Chapter 29

2 1 0
                                    

Tanya POV

Ilang minuto muna akong umupo sa sofa habang pigil pigil ang luha. Lagi akong nagreretouch pero mukhang di na matatago ang pamumugto ng mga mata ko.

Tumayo na ako at lumabas na. Habang nasa biyahe ay naaalala ko yung mga moments namin nina Zep. Kahit bago palang siya samin ay napakarami na naming napagsamahan. Naalala ko yung una naming nakilala si Zep, yung tapang at awtoridad nasa boses niya. Yung tipong parang siya ang may ari ng school. Naalala ko yung muntik na kaming mataponan ng juice ni Chloe, yung naiwan kami sa isla, yung pagrocery namin, yung bonding namin with the boys, yung unang kain namin sa Cheng restau with Zep, at yung mga panahong nasa bahay lang kami at madalas mag usap ng kung ano ano. Hindi siya nagsasawa sa kakasagot sa mga walang kwenta kong tanong. Naalala ko rin nun nung sabay kaming nag aaral. Pati rin yung nasa Shangri-La Boracay kami. Aaminin kong kahit nasa panganib na ang buhay namin nun, kampante ako kasi nandyan si Zep. Saming lahat ako ang mas nagtitiwala sa bruha nayun ehh, kaso nang iwan ang putangina.

Nang makarating ako sa school ay malakas na musika ang bumungad sakin. Ipinark ko na ang kotse at naglakad na ako papuntang gymnasium. Nang makapasok ako ay naluha na naman ako, naalala ko na naman yung moments namin dito last day. Aaminin kong napakaOA kona kasi iniiyakan ko siya kahit na di pa naman siya patay. Pero parang patay narin lang siya ehh, iniwan na niya kami.

Nang makalapit ako sa mga kaibigan ko ay naagaw ko agad ang atensyon nila.

"Where is Zep?" Tanong ni Edward.

Lalo pang nagsunod-sunod ang luha ko. "Wala na siya. Iniwan na tayo ni Zep" saad ko.

Natutop naman ni Lily ang bibig niya. Pati ang iba kong kaibigan ay nagulat din. "Patay na si Zep? Anong ikinamatay niya? Bakit biglaan?" Sunod sunod na tanong ni Lily.

Pinalo ko siya ng hand bag na dala ko. "Gaga, hindi siya patay. Umalis na siya, bumalik na sa Jupiter" lakasan ko man ang boses ay wala namang makakarinig dahil malakas ang tugtog. Nilingon ko si Zeus. "Iniwan na niya tayo Zeus" aniko.

Peke siyang natawa. "Alam ko" sagot niya na ikinagulat ko.

Nilingon naman siya ng mga kaibigan ko pati ako! "What do you mean?" Kinakabahang tanong ko.

Napabuntong hininga siya. "Nag usap na kayo last last night diba? Sorry, narinig ko" saad niya.

Natutop ko ang bibig ko. "Bakit di mo sinabi?! Dapat pinigilan mo!" Bulalas ko.

Napatikhim siya. "Mamamatay siya kapag pinigilan ko siya." Madiing saad niya.

Nagpapadyak ako. "But its still th....."di ko na natuloy ang sasabihin ko nang makarinig kami ng isang salpukan ng mga kotse sa labas.

Lumingon lingon ako pero sadyang malayo ang mga mesa sa mesa namin. Kami lang ata ang nakarinig. Napatayo si Zeus at lakad takbong tinungo ang pinaggalingan ng tunog. Sumunod din kami.

Nang makalabas kami ay nagulat kami sa aming nakita. Nakabaliktad na ang kotse ng tatay ni Zeus! Umuusok narin ito.

Natutop ko naman ang bibig ko at napukol ako sa kinatatayuan ko. "Omygad!" Saad ko.

Sabay sabay na lumapit si Zeus at mga kaibigan niya. "Dad!" Sigaw ni Zeus, bakas sa boses ang pag aalala. "Dad! Wake up.....Dad, can you hear me?! Hang in there" sigaw niya, nilingon niya si Glen. "Call the ambulance and the cops" anito.

Ngali ngali namang nagtipa si Glen pero agad kaming natigilan ng matanaw ang mga nakatutok na mga palaso sa amin mula sa ilang metrong layo. Natigil si Glen sa pagtipa habang si Lily naman ay napakapit sa braso ko. Wala ring nagawa si Alex dahil nakagown siya. Dahan dahang lumapit samin ang mga imaheng ito hanggang sa maklarohan ko na ang mga mukha nila.

My 31 days in planet EarthWhere stories live. Discover now