CHAPTER 7

13 2 0
                                    

CARRIE'S POV

1 week later....

"ANO? Overtime kaba sis?" Tanong sakin ni Nancy na nakasilip sa may glass door ko. Napatingin ako sa wrist watch ko it's quarter to 8 na pala.

Sumandal ako sa swivel chair ko. Akala ko magiging maluwag ang trabaho ko for this week pero ngayon kauumpisa pa lang ng linggo tambak na gawain ko biglaan kasing nagleave ang supervisor ng kabilang branch kaya pinasalo sakin ang gawain, wala naman ako nagawa dahil may extra pay daw ako because of this at naisip ko na pandagdag din to sa ipon ko.

"Konti na lang uuwi na ako. Mauna kana" Sabi ko naman. Napabuntong hininga si Nancy tapos pumasok siya sa office ko.

"Sure ka? I can wait naman! Pwede mo naman kasi ako sabihan para matulungan ka namin nila Archie" Tipid akong ngumiti. Hindi ko talaga ugaling humingi ng tulong lalo na kung alam kong makakaabala lang ako ng kapwa. I learned to do things on my own hangga't kaya ko.

"Kilala moko Nancy! Kaya ko to ako pa" Ngumiti ng tipid si Nancy sakin. She knows me too well.

"I know you are. Itutuloy mo na ba ang pagbili ng kotse? Para di kana nagcocommute gabi gabi delikado na magcommute pag malalim na ang gabi" Sabi niya. Tumango ako.

"Yes naapprove naman ni Daddy at Mommy mas okay nga daw yon para sakin" I simply said. Hindi nagsalita si Nancy dahil biglang tumunog yung cellphone na hawak niya pagkabasa niya non ay tumingin siya sakin.

"Anyways mauuna na ako sis! Sorry kasi may emergency samin umuwi kana din ha?" Tumango ako.

"Oo don't mind me sige na mas kailangan ka sa inyo ingat" Sabi ko.

"You too sis" Nancy said before she left.

PALABAS na ako ng agency ng may makita akong lalakeng nakacross arms tapos nakasandal siya sa unahan ng kotse niya malayo ang tingin niya hindi niya nga napansin na nandito na ako.

"Hero?" Nagulat siya ng marinig ang boses ko. Tumingin siya sakin tapos bigla siyang napangiti.

"Hi!" Nakacap siya na black tapos nakacheckered blue siyang polo na bukas pero may sando siyang puti sa inner tapos pants and rubber shoes. Kahit anong suotin niya bagay sa kanya.

"Hello! Anong ginagawa mo dito gabi na ah?" I asked. Ngumiti lang siya parang may mali sa kanya.

"I just want to see you! It's been a long time since the last day we've met" Jusko pati pagsasalita ng English bagay sa lalakeng to. Ano bang hindi perpekto sa taong to?

"Yeah! I understand naman alam kong busy kang tao actually ako din akala ko nga magaan ang linggo ko pero akala ko lang pala" Natawa ako ng bahagya nakita kong napangiti si Hero nung tumawa ako kasi nakatingin siya sakin.

"You're right! Sobrang dami ko lang dapat asikasuhin but it doesn't mean na di na kita naiisip. Of course you are always in my mind Carrie" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Ito na naman ang epekto sakin ni Hero, hindi ko alam kung tama o hindi basta ang alam ko lang walang mali kung makilala ko siya. Makilala ko kung sino talaga siya.

"Ano nga pa lang nangyari sa mukha mo? Bakit may pasa ka?" Pag iiba ko ng topic. Nagulat siya sa tanong ko napahawak pa siya sa gilid ng labi niya tapos bigla siyang napangisi.

"Why are you concern?" Maloko niyang sabi. Napairap ako ng bahagya.

"I'm just asking here! Curious lang ako bawal ba?" Natawa siya sa sinabi ko at napailing iling pa.

"Hatid na kita?" Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ni Hero. Kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya nung kinuha at tinignan niya ang cellphone niya sa bulsa niya.

Line to LoveWhere stories live. Discover now