Chapter 25

2 1 0
                                    

Third person POV

Di man aminin ng prinsesa, tunay ngang busilak ang kanyang puso. Dahil sa pagkukwento niya tungkol sa nangyari nung nakaraan ay may hindi siya sinabi upang hindi isipin ni ginoong Xavier na marami na pala itong utang sa kanya. Dahil bukod sa pagpoprotekta nito sa kanyang anak ay may isa pang bagay na di nito sinasabi.

Flashback....

Habang binabalot na ng isang makapal na tela ang sanggol na anak ni Reyna Nelma ay pinipigilan niyang tumulo ang kanyang luha upang hindi manghina ang kanyang minamahal, si Xavier. Pagkatapos ay lumabas na sila sa kubong kanilang pinagtataguan at naglakad papalayo sa tatlong kaharian. Habang tumatakbo sila ay biglang nanghina ang reyna ng mga Lavr.

Lumapit sa kanya si Ginoong Xavier at hinawakan ang kanyang kanang braso. "Ayus kalang?" Tanong nito.

Napangiti lang ang reyna. "Ayus lang ako, masyado lang akong nanghihina dahil matagal na rin nung ako'y huling nakakain. Kailangan niyo nang makaalis dito bago pa kayo maabutan ng mga kawal" saad nito habang hinihingal.

Inalalayan ni ginoong Xavier ang babaeng kanyang minamahal. "Tara na" anito.

Nang makalayo layo na sila ay biglang napaluhod ang reyna dahil sa kahinaan. Ibinigay niya ang kanyang anak sa ama nito. "Tumakas na kayo" saad nito at ibinigay ang kwentas na may salamangka na gagamitin upang maging lagusan. "Suotin mo iyan upang makaalis na kayo" dagdag pa nito.

Nag-aalalang tinignan ni Xavier ang reyna. "Paano ka? Sumama kana samin" pagsusumamo nito.

Napapailing nalang ang reyna. "Masyadong mapanganib Xavier. Mas lalong mapapahamak ang aking anak kung sasama ako sa inyo. Alagaan mo siya at palakihing mabuting nilalang. Ipangako mo sakin iyan"

Lumuhod rin si Xavier at pinagmasdan ng mabuti ang reyna. "Ayaw kong iwan ka, Nelma." Madiing saad nito.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ng reyna na kanina paman niya pinipigilan. "Hindi ako maaaring sumama. Iligtas mo ang ating anak at lumayo na kayo. Mananatili ako rito dahil haharapin ko ang parusa upang di na nila pakialaman pa ang aking anak" saad nito habang nakatingin sa sanggol na buhat-buhat ni Xavier. Hinawakan niya ang pisngi ng ginoo bago nagsalita. "Alagaan mo siya dahil siya ang patunay na nagmahal ako ng tunay, nagkasala man ako ay di ako nagsisisi...... alagaan mo siya dahil siya na lamang ang magiging alaala ko sayo. Siya ang alaala na minsang may nakilala at minahal akong nagngangalang Xavier..." saad nito habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata. "Huwag mo siyang papabayaan, naiintindihan mo ba ako?. Lumayo kayo at huwag na kayong babalik. Mamuhay kayo ng mapayapa na kahit di ako kasama......" nagsisimula nang humikbi ang reyna. "Mahal na mahal kita Xavier...." saad nito, pinunasan ang mga luhang tumulo mula sa mata ng ginoo. Kinuha niya ulit ang sanggol at pinakatitigan ito. "Anak, maging mabuti kang nilalang, yan lang ang hiling ng iyong ina. Patawad kung di mo ako makakasama sa iyong buong buhay. Masaya ako na kahit sa limang araw lamang ay nakasama kita, anak ko....." pinipigilan man ng reyna na tumulo ang luha ay nabigo siya. "Magpakabait ka. Patawad kung lalaki kang walang ina. Alam kong malaking pagkukulang yun sa iyo. Ngunit alam kong makakatagpo ka ng babaeng pupuno sa pagkukulang ko. Anak, tatandaan mo palagi na mahal na mahal ka ng nanay. Naisin ko mang makita ang iyong paglaki ay di na maaari. Maging mabuti ka, wag kang gagawa ng ikakasama iba......." pinutol niya muna ang sasabihin. ".......ngayon.....nais ko na lamang pagmasdan ang iyong mukha ng sa ganun ay di ko makalimutan hanggang sa aking huling hininga....napakaamo,,napakagandang lalaki ng anak ko...." habang sinasabi niya ito ay lalo kumikirot ang puso niya, ramdam ang sakit. "Paalam na. Mahal na mahal ka ni mama" pagkasabi'y hinalikan niya ang anak sa noo at ibinigay na ito sa ama ng sanggol. "Umalis na kayo. Mahal.....na...mahal....ki..ta..Xavier" saad nito at binigyan ng huling halik ang minamahal bago sila tinalikuran.

My 31 days in planet EarthWhere stories live. Discover now