CHAPTER 4

20 2 3
                                    

CARRIE'S POV

HINDI natuloy ang plano ko na dalhin si Lolo sa park dahil sinumpong siya ng hika. Kaya no choice ako kundi tawagan yung doctor niya at papuntahin sa bahay, hindi na din naman nagawang umuwi ni Ate Daisy sa kanila dahil mas kailangan daw siya ni Lolo.

Nandito ako ngayon sa supermarket para maggrocery dahil naubusan na kami ng stock sa bahay. Pati na din balak ko bumili ng dagdag na gamot ni Lolo, gatas at mga gusto niyang kainin.

Kukuha na sana ako ng yogurt milk sa rack ng may biglang humawak sa kamay ko sa gulat ko nabitawan ko yung yogurt milk buti nakasild ito kaya hindi tumapon.

"Shocks!" Kukunin ko sana yung nalaglag pero may nakakuha na non pagtingin ko walang iba kundi si Hero Cervantes. Nakacap at shades siya tapos nakahoodie jacket at cargo shorts. Ngumiti siya sakin kaya lumabas ang mapuputi niyang ngipin.

"Sorry kukuha din sana ako eh" Sabi niya habang nakangisi. Walang salitang inabutan ko pa siya ng isang yogurt tsaka ko tinulak yung push cart ko palayo sa kanya.

"Carrie!" Pagtawag niya sa pangalan ko pero diko siya pinansin sa halip kinuha ko na yung mga kailangan ko bilhin.

Ramdam ko na sinusundan niya pa din ako.

"Carrie wait!" Tapos hinawakan niya ako sa siko kaagad ko binawi yung siko ko at tumingin sa kanya.

"Ano ba? Bakit ba ginugulo mo na naman ako ano bang problema mo?" Punong puno na ako sa lalakeng to.

"I just want to get to know you more" Sabi niya. Bumuntong hininga ako nakita ko napatigil siya at napatingin sakin kahit nakashades siya ramdam ko na nakatingin siya sa mukha ko dahil nakangisi siya.

"What do you want then?" I said full of sarcasm.

"Date me, just one date please!" Pinagdikit pa niya yung dalawang palad niya. Napatirik ang mata ko tapos tumingin sa kanya.

"Mr. Hero Cervantes---" Napatigil ako ng bigla siyang nagsalita.

"Yes Ms. Caridad Lacson?" Nakangisi niyang pagbanggit sa buong pangalan ko.

"How did you know my real name?" Gulat kong tanong.

"Well I have my ways! Sabi ko sayo diba di ako titigil" He said while grinning.

"I don't do dates! Iba na lang yayain mo" Sabi ko. Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinila palapit sa kanya at hinawakan sa bewang. Tinulak ko siya pero mas malakas siya sakin nagawa niya ulit ako ilapit sa kanya.

"Ayoko sa iba! Ikaw ang gusto ko" Bulong niya sakin. Yung boses niya na parang nang aakit, para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Nilapit niya yung mukha niya sakin pero nilayo ko ang mukha ko.

"Alam mo bang hindi ako natigil hangga't diko nakukuha ang isang bagay. Ikaw pa kaya Carrie Lacson..." Bulong niya sakin tapos lumapit siya sa mukha ko isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

Pagkatapos niyang sabihin yon iniwan niya ako dong tulala at sumisikip ang dibdib para na akong malalagutan ng hininga. Napahawak ako sa push cart ko pati na din sa dibdib ko.

"Ano ba tong puso ko! Jusko" Bulong ko sa sarili ko.





HINDI ko na alam kung anong mararamdaman ko kaya diko napigilan tawagan si Nancy at ikwento sa kanya ang lahat simula nung sa agency tapos sa supermarket kanina.

"Daaaay kaloka ka! Sinearch ko agad yung sinasabi mo jusko pagkakagwapo ey!" Napatirik ang mata ko sa sinabi ni Nancy.

"Ano ngang gagawin ko? Diko alam yung mararamdaman ko matutuwa ba or matatakot I don't know him literally pero siya parang kilalang kilala niya ako it's sounds creepy right?" Sabi ko naman. Nandito ako ngayon sa kwarto ko.

Line to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon