CHAPTER 19

27 1 0
                                    

CARRIE'S POV

NILALAGYAN ko ng pulbo sa likod si Lolo ng mapatingin ako sa nakabukas na TV namin balita ang palabas.

"Mga trabahador sa isang pabrika na pagmamay ari ng Mayor ng San Antonio na si Mayor Hilario Cervantes, nagrally sa bahay ng Mayor. Madami nasugatan dahil sa nangyaring panunugod at Isa na don ang anak na lalake ni Mayor Cervantes..." Sabi ng reporter.

Nabitawan ko ang pulbo na hawak ko at natulala ako sa harapan ng TV. Ang lakas ng tibok ng puso ko parang sasabog na.

"Anak ayos ka lang?" Bumalik ako sa realidad ng magsalita si Mommy sa tabi ko pinulot niya yung pulbo na nabitawan ko.

"Ah eh opo okay lang ako mi" Napatingin sakin si Mommy tapos sa TV tapos sakin ulit.

"Kilala mo ba ang anak ni Mayor Cervantes?" Malumanay na tanong niya. Mabilis akong umiling.

"Sige mommy kailangan ko pa mag ayos daanan ako ni Nancy" Pag iiba ko sa usapan. Bahagyang ngumiti si Mommy tapos tumango siya na yung naglagay ng towel sa likod ni Lolo.

Pumunta ako sa kwarto ko at diko napigilan mag alala sa nangyari kay Hero. Kinuha ko yung cellphone ko na nakalagay sa kama ko, chineck ko yung last text niya sakin pero binura ko na nga pala yung messages niya pati yung number niya at the same time binlock ko siya.

Napailing na lang ako at bumuntong hininga kailangan ko pigilan yung sarili ko.



NAKASUOT ako ngayon ng denim wide legged pants tapos off shoulder longsleeves blouse na color cream tapos pinaresan ko lang siya ng 1 inch stiletto. Nakahalf ban naman yung buhok ko. Bitbit ko yung regalo ko para kay Monica.

Si Nancy sobrang sexy sa suot niyang silver fitted dress jusko kabogera. Ngayon lang ulit kami magkaclubbing dahil birthday naman ni Monica kaya okay lang.

"Nasaan na ba si Sixto? Pa-VIP yon ha" Sabi ni Nancy habang naglalakad kami papasok ng club.

"Wala naman text or tawag sakin baka padating na din yon" Sabi ko.

Hindi na namin nabuksan ang usapan about sa nangyari kanina sa mall with Hero. Hindi na din naman nagtanong si Sixto he acted like nothing happened, sobrang bigat ng bawat hakbang ko non pero Isa lang ang nasa isip ko non ayon ang tama hindi na namin kailangan pilitin ang sarili namin para sa isa't isa.

Pagpasok namin sa loob halos hindi ko na marinig ang sarili ko dahil sa lakas ng tugtog. Sa 2nd floor ang venue ng birthday ni Monica kaya dumiretso na kami don ni Nancy.

"Ohmygeee Carrie, Nancy!" Sinalubong kami ni Monica na sobrang ganda at sexy sa suot niya na over all na damit na color red.

"Happy Birthday! Still gorgeous as ever" Bati ni Nancy sa kanya at nakipagbeso.

"Ano ka pa...Carrie ang ganda mo pa din kakainis ka" Baling sakin ni Monica, I smiled at her tapos inabot ko sa kanya yung gift ko.

"Happy Birthday Monica! Pinilit lang ako" Natawa siya tapos nakipagbeso sakin.

"Oo nga buti napilit ka nasaan nga pala si Sixto?" Tanong niya.

"Parating na din yon!" Sabi ni Nancy.

Hindi namin kilala yung mga bisita ni Monica mga kaibigan niya daw at kawork nagpaalam muna siya samin kami naman ni Nancy ay kumuha lang ng light drinks. Kita mula dito sa taas ang baba kung saan nandon ang dance floor pati yung DJ sa may mini stage sa gitna. Tanging disco lights lang ang nagpapaliwanag sa buong lugar.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Oct 03, 2022 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Line to LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora