CHAPTER 11

21 1 8
                                    

HERO'S POV

BAKIT imbes na magalit ako sa kanya hindi ko magawa magalit dahil una si Carrie yon eh hindi ko kayang magalit sa kanya hindi ko kayang mag isip ng masama tungkol sa kanya at pangalawa tama naman siya gugulo lang ang sitwasyon pag pinagpatuloy ko pa. Baka dumating pa sa point na magulo ko talaga yung buhay niya.

I was too stunned to speak. Ako yung tipo ng tao na makukuha ko lahat dahil makakaisip ako ng paraan kung paano makuha yon, pero pagdating kay Carrie parang nawala lahat ng lakas ko parang tumigil ang mundo ko.

"Carrie naman hindi pa nga ako nagsisimula pinapatigil mo na ako!" Pagkausap ko sa sarili ko sabay tungga ko sa bote ng alak na hawak ko. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto dahil lang sa isang babae. Hindi ako to eh!

"Señorito! Tumayo na po kayo dyan nandyan na po ang Papá niyo" Biglang sulpot ni Yaya Marlene sa kung saan nandito kasi ako sa pool area ng mansion ng tatay ko nakakalat ang basyo ng bote sa gilid ko habang ako nakaupo sa gilid ng pool at nakadawdaw ang paa ko.

Hindi ko siya pinansin tinungga ko lang yung alak na hawak ko habang nakatingin ako sa malayo. Pati pag inom ko kailangan kontrolado sa bahay nato nakakasawa.

"Don't mind me Ya! Just leave me alone here" I said without looking at her.

"Señorito mapapagalitan ka na naman po ng Papá niyo pag naabutan kayo dito" Alam ko na nagaalala llang sakin si Yaya Marlene at Isa siya sa mga taong ginagalang ko pero hindi ko napigilan sumigaw dahil na din sa sama ng loob ko sa Tatay ko at sa sama ng loob ko sa sarili ko.

"I SAID LEAVE ME ALONE!" Sigaw ko sabay bato ng bote na hawak ko sa malayo. Napalayo ng bahagya si Yaya Marlene sakin.

"Kailan ka pa naging bastos ha?" Biglang may nagsalita sa likod ko. Napangisi ako dahil nandito na siya, lumingon ako at nakita ko ang Tatay ko na nakabarong tagalog kagalang galang karesperespeto.

"Masama at bastos naman talaga ako Papá sa paningin mo wala ng bago" Sabi ko naman tapos tumayo ako at humarap sa kanya hindi pa ako lasing sakto lang. Kaya ko pa!

"Alam ko kung ano ginagawa mo sa buhay mo! Bawat galaw mo alam ko at alam ko din na may kinalolokohan kang babae" Matigas niyang pagsasalita napangisi ako dahil sa narinig ko.

"Kanino niyo naman nalaman ang chismis na yan? Kay Amanda ba? Tss" Sabi ko. Napabuntong hininga si Papá tapos matatalim ang tingin ang pinukol niya sakin pero hindi ako nasindak nakipaglaban ako ng tinginan sa kanya.

"You don't deserve her kung sino man siya! Tigilan mo na to Hero habang hindi pa ako napupuno sayo!" Malumanay pero may diin na pagkakasabi niya.

"At sino ang deserve ko Papá si Amanda na sunud sunuran na ama niya at sipsip sayo!" Kita ko kung paano gumalaw ang panga ni Papá tanda na galit na siya sakin.

"I said layuan mo siya habang maaga pa. Don't make a mess Hero Lucas hindi mo alam kung ano kaya kong gawin para magtino ka at magising ka sa kahibangan mo na walang ibang babae ang nararapat sayo! You should respect me and the name of this family!" Matitigas ang bawat salita ni Papá parang pinapaintindi niya talaga sakin na isang malaking kasalanan na susuwayin ko siya.

"Yan naman talaga mahalaga sa inyo Papá nakakasawa na paulit ulit na! Sana hindi na lang ako naging Cervantes baka maayos sana ang buhay ko ngayon baka sana malaya ko nagagawa ang mga gusto ko na hindi na kailangan iayon sa mga gusto niyo, sana hindi niyo na lang ako naging anak. Sana hindi na lang ikaw ang naging tatay ko" Sigaw ko.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko dahilan para matumba ako at mapaupo. Kaagad umalalay sakin ang mga katulong pero hindi ko ininda yung sakit ng sampal ng tatay ko. Nahilo ako dahil sa alak na nainom ko.

Line to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon