CHAPTER 14

11 0 0
                                    

CARRIE'S POV

MAAGA kami nagising, naligo at nag ayos dahil di namin palalagpasin ang araw na ito na makapag gala sa magandang lugar na to. Narinig ko din na wala na daw ang mga guest speakers kagabi kaya naging maluwag ang pakiramdam ko.

Nakasuot ako ng jumper na maong na patokong ang haba tapos nagtshirt lang ako ng vneck sa inner na color white then syempre ang aking rubber shoes. My comfy shoes! Hihi.

May dslr na dala sila Sir Ray kaya makakapagpicture picture kami.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant ng hotel kumain kami ng breakfast kasama din namin ang driver ng van sa sinakyan namin, may kamaganak si Kuya Mark dito sa Ilocos kaya don siya nakituloy.

"Taralets na mga madams and sirs! Para marami rami ang lakad natin" Sabi ni Sir Jeff.

Excited kaming nagtayuan para lumabas na at gumala kaya lang si Sir Ray ay may pinuntahan pa kaya kami ay nauna na sa parking area kung saan nandon ang van na sasakyan namin.

Nagkukwentuhan lang kami ng kung ano ano habang kami ay nandito sa labas ng van namin kasi hinihintay pa namin si Sir Ray.

"Guys let's go na nandito na yung kasama natin" Huh? Kasama? Lumingon ako para tignan kung sino yung kasama na sinasabi ni Sir Ray.

Anong ginagawa nito dito? Napanganga ako habang nakatingin ako sa kanya. Nakasuot siya ng polo na color light blue na bukas ang dalawang butones sa taas tapos shorts na color brown, nakashades pa siya at rubber shoes na mamahalin.

"Wow! Sir Ray ang big-time naman ng kasama natin parang nahihiya ata ako dumaldal nyan" Sabi ni Mam Leejay. Umiwas ako ng tingin nung napatingin siya sakin.

"Wala kasi akong kasama so I heard na gagala daw kayo kaya kinausap ko si Sir Ray kung pwede ako sumama sa inyo okay lang ba sumabay sa inyo? Pinagpapahinga ko kasi yung driver ko eh tapos tinatamad ako magdrive diko maeenjoy ang view" Sabi niya. Napairap ako dahil don di ako nagsalita or tumingin sa kanya.

"Oo naman Mr. Cervantes pwedeng pwede" Sabi ni Sir Jeff.

"Hero na lang masyado naman formal ang Mr. Cervantes wala naman tayo sa company" He said. Nagmake face pa ako.

"Ayy sigi Hero ang pogi pati pangalan" Kinikilig na sabi ni Mam Leejay at Sir Jeff.

"Tara na!" bigla kong singit sa usapan nila at nauna na ako sumakay. Sa unahan kasi ako nakaupo kanina at katabi ko si Marian.

Nauna sumakay yung bwisit na nakisama samin kaya dito siya umupo sa tabi ko.

"Patabi ako Ms. Lacson" Bulong niya sakin. Diko siya pinansin kunware diko siya narinig.

"Ayy kay Carrie talaga tumabi akala ko sakin" Sabi ni Leejay na nasa likuran namin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Gusto mo Mam palit tayo?" Alok ko sa kanya. Diko pinansin ang tingin nung lalakeng katabi ko wala naman ako pakealam sa kanya.

"Enebe Mam Carrie kung mapilit ka okay lang naman" Sabi ni Mam Leejay natawa ako at tatayo na sana pero biglang umandar yung van kaya napaupo ulit ako.

"Dyan kana Mam Leejay bawal papalit palit ng upo dadami asawa" Biro ni Sir Eric. Kaya natawa silang lahat.

"Mas okay nga yon kesa walang asawa" Nagkwentuhan sila habang ako ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana.

"Ikaw ba Hero may girlfriend kana? Pwede ba magapply charot" Tanong ni Mam Gwen dito sa katabi ko kaya rinig kong natawa siya pero di ako tumingin sa kanya.

Line to LoveWhere stories live. Discover now