CHAPTER 16

13 0 0
                                    

3RD PERSON POV

Sa isang bundok....

"Mahal" Sigaw ng isang magandang babae na tumatakbo palapit sa isang matikas at maginoong lalake. Kaagad lumingon ang lalake ng marinig niya ang boses ng babae na tila isang maganda musika para sa kanya.

Isang malaking ngiti ang ibinigay niya sa babae ng makalapit ito sa kanya kaagad niya itong niyakap ng napakahigpit. Ilang segundo nilang dinama ang yakap ng isa't isa hanggang sa kumalas sila sa pagkakayakap ngunit di pa din sila mapaghiwalay.

"Namiss kita mahal ko! Matagal din tayo di nagkita" Sabi ng lalake tapos sabay hawak sa mukha ng babae. Isang matamis na ngiti ang isinukli niya rito.

"Ako din sobra! Kamusta nga pala sa maynila?" Nawala ang ngiti ng lalake at napalitan ito ng lungkot.

"Ayos naman pero malungkot ako kasi wala ka don!" Isang tipid na ngiti ang binigay ng babae at siya naman ang humawak sa pisngi ng lalake.

"Kahit wala ako don isipin mo palagi na kasama moko dyan sa puso mo!" Ani ng babae. Hinawakan pa niya ang dibdib ng lalake na kinangiti nito, hinawakan niya naman ang kamay nito na nakahawak sa dibdib niya.

"Palagi mo tatandaan na mahal na mahal kita ikaw lang kahit saan ako magpunta" Puno ng pagmamahal na sambit ng lalake.

"Mahal na mahal din kita mahal ko" Sambit ng babae.

Niyakap muli nila ang isa't isa tanda ng pagmamahal at pagkasabik sa isa't isa.

------

HERO'S POV

NAKAUPO lang ako sa kama ko habang nakasandal ako sa headboard ng kama. Habang nasa mga hita ko ang isang unan at laptop ko. Lahat sila abala sa baba pero ako walang balak bumaba kung kaya nila makipagplastikan ako hindi.

"Kuya?" Katok ni Hilary sabay bukas ng pinto at silip sa kwarto ko.

"Yes?" Tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya ng tipid lang bago tuluyan pumasok ng kwarto ko.

"Aren't you going downstairs? Padating na daw sila Congressman I've heard also na dadating daw sila Tito Harold" Sabi niya habang naglalakad palapit sakin at umupo sa paanan ko. Diko siya tinapunan ng tingin nakatingin lang ako sa laptop ko.

"Kailan pa sila naging in good terms ni Papá? Hindi ba't halos isumpa na nila ang isa't isa?" Tanong ko.

"I don't know maybe they already fixed their issues towards to each other" Hilary explained. I looked at her, bakit ko nga ba sinasabi sa kapatid ko dapat di niya na malaman yon.

"This is maybe because of his candidacy" She just shrugged.

"Maybe! I don't know Kuya if you have problem nandito naman ako pwede moko sabihan ng rants mo sa buhay I'm willing to listen" She smiled at me like she knows everything.

I just smiled at her. Tapos tumingin ulit ako sa laptop ko.

"...anyways kuya baba na muna ako if bababa ka papadala ko na lang kay Yaya Doris yung susuotin mo. Mom is the one who prepared that, she wants you to wear it" Kung tutuusin parang mas matanda magsalita sakin ang kapatid ko dahil matured siya mag isip. Matalino kasi siya at naiintindihan niya ang mga bagay bagay pero bata pa siya para malaman ang lahat.

I just nodded without looking at her. Narinig ko ang pagbukas at sarado ng pintuan tanda na lumabas na siya.

Nagbrowse ako ng social media account ko, while browsing. I saw her post! Automatic ako napahinto at Isa isang tinignan yung picture niya na nakangiti sa camera. She is so beautiful, her face is a living goddess. I saw a lot of women's prettier that her but her face touches my heart and soul. Parang di ako magsasawa titignan yung mukha niya.

Line to LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora