Chapter 14

2 1 0
                                    

Zeus POV

Una kong nabasa ang titulo ng lobro. "Teyorya ng mga bampira at mga mangkukulam sa mundo ng mga Jupiterian" basa ko sa librong hawak ko. Luminga linga muna ako at siniguradong walang makakaalam na nangialam ako sa isa sa mga librong pinagbabawal ni Zep.

Unang pahina...

Sa mundong ito ay may dalawang uri ng lahi yun ay ang lahi ng mga bampira at lahi ng mga mangkukulam. At ang mga lahing ito ay binubuo ng tatlong kaharian. Ang kahariang ito ay may kanya kanyang taglay na kapangyarihan at karangyaan.

Kilalanin ang mga kahariang ito at ang mga angkan na patuloy na nabubuhay at dumarami;

Una, ang kaharian ng mga Lavr . Ang kahariang ito ay binubuo ng mga bampira, walang halong mangkukulam ang bawat lahing nakatira sa kahariang ito. Isang kalapastangan ang tumira rito kung ikaw ay may kalahating lahi ng mangkukulam. Ang bawat henerasyon ng mga namumuno rito ay  may nag iisang anak lamang. Kapag nagkaroon pa ng kapatid ang bata ay mamimili ang magulang, kung sino ang mamamaalam at kung sino ang mananatili. Kapag nagkaroon ng isang nilalang na nakapasok na may kalahating lahi ng mangkukulam o walang lahing bampira ay kamatayan ang kaparusahan sapagkat isang kapangahasan ang pagpasok sa kahariang di ka nabibilang. Ang kahariang ito ang nakatalaga na mamahala sa mga pagkaing ibinibenta sa kanilang mga mamamayan at sa dalawa pang mga kaharian.

Nabasa ko ang mga sunod sunod na angkan. Bawat angkan ay may iisang anak lamang at ang napapangasawa ay pinupulot lamang sa kanilang nasasakupan. Ang huling pangalan na nabasa ko ay ang Electro. Walang maraming detalye sa kanya ngunit isa lang ang sigurado siya ang anak ng hari at reyna. Ang asawa niya ay nagngangalang Nelma, nagsimula ng magsitayuan ang nga natutulog kong balahibo. Kahit kapangalan lamang ng aking ina ang reyna ng mga Lavr ay di ko parin maiwasan maalala ang ikwenento sakin ng daddy ko nung bata pa ako, tungkol sa love story nila ng aking ina at kung pano humantong sa hiwalayan. Napakasakit dahil kahit pilit kong kinakalimutan ang aking ina, panahon ang naghahanap ng paraan para maalala ko siya. Ang hari at reyna ng mga Lavr ay may anak na nagngangalang Lexus, hanggang ngayon ay blangko parin ang katabing parte nito dahil wala paring imahe na marahil at ang mapapangasawa nito. Ang bawat imahe ay nakaukit gamit ang tintang kulay pula, paniguradong ipininta lamang ito. Ang mukha ng ina ni Lexus ay pinakatitigan ko, bagaman wala akong ideya sa mukha ng aking ina dahil wala daw silang litato ni daddy ay nararamdaman ko ang kagaan ng loob ko sa imahe ng babaeng ito.

Ibinalik ko muli ang aking atensyon sa binabasa ko. Lumipat pa ako ng ilang pahina dahil mayroon pang mga patakaran para sa mga mamamayan at mga tagapag silbi.

Pangalawang kaharian.

Ang pangalawang kaharian ay nagngangalang Namri. Ang kahariang ito ay puro mangkukulam lang, gaya rin ng kaharian ng mga Lavr ay bawal ang kalahating lahi o ibang lahi sa kaharian. Ang mga napapangasawa rin ng mga nammuno ay nakukuha nila sa kanilang mamamayan.  Halos magkapareho kang ngunit magkaibang lahi. Ang kahariang ito ang nakatalaga sa paggawa ng mga salamangka tulad ng mga kakayahang magbalat kayo, kakayahang taglayin ang mga abilidad ng isang bampira. Sila rin ang nakatalaga sa paggawa ng gamot, gayuma, lason at iba pa. Ibinibinta nila ito sa mamamayan nila at sa labas ng kanilang kaharian.

Isang pahina rin muna ang binasa ko bago ko naabot ang pahina ng mga dugong bughaw, bagaman mas maikli ang diskripsyon ng pangalawang kaharian.

Pangatlong kaharian..

Ang pangatlong kaharian ay nagngangalang Bayashrii. Sa lahat ng kaharian ay ito ang pinaka makapangyarihan, sapagkat lahat ng mamamayan rito ay mga dugong bughaw o kalahating bampira at kalahating mangkukulam. Lahat ng nakakasalang mga bampira at mangkukulam na nagkakaroon ng bunga ay pinapaslang, samantalang ang paslit at ipinapaalaga na lamang sa mga dalagang mamayan rito. Lahat ng lahi ay pwedeng makalabas masok sa kahariang ito pagkat bukas ito sa lahat. Ang namumuno ay di pwedeng pamangasawa ang isang mamamayan lamang, kundi isa ring prinsipe o prinsesa ang maaari nilang mapangasawa. Isang kalapastangan ang umibig ang isang bughaw sa isang simpleng mamamayan lamang. Ang kahariang ito ang nagtataglay ng kapangyarihan at karangyaan, ang bawat namamahala rito ay mayroong mga mabubuting puso, bagaman nahahaluan minsan ng masama ay mabuti parin ang bunga sapagkat nakatakdang magkaroon ng mabuting puso ang sinumang maging bunga ng hari at reyna ng mga bughaw. Ang kahariang ito ang nakatalaga sa pag aayos ng ng mga nasasakupan maging ang nasa kabilang kaharian, sila ang nagpapataw ng parusa, sila din ang nagbibigay ayuda sa kanilang nasasakupan. Di sila nangangalakal sapagkat sa mga namumuno ay ibinibigay lamang ng libre sa mga ito ang lahat ng kanilang pagkain, gamot o kahit anong kasangkapan subalit sa kanila rin ng nanggagaling ang kayamanan dahil sila lamang ang pwedeng mangalaga ng isang dragon. Bawat magiging anak ng hari at reyna ay iisa lamang gaya ng dalawa pang kaharian, ito nag aalaga sa dragon.

My 31 days in planet EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon