Chapter 2

3 1 0
                                    

Zeus POV

Habang nasusulat ako may narinig akong bulung-bulungan sa labas ng office ko. Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa may pinto. Pinakinggan ko ang mga pinagsasabi ng mga estuyanteng nag-uusap.

"Alam mo, kanina grabe yung eksena ni Chloe sa may main date" sabi ng isa.

"Ano?"

"Nangangalaiti na talaga si Chloe kanina habang kaharap yung newbie na mukhang wala lang pakialam sa kanya"

"Pansin mo?"

"Syempre naman ako pa. Eto pa, tinanong ni Chloe yung newbie kung may relasyon daw sila ni Supremo"

"Ano sabi?"

"Oo daw,tumango panga ehh"

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Sana nga.....

"Napaka assumera naman pala nang newbie nayan, akala niya ba magusgustuhan siya ni Supremo. Tsh in her dreams."

"Woi, magdahan dahan ka nga sa mga sinasabi mo!"

"Bakit diba ang gusto ni Supremo ay si Chloe?"

Bigla kong binuksan ang pinto na ikinatigil nilang dalawa. "Hindi ko gusto si Chloe, wag kayong mag uusap tungkol sakin sa harap ng opisina ko" sabi ko.

"Sorry po Supremo"

"You may leave" malamig kong saad.

Naiilang silang naglakad papalayo. "Ikaw kasi ehh" sabi pa ng isa.

Maayos na sana, sinira pa. Napalingon ako sa may bandang huli ng kabilang hallway at naisipang bumalik nalang sa loob. Hinanap ko ang info ni Zephania para naman may malaman ako sa kanya kahit kunti.

Habang binabasa ko ang info niya. "Zephania Zyla Cervantes Montevero. Hmm, bihira ang apilyedo nato ah, di ko akalain na meron pa pala ngayong Cervantes? Akala ko ubos na lahi nila"

Dahan dahan kong binasa ang information niya hanggang sa may nakaagaw ng atensyon ko. "Bakit walang nakalagay kung saang primary school siya nag-aral? Wala ring secondary? Imposible namang dumeretso siya sa pagiging college". Lumalim ang pag-iisip ko hanggang sa mapansin ko ang schedule niya. Naks, break nila.. Kaya napagpasyahan kong dumaan sa cafeteria. Pero mukhang minamalas ako,wala pa siya.... Bumalik nalang ako sa office ko at tinignan ang susunod na schedule ko.

Economics...

Zephania POV

Minuto ang lumipas hanggang sa nagring na ang bell hudyat ng breaktime. Tumayo nalang lahat maliban saming magkakaibigan.

Maya-maya lumingon si Tanya sa gawi ko. "Woi, ang sabi mo dito mo sa room sasabihin samin lahat" sabi niya habang umiirap.

"Mag tanong kayo sasagutin ko" saad ko.

"Bakit nagkasabay kayo ni Supremo?" Tanong ni Lily.

"Kasi niyaya ako ni Edward na sumabay sa kanila" ani ko.

"Anong sabi niya?"

"Na sumabay ako sa kanila" matamlay kong saad. "Aray! Ano ba?!" Sigaw ko dahil binatukan ako ni Tanya.

Napamaang si Tanya sa naging reaction ko. "Punyeta kapala ehh, sumagot ka ng maayos. Wag mo kaming pilosopohin baka ipatapon kita sa ibang bansa,lintik ka" pikong ani niya.

"Ha?"

"Anong ha?"

"Ano yung ibig sabihin ng punyeta?"

My 31 days in planet Earthजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें