habang gumagawa ng kwento ko. Malapit na ako matapos. Ang sarap talagang magsulat ng kwento kapag punong puno ng puso ang paligid ko. Lahat ng letra may kanya kanyang kulay. Ganon ang epekto ng pag-ibig sakin.

"Hindi ka pa ba tapos jan nget?" tanong ni Adonis, di ko namalayan katabi ko na pala sya.

"Malapit na. Bakit?"

"Sila Hazel at Zora nanduon kila Faith. Tumawag si Jovert sakin." sabi nya. Sa kabilang bahay lang naman yun. Ikalimang bahay mula dito sa amin.

"Bakit daw?"

"May problema daw si Faith. Saka hindi makausap nila Hazel at Zora eh. Baka ikaw daw makausap mo?" paliwanag pa nya.

"Bakit ako?"

"Syempre kaibigan mo yun diba."

"Oo. Pero di ako pwedeng huminto dito sa ginagawa ko. Matatapos na ako." hindi naman ako nagrereklamo. Syempre priority ko pa rin naman ang mga kaibigan ko.

"Edi mamaya mo na lang sila puntahan." sabi nya at inilagay ang ulo nya sa balikat ko.

Natatawa ako nagpapacute sya sakin kaya na di-distract ako.

"Panget naman. Mamaya ka na mag pa cute jan. Nawawala ako sa concentration ko." sabi ko.

"Diba, ako naman ang inspiration mo? So dapat sakin ka mag concentrate." sabi pa nya na may malambing na boses.

"Ayoko nga. Mamaya nyan. Kung ano pang gawin mo sakin. Wag kang ano jan." sabi ko at tumawa sya.

"Kung ano-ano yang iniisip mo."

"Hindi ah. Advance lang ako mag-isip. Pag nag papacute ka. Alam ko na yan eh. Gusto mo lambingin kita." sabi ko at muli syang tumawa.

"Kaka love story mo, jan mo yata yan napulot no?"

"Ewan ko sayo. Kala mo hindi totoo sinabi ko. Hmp!!"

"Tapusin mo na kasi yan. Para yung mga mata mo sakin na nakatuon." sabi nya. Di ko na talaga mapigilan feelings ko. Lagi na lang ako kinikilig sa kanya.

"Pag tinapos ko to. Tapos ka sakin. Umayos ka." sabi ko pero yung kilig ko nagpaikot-ikot na sa milky way. Takteng kilig to. Abot hanggang dulo ng universe.

Habang nakaupo ako at ang laptop ay nasa hita ko. Bigla nya akong niyakap. Ang ulo ay nasa balikat ko.

"Belle!!!" tawag ni Zora sa akin pagka bukas ng pinto. Mukang nagmamadali.

"Bakit Zora ano yun?" tanong ko.

"Baka naman pwede mong kausapin si Faith ngayon." pakiusap nya. Mukhang malaki nga ang problema ni Faith ngayon.

"Bakit? Ano bang problema? Tanong ko at nilapag ang laptop sa lamesita.

"Eh kasi, mukhang malaki ang problema ng babaeng yun."

"Bakit?"

"Nagkipagbreak kasi si Theo sa kanya. Kaya ayun broken yung bakla. Hindi na lumalabas ng bahay nila."

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayWhere stories live. Discover now