Chapter 29

189 5 2
                                    

Clarabelle POV

HINDI talaga ako makapaniwala na naghiwalay na sina Hazel at Jovert. Yung dating masaya at perfect na couple bigla na lang naglaho ng dahil lang sa isang salita. Yung matagal na relasyon ay nagkakahiwalay pa rin talaga. Yung taong laging masayahin at palabiro, kaya ring magseryoso pero, ang hiwalayan na yata ang pinakamasakit na salita at hindi biro.

GABI na, nagluluto na si mama ng pagkain, at si Zora ay nakauwi na galing sa trabaho. Si Ate naman hinatid ng boyfriend nya dito sa bahay. Nandito na rin si papa.

Habang nandito ako sa sala at kaharap ang laptop ko. Saka naman ang pasok ni Timothy, kasabay si Panget.

"Bakit nakasimangot ka jan?" tanong ni Ate. Nandito kami sa sala. Umupo si Panget sa tabi ko.

"Si Jovert at Hazel, nag break na." malungkot kong sabi.

"Oh talaga?? Nagbreak na sila??"

"Oo kanina lang. Alam mo teh, yung pabirong sinabi nya na nagsasawa na si Hazel, totoo pala."

"Sinong may kasalanan sa tingin mo?"

"Hindi ko alam eh. Kasi, sabi ni Jovert hindi pa raw sya handa."

"Hindi pa handa saan?"

"Para pakasalan si Hazel. Feeling ni Hazel, naapakan pride nya dahil mahigit sampong taon na sila pero hindi pa ito handa."

"Ikaw ba babe, handa ka ba pakasalan ako?" biglang tanong ni Ate sa boyfriend nya.

"Of course." agad naman nitong sagot.

"Eh ikaw Adonis, handa ka ba talagang pakasalan si Clara?"

"Oo naman." agad nitong sagot.

"Hindi ko talaga maisip na sa haba ng taon nilang magkarelasyon ay hindi pa rin handa si Jovert." sabi ko pa. Nanghihinayang talaga ako sa sampong taon nila.

"Dahil may mga lalaking takot matali. Takot sa responsibilidad." biglang sagot ni papa. "Ang mga lalaking ganon, nakikipagrelasyon pero takot sa commitment."

"Bakit pa sila makikipagrelasyon kung takot din naman pala sa commitment?"

"Siguro, may dahilan si Jovert kaya, nasabi nyang hindi sya handa."

"May bigla akong naalala." sabi ni Adonis.

"Ano yun?"

"Napagkwentuhan namin nuon yung tungkol dun kay Prince."

"Prince?"

"Oo, yung dati mong Prince Charming na binasted ka." deretsyong sabi pa nya. Rinig ko ang tawanan nila.

"Grabe ah!! Highschool lang ako nun. Ano yung naalala mo?"

"Nakita nya kasi yung sitwasyon nung Prince na yun nuon, then sabi nya, bigla daw sya natakot mag-asawa, pero may balak naman syang pakasalan si Hazel."

"May balak, pero hindi pa sya handa?"

"Siguro sa ngayon, hindi pa, pinaghahandaan pa lang nya. Ayaw nya kasing matulad sa nangyari dun sa classmate nyo."

"Eh yung Prince na yun, pagtapos namin ng high school eh nag-asawa na kaagad ng maaga. Saka dapat hindi nya hinahambing ang sarili nya duon sa lalaking yun. Magkaiba sila, saka sayang yung sampong taon nila kung itatapon lang nila ng ganon kadali. Nakakalungkot." nakasimangot kong tugon.

"Tara na. Kumain na muna tayo, tama na muna yang usaping hiwalayan na yan. Tama lang naman na magkahiwalay sila."

"Mama. Sang-ayon ka dun?"

"Oo. Kasi sa tagal ng relasyon nila. Kung hindi sila maghihiwalay, hindi nila masusukat yung tunay nilang nararamdaman para sa isa't-isa. Katulad lang yan sa kasabihan na ang pagsisisi ay laging nasa huli, parang love din yan, saka mo na lang malalaman, mararamdaman na mahal mo ang taong yun kapag nawala na." paliwanag nya.

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu