CHAPTER 10

21 1 8
                                    

CARRIE'S POV

HE is my first crush, first bestfriend, first boyfriend and first heartbreak. Minahal ko siya ng buong buo dahil akala ko siya talaga yung lalakeng mamamahalin ko in the end.

We are on the 3rd year Highschool ng malaman ko na parehas pala kami ng nararamdaman para sa isa't isa at first I was shocked. Si Sixto yon eh, gwapo, mabait, sobrang gentleman kumbaga siya ang campus hearthrob noon sa school namin at bestfriend ko pa, I thought ang tingin niya lang sakin noon ay isang kaibigan at kapatid while me I'm secretly in love with him. Sino ba naman di mahuhulog sa kanya?

Nung 4th year Highschool niligawan niya ako then sinagot ko siya. JS Prom namin non. Gabi syempre! That time si Nancy madami kasayaw while me is seating while waiting for him. Siya lang kasi gusto ko makasayaw that time, wala din naman lumapit sakin non dahil takot sila kay Sixto kahit madami nagtangka.

Hinintay ko siya pero di siya dumating, hindi ko man lang siya nakita noon pero sabi niya pupunta siya hanggang sa natapos na yung program walang Sixto ang dumating. I was so hurt that time! Kasi umasa ako. Inaakala ko pa nga na may pakulo siya at surpresa but I was wrong.

Yung bahay namin ay malapit lang sa school noon walking distance lang ,sabay sabay kami umuuwi non magkakaklase dahil halos magkakapit bahay lang kami. May madadaanan kami na isang park. I was so shocked ng makita ko si Sixto sa dilim kasama yung kabatch namin naglalampungan sila don kulang na lang hubaran nila ang isa't isa.

Tapos umalis siya ng bansa noon walang closure wala man lang siyang sinabi hindi man lang siya humingi ng patawad.

NANLAKI ang mata ko habang nakayakap sakin si Sixto. Marahan niya akong tinulak tapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

Nakangiti siya while me? Is very confused! Hindi ko alam kung bakit ganon ang naging reaction niya sa sinabi ko na pwede naman kami bumalik sa dati. I'm referring to our friendship not in our past relationship.

"Thank you for giving me another chance babu" Nagtaka ako kasi tinawag niya ako sa tawagan namin noon.

"Sixto I'm sorry I think you misunderstood" Nawala yung ngiti niya napalitan ng takang mukha.

"What do you mean? Sabi mo pwede tayo bumalik sa dati---" Napabuntong hininga ako at bahagyang natawa.

"Yes as friends! That's what I meant. I'm sorry kung ano man yung naging relasyon natin noon tapos na yon Sixto that's is more than 10 year ago" Napatango tango siya at bahagya ngumiti.

"I see! Maybe you found someone else well ako hanggang ngayon ikaw pa din ang mahal ko Carrie walang araw, walang buwan, walang taon na palagi kang laman ng isip at puso ko! Nagsisisi ako kung noon pa man sana pinahalagahan na kita hindi kana sana nawala pa sakin" He said. Nasaktan ako sa sinabi niya, hindi dahil mahal ko pa siya or may nararamdaman pa ako sa kanya kundi dahil kaibigan ko siya noon at ganon pa din ang turing ko sa kanya ngayon.

"Sixto---" Tumingin siya sakin diko mabasa kung ano nasa isip niya.

"Siya ba? Yung lalake ba kagabi yung pinagpalit mo sakin?" Medyo mataas na boses na tanong niya. Napabuntong hininga ako.

"No! Labas sa usapan na to si Hero" Automatic kong nasabi ang pangalan niya na sana ay pinigilan ko. Napangisi si Sixto.

"Hero huh? Siya yung anak ni Mayor Cervantes?" Hindi ako nakasagot umiwas ako ng tingin sa kanya.

"...alam mo Carrie wala ka mapapala sa lalakeng yon hindi ko to sinasabi dahil karibal ko siya sayo wala ako pakealam kung mas mayaman siya sakin at mas makapangyarihan! I don't hell care. Sinasabi ko to dahil concern ako sayo. Yang mga Cervantes na yan masasama ang mga yan gagamitin ka lang nyan" Napatingin ako sa kanya kaya napatigil siya sa pagsasalita.

Line to LoveWhere stories live. Discover now