CHAPTER 5

17 2 8
                                    

CARRIE'S POV

NAKAHAWAK ako sa braso ni Lolo habang naglalakad kami dito sa Plaza. Kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Lolo, kung titignan niyo si Lolo ngayon para pa din siya yung normal na Lolo na matikas at kaya ka protektahan.

Ang gwapo gwapo kaya ng Lolo ko.

"Lolo masaya ba kayo naalala niyo po ba na dito tayo nagpupunta noon nila Lola?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot nakatingin lang siya sa paligid.

Napangiti na lang ako at inakay si Lolo sa may swing. Pinaupo ko siya don nung una ayaw niya pa pero umupo din siya tapos pumwesto ako sa likod niya.

"Tulak moko" Napangiti ako tapos tinulak ko siya ng mahina lang. Pagkatapos ko siya itulak tumayo siya tapos pumunta siya sa likod ng swing pinaupo niya ako sa swing tapos siya naman ang tumulak sakin.

Nakangiti lang ako habang tinutulak ako ni Lolo parang sa isang saglit bumalik ako sa pagkabata.

Flashback....

"Yeeey Lolo itulak mo pa ako ang saya para akong nagpafly" Tuwang tuwa kong pagsasalita. Nakaheadband pa ako non ng bunny.

"Teka apo awat muna masakit na ang likod ni Lolo" Natawa kami parehas. Mula sa pwesto namin nakita ko si Lola na kumakaway samin, nakaupo siya don sa isang bench sa di kalayuan.

"Lolo babalik po ulit tayo dito ha?" Nakangiting sabi ko.

"Oo naman apo kahit uugod ugod na si Lolo sasamahan pa din kita dito" Sabi ni Lolo ng may mga ngiti sa labi.

End of flashback...

Napakasarap sa pakiramdam balikan ang mga memories na yon. Yung kumpleto pa ang saya sa puso ko.

Bumalik ako sa realidad ng kalabitin ako ni Lolo. Tumingin ako sa kanya. Tinuro niya yung cotton candy pero di pa ako nakakatayo ng tumakbo siya palapit don sa bilihan ng cotton candy.

"Lolo! Saglit!" Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa swing tapos sinundan ko si Lolo.

May isang bike na papunta sa pwesto ni Lolo hindi agad siya nakapreno dahil mabilis din ang pangyayari bigla na lang kasi sumulpot si Lolo kaya nabundol niya si Lolo.

"Ano ba! Matandang to bakit di ka tumitingin sa dinadaanan mo" Sigaw nung nakabike. Nakabawi siya sa pagkakaupo sa lupa pero hindi niya man lang tinulungan si Lolo.

Mabilis akong lumapit at inalalayan patayo si Lolo na ngayon ay umiiyak na.

"Sorry po! May sakit po kasi ang Lolo ko bigla siyang tumakbo kaya diko nahabol agad pasensya na po" Paghingi ko ng paumanhin don sa nakabike.

"Ang mga ganyang matanda na ulyanin hindi na pinapalabas ng bahay! Pag nasaktan sila kahit sila naman may kasalanan kami pa ang lalabas na may kasalanan" Sigaw niya. Napakuyom ko ang kamao ko dahil sa galit at inis.

"Mawalang galang na po unang una sa lahat park to madaming bata dito kaya hindi ka pwedeng magmabilis ng takbo dito..." Napatigil siya sa sinabi ko. "Pangalawa humingi na po ako ng dispensa kahit kayo naman po ang nakabangga sa Lolo ko dahil alam ko din na may kasalanan siya dahil di siya natingin sa dinadaanan..Pangatlo kung ikaw ang nasa posisyon ko at may Lolo kang ganto maiintindihan mo kung bakit kinakailangan ko siya ilabas paminsan minsan. Kung gusto mo igalang ka ng mga tao igalang mo din sila" Mahaba kong pagsasalita habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Lolo na umiiyak pa din.

"Kung ako may ganyang Lolo ikukulong ko siya sa bahay para di makapwerwisyo ng iba" Magsasalita na sana ako ng biglang may lalakeng sumingit sa usapan.

Line to LoveWhere stories live. Discover now