Chapter 21

2 1 0
                                    

Alexandra POV

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na naman kami ng bar, tanghali palang nang maarating kami.

Nilingon ko naman si Edward. "Seriously, tanggahali palang mag-iinom kana?" Tanong ko.

Nilingon niya ako, andun parin ang lungkot sa mga mata niya. "Why do you care?" Malamig niyang tanong.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pakikitungo niya sakin. Nasanay akong inaasar niya ako, nasanay akong binubully niya ako. Kung ganito rin naman ang kapalit sana di nalang siya tumigil sa pambubully, di sana sakin lang din ang atensyon niya hanggang ngayon. Di ko naman sinisisi si Zephania na dumating siya, dahil simula nung dumating siya ay tumigil narin si Ed sa kakabully samin.

Nang makapasok kami ng bar ay sinalubong kami ng mga kaibigan kong bakla, ang may ari ng bar. "Horey! Andito na ang ating suki. Oh may dala pang batallion" salubong sakin ni Bryan, sabay beso. "What makes you busy this time? Bigla ka nalang di na nagparamdam" dagdag niya, ngumiti nalang ako.

Niyakap rin ako ni Joey, ang kanang kamay ni Bryan. "We really miss you so much Alexandra" sabi niya habang bumebeso.

Tinapik ko ang balikat ni Bryan. "Bigyan niyo ng maiinom tong ugok nato" saad ko habang hawak ko ang braso ni Edward, nagkatinginan naman ang dalawang bakla.

Bigla silang nagtitili sa kilig na di ko alam ang dahilan. "Omycash! Shota mo? Infairness ha ang pogi ng nabingwit mo" saad ni Bryan habang hinahaplos-haplos ang pisngi ni Edward, habang siya naman ay panay iwas sa haplos ni Bryan. "Ay loyal, pero mukhang playboy to ehh. Sigurado kaba talagang palalab ka ng papa na to?" Malanding saad niya.

"..." di kona naituloy ang sasabihin ko, nilingon naman si Edward.

Ngumiti siya sakin ng mapait. "It's ok, totoo naman. Im not her boyfriend, she don't like me anyway" sagot niya kay Bryan.

Napahawak si Bryan sa dibdib niya. "So it means di ka niya shota. Single ka?!" Tanong niya, lalo naman siyang dumikit kay Edward. "So are you available Mr?" Malanding saad niya habang hinahaplos ang balikat ni Edward.

Napabuntong hininga si Edward. "Yes, Im single" saad niya, nagliwanag naman ang mukha ni Bryan. Nasaktan ako sa sinabi niya, na kahit totoo naman parang ang sakit. "But it doesn't mean that I am available. I'm waiting for her answer even I'm not courting her" pagkasabi'y inakbay niya sakin ang braso sakin at inilagay ang isa pang kamay sa bulsa ng pantalon niya.

Napaatras naman si Bryan. "Ayy, sayang willing pa naman ako magbigay ng special service sayo and also a discount pero wag nalang" kunwaring malungkot na saad ni Bryan.

"Hey, guyz. Dito tayo!" Sigaw ni Sam, nilalabanan ang ingay ng bar.

Nagtungo na kami sa mesang napili ni Sam at umupo na. "Sino ang oorder?" Tanong ni Zeus.

Tumayo ako. "Ako na" presinta ko.

"Psh, kung kailan broken hearted na si Edward ngayon kapa kikilos. Pinaglalaruan mo naman ang heart ni Ed, Alexandra" ungot ni Tanya.

Hinawakan ni Glen ang kamay niya. "Abunjing, hayaan mo na. Besides, she's the reason why Edward is broken right now" pagpapakiwanag niya.

"Wag na ang abunjing, masyadong mahaba. Ano nalang,....." saad ni Tanya habang nakahawak sa baba niya at napaisip. "Pangga,Langga, or Ga. Yun nalang bisaya ba" dagdag niya, tumango nalang si Glen.

Hindi ko na sila pinansin at umorder nalang ako. Nang makarating na ako ng ba island ay tinapik ko si Joey. "Bigyan mo nga ako ng Fireball Cinnamon Whisky at Jim Beam Bourbon" aniko.

My 31 days in planet EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon