Chapter 27

72 2 0
                                    

Clarabelle POV

TWO DAYS LATER..

Dalawang araw pa lang ang nakakalipas, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni lolo na tatawag na lang sya kapag gusto nya kaming kausapin, ngunit kinakabahan ako kung kaylan iyon dahil baka masopresa ako.

Maaga pa lang nag bukas ako ng Radio para pakinggan si Hazel, alas otso ng umaga mag uumpisa ang pag ere nya. Pero yung problema ni Hazel, hanggang ngayon ay hindi pa rin nya naikwekwento sa amin. Tila pakiramdam ko iniiwasan nya kami ng mga bella. Pero mas higit si Jovert, ay ramdam kong simula nung umuwi kami ay hindi pa rin nya ito kinakausap kahit na nagkakasalubong sila sa labas.

"Nget.." biglang tawag ni Adonis sa akin at umupo kaharap ko. Nandito ako sa dinning area, nakaupo sa upuan.

"Nagkausap na ba kayo ni Jovert?" tanong ko sa kanya. Gusto ko malaman kung ano bang problema ng dalawa bakit after na lang ng bakasyon ay bigla na lang nanlamig ang maiinit na tag-araw. At mukhang mag-uumpisa ng bumangyo.

"Ang totoo nyan, hindi pa rin, kakasawa magtanong ng hindi naman sigurado ang mga sagot." napasandal sya sa upuan at sabay kaming nagbuntong hininga. Kaya parehas kaming natawa.

"Magandang maganda umaga ako ngayon, oras na para makasama nyo ngayong umaga ang Hazel ng buhay nyo.. At syempre naman, si Dj Hanz ang magpapalimot sa pangalan nyo. Hahaha... Muntik ko na makalimutan pangalan ko.." nag-umpisa na ang pakilala ni Hazel kasama ang bago nyang partner na si Dj Hanz. Boses pa lang parang masasabi mong gwapo na.

"Umaga pa lang pero narito na kami para pasayahin at pakiligin kayo."

"Alam mo Dj Hanz. Makita ka lang ng mga babaeng nandito ngayon eh masaya na sila.. Hahaha.. Sa totoo lang ah. Gwapo talaga itong si Dj Hanz. Ewan ko ba at bakit kung sino pang gwapo eh niloloko at iniiwan."

"Hahaha... Hindi naman Dj Hazel. Nakakahiya naman ang salitang gwapo. Sakto lang... pero hindi naging sapat sa kanya."

"Bakit hindi na lang tayong dalawa.. Tayong dalawa ang magkaintindihan.. Hahaha... Alam nyo guys.. Sadyang may tao talaga na hindi makontento, meron din naman kontento nga sayo pero hanggang dun lang ang pagiging kontento nya. Yung feeling na, akala mo, masaya ang pagiging kontento ng isang tao sa relasyon nyo pero, sa huli, wala palang future, parang walang label. Ganon.. Inugat ka na lahat-lahat pero, sa huli jowa lang tingin sayo.. Hahahaha..."

"Na feel mo na ba ang ganyan?" natatawang tanong pa ni Dj Hanz kay Hazel. Tumawa din ito.

"Hindi lang feel? Feel na feel hanggang sa kaibutiran dito sa aking puso.. Ganon... Hahahaha..."

"Oh magbabasa muna ako ng comment. Sya ang unang nag emote. Ang agang emote ito.. Mula kay Jonna.. Ang sabi nya. Shout out sa ex kong after 12 years naming magkarelasyon, sa huli, hindi pala ako handang panagutan."

"Ang sakit ah! Ganyan yung ibig kong sabihin. Uugatin ka na lang kakahintay kung kaylan kayo magpapakasal. Hahahhaha.... May mga ganyan talaga. Yung tipong sa sobrang tagal nyo ng magkarelasyon, pero mauuna pang panagutan ang nag-uumpisa pa lang sa relasyon." sabi pa ni Hazel.

Tila hinahambing nya ang tagal ng relasyon nila ni Jovert, sa aming dalawa ni Adonis.

"Hindi kaya nag-away ang dalawang ito at ganito na lang sinasabi ng kaibigan mo?" tanong ni Adonis sakin habang umiinom ako ng kape.

"Siguro.. Kasi parang ipinagkukumpara nya ang relasyon nila ni Jovert sa atin na magdadalawang bwan pa lang."

"Pero bakit ba nagtatagal ng ganon katagal ang isang relasyon tapos sa huli, mababalewala din pala? Kasi ako sa totoo lang. Madami na akong nakarelasyon pero, ako yung niloloko." sabi pa ni Dj Hanz.

"Ganon yung mga walang choice. Walang option. Yung sa sobrang kapit mo, at ayaw mong bumitaw sa huli maiisipan mo na lang bumitaw. Alam mo ba yun Hon.. Este Dj Hanz. Yung halos aasa ka na lang, aasa ng aasa sa huli, wala rin pala." nagpaparinig na naman sya.

"Ang aga natin manakit. Imbes na maaga pa lang ay may mapapasaya na tayo."

"Eto yung sinasabing, magigising ka na sa katotohanan. Yung pagmulat na lang ng mga mata mo, maitatanong mo na lang sa sarili mo na. Bakit kaylangan ko pang tumagal sa isang relasyon, gayong alam ko naman na walang kasiguraduhan, kung pwede naman akong bumitaw na lang. Ganon... Hindi ba Jonna? Malamang sumasang-ayon sya sakin. Hahahha..."

"Paano ka bibitaw kung mahal ka pa rin nya, mahal mo pa rin sya?"

"Eh paano kung sukong suko ka na dahil, ipinaparamdam nya na, hanggang dun lang ang level nyo? Sa level 100 na meron dapat kayo eh. Nasa kalahati pa lang kayo? Bibitaw ka ba o, kakapit pa? Hahahahha kasi kung ako yun. Bibitaw na ako noh.. Kahit na masakit, kahit na mahirap."

"Para sa mga gustong bumitaw. Bibitaw ka ba o kakapit ka pa?"

"Di na ba kaya kumapit besh?" natatawa na sabi ni Hazel. "Bitaw na.. Pag hindi na natin kaya, kaylangan na talaga nating bumitaw. Kaysa maging tanga tayo sa huli, hahhaha."

"Eh ikaw, bibitaw ka na ba?"

"Hahahah.... Feel ko nga binitawan na ako sa salitang, hindi pa ako handa." natatawang sabi nya.

"Hindi pa sya handa? Ibig sabihin, may naging usapan ang dalawa bago tayo umuwi kaya ganon na lang makapag emote itong si Hazel." sabi ko sa sarili ko at pinatugtog na nila ang request song.

🎶 'Di ako manhid ramdam ko ang 'yong panlalamig 'di umiimik
Ngunit ako'y hangal kung di ko batid na 'pag

Kahit ang simpleng bagay pagmumulan ng away
'Di mo kailangang itago na nagsasawa ka na malaya ka na (kaya ngayon)

Kahit na ikaw ang laman ng puso handa 'kong bumitaw at ika'y isuko
Hindi ko na 'to pahahabain pa bakit kakapit pa kung gusto mo nama'y iba

Ako'y bibitaw ako'y bibitaw (sige na sige sige sige sige na sige sige sige)
Ako'y bibitaw ako'y bibitaw (sige na sige sige sige)

Kung maririnig ikaw pa rin ang sigaw ng dib-dib
Nand'on pa rin ang sakit nadarama t'wing puso'y pipintig kasi

Hindi to simpleng bagay dapat na 'kong masanay
Sa bagong buhay 'di tulad nung dating hawak kita malaya ka na ('pagkat ngayon) 🎶

Sa kanta pa lang masasabi ko ng may pinaparinggan talaga ito, at kung sakali mang nakikinig si Jovert, siguradong masasaktan sya sa mga sinasabi ni Hazel on-air.

🎶 Dapat masanay nang wala ka sa pagtulog ko sa gabi
At pag-gising sa umaga tanging unan na lang ang katabi at 'di na magbabalik

Kahit na ikaw ang laman ng puso handa 'kong bumitaw at ika'y isuko
Hindi ko na 'to pahahabain pa bakit kakapit pa kung gusto mo nama'y iba

Ngayo'y naliligaw kung saan tutungo ang puso kong ikaw pa rin ang tinuturo
Hindi ko na 'to pahahabain pa palalayain ka kakayanin kong mag-isa 🎶

TBC (。•́︿•̀。)

Sweet, Sweet Summer #magaawayperodimaghihiwalayWhere stories live. Discover now