CHAPTER 13

13 0 0
                                    

CARRIE'S POV

"ANO ba kailangan suot formal or semi lang?" Tanong ko kay Marian.

"Ako pants lang at polo shirt okay na siguro yon tsaka wala akong dalang formal" Sabi ni Marian. Tumango ako at kinuha ko yung fitted polo shirt dress ko na lagpas tuhod ang haba, paparesan ko na lang ng rubber shoes dahil no choice ako dahil ito lang naman ang dala ko na babagay sa suot ko.

"Mga vaklaaaa ito na ang ID natin isuot niyo daw yan para papasukin kayo sa conference hall" Pumasok si Sir Jeff na dala dala yung malalaking ID na may pangalan namin.

"Taray naman ng suot ni Madam may Christmas party teh?" Singit ni Mam Leejay na kalalabas lang ng cr. Bumulaslas ng tawa mga kasama ko samantalang ako ay mahina lang na natawa.

"Grabe kayo sakin that is fashionalism! Wala ka kasi non eksaherada ka" Inabot niya samin ang mga IDs namin for the Seminar.

Nagkwentuhan sila tumambay muna sa room namin si Sir Jeff. Kaya ako naman ay nagpaalam na magccr na muna since tapos na naman silang lahat magbihis.

6pm na ngayon in the evening wala kami ginawa kanina kundi matulog dahil napagod sa biyahe kaya napagusapan namin na bukas kami mag gagala ng umaga.

7pm ang start ng seminar namin dito.

"MAM Carrie tapos kana ba?" Katok ni Marian sakto naman na tapos na ako magbihis at mag ayos hindi ko na inabala sarili ko magmake up pressed powder and lip tint lang tapos inipitan ko lang ng buo ang mahaba kong buhok na kulot tinignan ko pa ng isang beses ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng cr.

Si Mam Marian na lang ang nandito sa kwarto.

"Nauna na sila Mam Leejay para daw makakuha na tayo ng pwesto don tara? Sabay na tayo" Yaya niya sakin tumango at sinuot ko yung ID namin for the seminar.

Kinuha ko na yung maliit kong body bag na nasa kama namin.

"Tara na mam" Sabay kami lumabas ng kwarto nilock namin ang kwarto tapos sabay kami naglakad papunta sa elevator.

Nung sasakay na kami ng elevator kukunin ko sana ang cellphone ko pero wala sa bag na dala ko naiwan ko sa kwarto.

"Mam Marian mauna kana naiwan ko cellphone ko mabilis lang ako sunod na ako" Sabi ko.

"Sure ka mam? O ito susi natin" Inabot niya susi sakin tumango ako.

"Oo mam sige na mauna kana" Diko na siya hinintay sumagot tumakbo na ako pabalik ng room.

Mabilis ko nabuksan ang pinto ng room at saglit na hinanap ang cellphone ko tsaka ko naalala ma dala ko pala yon sa cr kaya pumasok ako at kinuha yon nasa may gilid ng lababo.

Mabilis ako lumabas ng kwarto at nilock yon. Naglakad ako papunta sa elevator napatigil ako sa paglalakad ng makita ko kung sino yung lalakeng nasa dulo ng hallway, nakapants siya na black tapos shirt na puti tapos nakasuit siya na color black din. May kausap siya kaya di niya ako napansin.

Mukhang sasakay siya sa elevator kaya mabilis akong pumunta sa kabilang hallway para magtago.

Napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko bakit ganto ang bilis ng tibok ng puso ko. Napapikit pa ako.

"Jusko wag naman sana tama ang hinala ko na kasama siya sa seminar" Bulong ko sa sarili ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago sumilip sa hallway kung saan siya naroon salamat naman at wala ng tao nakahinga ako ng maluwag.

Dali dali ako pumunta sa elevator at sumakay.

"MAM Carrie bakit ang tagal mo? Kanina pa nagistart" Bulong kasi ni Mam Gwen. Umupo ako sa tabi niya.

Line to LoveWhere stories live. Discover now