Chapter 2

151 6 0
                                    

Faith POV

HINDI ko alam kung maganda ba ang idea ni Hazel pero sana makatulong sakin yung gusto nilang gawin.

"Sige na mga bakla, bukas na lang tayo mag-usap. Gusto ko muna magpahinga muna."

"Hays! Tigilan mo na yang ka mumokmok mo. Tutal hapon naman na. Bakit hindi na lang tayo mag-inuman." sabi pa ni Hazel basta alak, gusto nya.

"Wala akong gana talaga." malumanay kong sagot.

"King inang Theo kasi yan! Ano bang problem nun at sinasaktan ng ganito ang bestfriend ko! Hazel! Zora! Dalhin nyo yung samurai ni hapon at susugod tayo sa kanila." inis na sabi ni Clara.

Napabangon ako at parang seryoso talaga ang mukha nya.

"Wag!" awat ko sa kanila.

"Anong wag! Wag ka jan! Hindi pwede yung ganyan."

"At kung kinakailangan na susugod kami duon kay Theo, para makuha ang paliwanag nya. Gagawin namin." seryosong sabi ni Zora.

"Oo nga! Kaya sige! Mag mukmok ka lang jan hanggang kaylan mo gusto at kami ng bahala sa lalaking yun." sabi ni Hazel at sabay sabay na lumabas ng kwarto ko.

Napabangon ako at mukhang seryoso ang tatlong bakla kaya lumabas na rin ako ng kwarto.

"Wait lang. Wag kayong su—"

Nahinto ang sasabibin ko ng bigla nila akong hilahin papunta sa sala.

"Sabi na. Susunod ka sa amin kapag nag galit-galitan kami." sabi pa ni Zora.

"Teka. Ibig sabihin hindi totoo yung pagbabanta nyo?"

"Ay sige! Pwede naman naming totohanin eh." sabi pa ni Clara.

"Ang gusto lang namin, lumabas ka ng kwarto mo. Amoy tuyong laway at tuyong luha na ang naroon eh." reklamo ni Hazel at tumawa pa ng malakas.

"Uy! Grabe kayo." sabi ko sa kanila. Nakakahiya at may dalawang lalaki pa naman na nakakarinig ng sinasabi nya.

"Grabe yang pinagpaguran mo Faith." natatawa na sabi ni Jovert at itinuro ang mata kong ramdam ang pamamaga.

"Ganyan pala ma heartbroken ang babae, namamaga na ang mga mata, pati ilong namumula na din." pang-aasar pa ni Adonis sa akin. Nakakainsulto at tinawanan ako.

"Ayos kayo ah! Bakit? Hindi pa ba kayo na broken?" inis kong tanong sa kanila.

Feel ko ako lang ang nakakaramdam ng sobrang first heartbreak na ganito. Kung kaylan nagkaroon na si Clara ng jowa, ako naman ito biglang nawalan.

"Ako, kung tatanungin mo. Na heart broken na ako, pero di naman ako tulad ng ganyan sayo." sagot ni Adonis.

"Bakit? Babae ka ba? Oi panget! Babae lang ang mas higit na nasasaktan kapag ganitong break-up. Babae ang nahihirapan." sita sa kanya ni Clara.

Kaka-celebrate lang nila ng first monthsary nung nakaraang linggo pero, parang ganon pa rin sila, walang pinagbago, at nakakatuwang komportable na sila sa isa't-isa.

"Hindi kaya. Alam mo nget. Nasa pantasya mo lang yang pananaw mo na, babae ang mas nasasaktan, may lalaki rin na nasasaktan, yun nga lang, hindi nila iyon kayang ipakita sa mga kaibigan nila na mahina sila." paliwanag pa ni Adonis.

"Alam ko yun noh! Feeling strong kayo, dahil kapag nakita kayong umiiyak, syempre iisipin na namin na mga bakla kayo." paliwanag pa ni Clara.

"Whooo!! Ang bagong couple mukhang nagdedebatehan." tugon ni Jovert.

"Gusto mo ba tayo din?" pabirong tanong naman ni Hazel kay Jovert.

"Wag naman my loves. Happy naman tayo, kaya hindi naman dapat humantong sa ganyang debate."

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayWhere stories live. Discover now