Chapter 10

96 6 0
                                    

◌⑅⃝● SUMMER VACATION ◌⑅⃝●

Clarabelle POV

Heto na nga. Outing na namin ngayon, pero hindi makakasama si Adonis sa amin papunta ng Zambales dahil sa trabaho nito. Nakakalungkot. Parang nung valentines day lang, late na syang dumating. Pero ngayon, tila walang pag-asang makakasunod pa sya sa amin kahit nauna syang umalis. Ilang araw ko na syang hindi nakikita.

Sa isang Van kasama ko sina Ate, Faith, Zora, Hazel, Jovert at Timothy. Tulad ko ay hindi rin nakasama ang boyfriend ni ate na dapat ay ipapakilala na nya sa amin pero, may family outing din ito, kaya mas pinili nung lalaki na duon sumama kaysa kay Ate, dahil may ibang gustong babaeng i-meet ang parents ng boyfriend nya. Kaya itong itsura ng ate ko. Mukhang hitong uhaw. Nakasimangot na, nanlalaki at lumiliit pa ang mga mata sa pagkainis dipende sa gusto nyang reaksyon at mukhang tangang bumubulong mag-isa.

"Lagi na lang parents! Lagi na lang yung other girl!! Bwisit!" bulong nito.

"Kung hindi lang ako na seryoso sayo! Dalawang araw pa lang natin break na tayo!" sabi pa nya ng biglang magring ang phone nya, agad naman nyang sinagot.

"Hi babe.. Ah oo.. Malapit na kami sa place namin. Kayo??" nakangiting tanong nya na parang kanina lang inis na inis. At hindi totoong malapit na kami. Malayo pa kami dahil sa traffic. "Ah ganon ba. Okay.. Ingat kayo ah.. Ikaw naman.. Binobola mo na naman ako.." kinikilig pa sya. "Okay I love you too.." sabi pa nya at pinatay na nya ang tawag. "Bwisit ka!! Malamang sa malamang! Makakita ka lang ng mas sexy sakin. Ipagpapalit muna ako." inis nyang sabi habang hawak ang cellphone.

"Alam mo teh! Para kang may sayad! Kanina mo pa kausap yang sarili mo." inis kong sabi sa kanya.

"Eh nababanas ako eh!! I prepared this summer day for him. Dahil sabi nya sasama sya for summer outing natin in Zambales." paliwanag pa nya dahilan para ikainis pa nya.

"Eh hindi sumama. Ano pa bang magagawa mo?" inis kong tanong.

"Yun nga eh. Kaya ako naiinis. Eh ikaw! Hindi nga nakasama si Adonis hindi ka ba naiinis?"

"Naiinis ng konti. Pero naintindihan ko naman. Hindi naman ako katulad mong parang baliw na kinakausap ang sarili." sabi ko at nagtawanan sila.

Napasulyap ako kay Zora na tumatawa din. Well. Okay naman kami ni Zora. Wala namang nagbago sa frienship namin. Kung ano kami bilang mag bestfriend. Ay ganon pa rin kami.

"Anjan naman si Kuya Moises, ang alam ko type ka nyan Ate Christa." natatawa na sabi ni Jovert. Si kuya Moises ang Kapitbahay namin, kinuha syang Driver ni mama.

"Aba! Kung totoong type ako yan at kapag nahati nya ang dagat wala ng ligaw-ligaw kami na." pabirong sabi pa nya.

"Umayos ka nga teh. Masyado kang easy to get." sita ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba mahahati talaga nya ang dagat. Hay naku Clara.. Funny-walain ka talaga."

"Hoy hindi no.. Iniiwas lang kita sa pagiging marupok mo."

"Hay naku.. Nakakainggit itong couple na ito." baling nya kina Jovert at Hazel na nasa likuran lang namin. Mukhang sila naman ang pagtitripan nito. Nasa dulo naman ay sina Faith at Zora.

"Teh.. Mas nakakinggit ka." sabi ni Hazel.

"Bakit naman?"

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ