Chapter 20

2 1 0
                                    

Zephania POV

HUNYO 19. Ika-labing syam na araw ko na dito sa planetang ito na napamahal narin sakin.At sa araw na ito ay napagplanuhan naming lumabas muna.

Nang makababa ako ay nakita kong nakahanda na ang mga kaibigan ko. "Girl, i have a question" bungad sakin ni Tanya.

"Ano?" Sagot ko.

"About yesterday. Yung sinabi ni Zeus na 'Don't talk to my girl that way' ano yun?" Usisa niya.

"Wag daw akong kausapin ng ganun"

"Weehh, i bakit 'my girl'?"

"Babae naman kasi ako"

"Im not stupid bitch. Anong meron sa inyo ni Zeus"

"Relasyon" deretsahang sagot ko.

Namilog ang mata niya at natutop ang bibig. "Omygad, omygad! Omygad! I can't believe this! For real?!" Hiyaw niya, nilingon tuloy kami ng iba pa. "OMG, why you did'nt tell us sooner?" Tanong niya.

Nagkibit-balikat naman ako. "Di kayo nagtanong" sagot ko.

"Ay, required bang magtanong? Tsh, kaya naman pala biglang naging close. So, kailan naging kayo? Nung bago pa tayo naiwan sa isla? Or before pa talaga?"

"Kahapon lang"

"Gad!! Gad!! Gad!!" Hiyaw niya. "Kahapon lang?! Anong oras?"

"Pagkatapos ng hapunan"

"Tapos before that, he hug you like he waited years or worst decade to see you again, mygad! It stress me out"

"OA Tanya" sabat ni Alex.

"By the way, where's the boys?" Tanong ko.

"Nagwawashing"

"Di pa nga natin ginamit yan, lilinisan na naman?"

"Ayaw ng may alikabok ehhh, ang hirap sa maaarte"

Biglang pumasok si Glen. "Abunjing ko!" Tawag niya sa kung sino man. Walang umimik samin, nagtinginan lang kami. "Where is Tanya? O there you are" saad niya nang makita si Tanya sa harapan ko. "Can you get me a towel?" Aniya sabay kindat. Di niya suot ang salamin niya ngayon kaya mas lalong nakita ang kagwapuhan niya.

Nang makaalis ay hinarap namin si Tanya. "Anong abunjing ko?" Tanong ni Lily.

Nababalisa niya kaming tinignan. "Aba ewan ko, may topak ata" saad niya.

"May topak? Ganun ang may topak? Sa pagkakaalam ko iba ang topak sa something" angal ni Alex.

Tumitig naman ako kay Tanya. "Tanya, what up with you?" Tanong ko.

Tumiklop naman siya. "Wala, baka may topak lang" saad niya balik sa pagluluto ng almusal.

"Guyz, do you remember the night na uminom silang dalawa ni Zep sa bar island. Yung parang nagkakarera sila" saad niya, tumango naman kami. "I think sila na that time" dagdag niya.

Bumalik samin si Tanya. "How dare you, its not!" Asik niya.

"Ehh kailan pa?" Panunukso ni Alex.

Namula si Tanya. "Kaninang umaga lang" pahina nang pahina na sabi niya.

Napatili si Lily. "Really?! How?" Tanong niya.

Umupo kami sa hapag kainan at tumapat sa isa't isa. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "Ganito kasi yan. Kaninang umaga ay nagising ako ng maaga diba?" Saad niya, tumango naman kami. "Bumaba siya tas tinawag niya akong Abunjing ko. Sabi ko bakit niya ako tinatawag nang ganun nakakahiya" kwento niya. "Pero sabi niya, alalahanin ko raw yung gabing naglasing kami ni Zep. Ikinwento niya sakin yung nangyari dahil wala akong maalala. And guess what? Yung ikinuwento niya sakin ay tugma sa panaginip ko which means that di yun panaginip. Inakala kong panaginip dahil lasing ako that time. Nahihiya na nga ako kanina pero mas nabigla ako sa tanong niya sakin" pinutol niya ang sinasabi at mas lalong lumapit samin. "Sabi niya, kung pwede raw maging girlfriend na niya ako. Ayaw daw niyang manligaw dahil patay oras lang daw yun. Sabi ko kailangang mangligaw muna, sabi niya di siya marunong. Pwede naman daw na habang kami ay gagawin niya yung panliligaw na sinasabi ko, para raw sure na may pag-asa siya. Baka raw kapag nanligaw siya ay di ko siya sagutin after his effort kaya ayun pumayag nalang ako. Tutal wala namang masama diba? Pwede niyang pagsabayin ang panliligaw sa relationship namin" mahabang lintaya niya,naliwanagan na kami.

My 31 days in planet EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon