Chapter 26

2 1 0
                                    

Third person POV

Sa kabilang panig naman ay nangangalaiti na si Haring Electro dahil sa hindi niya agad nagagawa ang kanyang plano na wasakin ang buong planeta ng Earth.

Pabalik balik siyang naglakad sa harapan ng kanyang anak. "Lapastangan ang prinsesang iyan!"

"Ama, kalma. Alam mo bang sa kapilyahan ng prinsesa ako nabibighani sa kanya? Interesting" nakangiting saad ng kanyang anak.

Nilingon siya ng kanyang ama na may nanlilisik na mata. "Maaari ba?! Wag na wag kang gagamit ng lenggwahe ng mga taga ibang planeta!"

"Bakit ba? Ano ba ang kasalanan ng mga taga planetang iyon at nangangalaiti ka na?"

"Dahil sila ang dahilan kung bakit namatay ang iyong ina!" Di na napigilan ng hari na maibunyag ang katotohanan.

Napatayo naman si Lexus at napatingala sa kanyang ama. "Ngunit ang sabi niyo sa akin dati'y, namatay lamang siya dahil sa nagkarelasyon siya sa isang mangkukulam na mula sa kaharian ng Bayashrii"

"Hindi totoo ang aking mga sinabi"

"Kung ganun, anong totoo?"

"Isang tao ang naging karelasyon ng iyong ina.......at lalo akong nasuklam dahil nagbunga ang kanilang kasalanan"

Biglang hinampas ni Lexus ang mesa at nanlilisik ang mata na tumitig sa kanyang ama. "Bakit di niyo sinabi? Ang paniniwala ko'y wala akong kapatid! Ama, buhay ba ang aking kapatid sa ina?!"

"Oo buhay siya" diretsong saad ng hari.

"Nasan siya ngayon? Papatayin ko siya! Siya ang dahilan kung bakit namatay si Ina!"

"Nasa planetang Earth siya. Dahil taga roon ang kayang ama"

"Pupunta ako roon. Papatayin ko siya"

"Huminahon ka, sabay sabay tayong maghihiganti"

Dina nagsalita si Lexus at patuloy nalang ang paghugot ng malalim na hininga.

Tanya POV

Napapansin na namin ang panghihina ni Zep lalo na at mas pumutla na siya di gaya ng dati. Di man siya magsabi ay alam na namin na nahihirapan lang siya na   iwan kami dahil nag aalala siya. Di ko mapigilang humanga dahil kahit na nanghihina na siya ay kami parin ang iniisip niya.

Nandito kami ngayong lahat sa sala at nagpapahinga dahil katatapos palang kumain. Saming lahat, si Zep ang pinakamaliit kumain. Sabagay di naman niya kailangang kumain dahil dugo namab talaga ng tao o hayop ang kailangan niya. Nakakabilib lang dahil nakakaya niyang di mauhaw sa mga dugo namin kahit na ang tagal na niyang di umiinon ng gamot, di ko rin alam kung ano ang ininom niya para di siya mauhaw sa dugo namin. Nagulat ako nang marinig ko ang mabilis na yabag na nagmumula sa hagdan.

Nakita naming nagmamadali sa paglakad si Zeus buhat si Zep na namumutla na ng sobra. "Buksan niyo ang gate dali!" Bungad niya samin.

Napatayo kaming lahat sa gulat, ngali ngali namang tumakbo si Edward at binuksan ang gate. Ipinaharurot ni Zeus ang kotse niya.

Nang makabalik samin si Edward ay kinuha niya ang susi ng kotse ni Zep. "Tara na. Let's follow them" saad niya.

Habang nasa biyahe kami ay biglang nagsalita si Lily. "Bakit di niyo kinuha yung mga kotse niyo?" Tanong niya sa mga lalaki.

"Wala namang pwesto para sa kotse namin" sagot sa kanya ni Sam, di nalang siya sumagot.

Ilang minuto ang biniyahe namin bago nakarating sa hospital kung saan nakaconfine ang tatay ni Zeus.

My 31 days in planet EarthTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang