CHAPTER 2

28 4 25
                                    

HERO'S POV

SUMISIPOL SIPOL akong pumasok ng mansion ng tatay ko habang pinapaikot ikot ko sa daliri ko ang car key ko. Sumalubong sakin ang dalawang katulong pati na din si Yaya Marlene ang mayordoma ng mansion ng tatay ko.

"Señorito bakit ngayon lang po kayo! Kanina pa po kayo hinahanap ng Papá niyo" Salubong ni Yaya Marlene. Ngumiti lang ako kay Yaya.

"Ganon ba Yaya? Sabihin mo na lang po buhay naman ako nakauwi ng mansion niya" Ngumiti ako sa dalawang katulong na nasa likod ni Yaya Marlene nanlaki pa ang mata nila pero diko na pinansin nilagpasan ko na silang tatlo.

Nasa pangalawang baitang pa lang ako ng hagdan may narinig akong boses.

"Hero Lucas Cervantes! Alam mo ba kung anong oras na?" Anang makapangyarihang boses sa likod ko. Bumuntong hininga muna ako bago tumingin sa kanya nakita ko pa si Mom na nakapangtulog na sa dulo ng hagdan napatigil din siya sa pagbaba ng makita niya si Papá.

"Mayor bakit gising pa kayo?" Sabi ko. Sumingkit ang mata ng tatay ko sakin halatang pinipigilan niya lang ang sarili niya dahil nandito pa ang mga katulong sa bahay.

"Sinabihan na kita na wag ka magtatagal sa labas pero ang tigas ng ulo mo!" Sabi ni Mayor Hilario Gamboa Cervantes. Tatay ko nga pala.

"I just fixed my flight for my vacation. Kayo din nagsabi na magbakasyon ako diba?" Bored kong pagsasalita.

"Fixed your flight? Alas tres na ng umaga" He said. Ngumiti ako.

"Kung wala na po kayo sasabihin aakyat na po ako matulog na din po kayo ang mahalaga buhay po ako nakauwi" Cool kong sabi bago ako umakyat sa taas diko na pinansin ang matigas na pagtawag ng tatay ko sa akin.

Naabutan ko si Mom sa dulo ng hagdan na alalang nakatingin sakin. She smiled at me!

"Hi mom!" And then I kissed her forehead tapos nilagpasan ko na siya para pumunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko binato ko yung susi ng kotse ko sa kama at sunod ko naman hinubad ang tshirt na suot ko tapos ang pantalon ko. Pumunta ako sa cabinet ko at kumuha ng sando tapos sinuot yon.

Tanging sando at boxer na lang ang suot ko. Kinuha ko yung cellphone ko na nasa pantalon ko.

From: Ford

I got her address bro. I send it to your gmail

Napangiti ako habang naglalakad papunta sa kama ko.

To: Ford

Got it bro! Thanks.

From: Ford

Hahahaha lol. Another victim?

Natawa ako sa text ni Ford at napailing iling pa. Victim? Masyado siyang maganda para maging biktima ko sabihin na natin na siya ang target ko ngayon. Once I see a target I will get that target by hook or by crook.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako malaya baka bukas makalawa nakatali na ako. Naitali na ako ng tatay ko.

To: Ford

I will get her once I go back here!

Last text ko bago ko nilagay sa lamp table ko ang cellphone ko. Humiga ako sa kama ko habang nakaulo ako sa mga braso ko.

Napangiti ako ng magflashback sa utak ko ang maamong mukha ni Carrie. She is really something! Sa totoo lang badtrip na badtrip talaga ako nung nalaman ko na nacancel ang flight ko pero nung nakita ko siya para lahat ng inis ko at sama ng loob ko nawala.

Ang dami kong nakikita na magandang babae, madami na akong naging babae pero si Carrie kakaiba siya. She is fierce and beautiful.

"Carrie! Carrie! Will see you again soon" Bulong ko sa sarili ko. Pumikit ako ng may mga ngiti sa labi ko.

Line to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon