CHAPTER 12

15 0 2
                                    

CARRIE'S POV

HINILA ko na yung maleta kong maliit palabas ng kwarto ko nasa sala naman si Mommy, Lolo at Ate Daisy na hinihintay ako. Ngayon kasi ang alis namin papunta sa Ilocos, mas okay daw bumiyahe ng gabi dahil medyo malayo ang biyahe papunta roon.

Nakasuot ako ng maong fitted jeans at long sleeves blouse na color black na may glitters pinaresan ko lang siya ng white rubber shoes.

"Mag iingat ka anak don ha?" Ngumiti ako kay Mommy tapos hinawakan ko yung kamay niya.

"Of course mi! Tsaka madali lang naman ako doon. It's a very good opportunity for me first time ko magaout of town in my managerial position" Sabi ko naman. Ngumiti si Mommy.

"Sobrang proud pa din ako sayo anak pasensya kana kung di natin na celebrate yung promotion mo nag iipon kasi tayo para sa 70th birthday ng Lolo mo" Ngumiti ako at napatingin kay Lolo na nanunuod ng TV.

"It's okay mi, mas kailangan sa birthday ni Lolo yon pinagluto mo naman ako ng afritada non kaya okay lang" Natawa kami parehas ni Mommy.

Nagkwentuhan muna kami ng kung ano ano habang hinihintay ang sundo ko.

"Malapit na daw sila mi o babye na mag iingat kayo dito ha ilock ang gate palagi" Bilin ko kay Mommy natawa siya pero tumango naman.

"Opo mag iingat ka din anak" Niyakap ako at hinalikan ni Mommy sa gilid ng noo.

Lumapit ako kay Lolo na nanunuod pa din kiniss ko lang siya noo niya tapos hinawakan ko sa kamay si Ate Daisy na kinuha yung maleta ko.

"Mag iingat ka hija" Ngumiti ako at tumango.

"Kayo din ate kayo na bahala kay Lolo" May narinig na kaming busina sa labas nandon na yung company van namin.

Nauna na lumabas si Ate Daisy bago ako makalabas ng bahay may humawak sa kamay ko si Lolo.

"Ingat ka! Ito o baon mo" May kinuha siya sa bulsa napatingin ako kay Mommy na nasa likod lang ni Lolo ngumiti lang siya at tumango sakin tapos tumingin ulit ako kay Lolo.

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay niya ang isang rosary tapos isang libo na buo sa kamay ko.

"Lolo hindi na po kailangan ng pera itago niyo nalang po yan ipon niyo yan eh" Nakangiti pero naiiyak na sabi ko.

"Papabili ako sayo laruan para sa apo ko bili mo siya ha? Yung lutulutuan na palayok" Niyakap ko agad si Lolo ng mahigpit tapos naramdaman ko ang mainit na pumatak mula sa mata ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin pabalik. Hinalikan ko siya sa noo tapos mabilis ko pinahidan ang luha sa mata ko.

"Bye mi, bye Lo!" Sabi ko at mabilis na lumabas ng bahay ayoko na makita nila akong emosyonal.

Iba pa din talaga epekto sakin ni Lolo, he is my strength and inspiration as well. I will love him until the end.




"MAM CARRIE gising na nandito na tayo" May umalog sa balikat ko kaya kaagad akong umayos ng upo. More than 10 hours ang biyahe namin kaya medyo hindi ko din kinaya ang antok luckily meron naman akong dalang neck pillow.

Nakita ko na Isa Isa ng bumababa ang mga kasama namin, yung iba nagpipictureran na sa labas.

"Grabe ang haba ng biyahe" Sabi ulit ni Marian na siyang gumising sakin. Inalis ko yung neck pillow ko para ayusin ang sarili ko.

"Oo nga eh pero worth it naman ang punta ganda ganda kaya dito sa lugar na to" Sabi ko habang naglalagay ng pressed powder. Tumingin sakin si Marian tapos ngumiti.

Line to LoveWhere stories live. Discover now