Chapter 23

2 1 0
                                    

Zephania POV

Nagising ako sa kalabog na naririnig ko mula sa baba kaya bumangon na ako at naligo. Nang makababa ako ay nakita kong hinahabol ni Alex si Edward.

"Putangina mo, naglilinis kami tas ikaw maghahariharian. Lumayas ka dito!" Sigaw niya habang hinahabol si Edward.

"Sorry na, love naman kasi. Di ko naman alam na naglilinis pala kayo" mangiyak ngiyak na saad ni Edward.

"Hindi alam? Nakita mo nang inililigpit namin tas sisipain mo lang. Hindi alam? Ambobo mo ulol"

"Love minumura mo na ako"

"Lagi naman kitang minumura, ba't naninibago ka?"

Nagpatuloy ang habolan nila sa sala hanggang sa magsalita si Zeus. "Wag kayong burara. Pinapanood kayo ng may-ari" aniya, napalingon naman ang lahat sa gawi ko. Napatigil nalang sila.

"Were sorry" saad ni Alex.

Napapalakpak si Tanya. "Isang araw simula nung magkashota. Natuto nang magsorry" saad niya, binatukan naman siya ni Alex.

Lumapit sakin si Glen at ngumiti. "Zep. Kumain kana?" Aniya. Napatikhim naman si Tanya, nilingon siya ni Glen. "What?" Inosenteng saad niya.

Napamaang si Tanya. "Ako ang girlfriend pero sa iba concern" saad niya.

"Kumain ka na naman. Kaya di ko na kailangang mag tanong"

"Oo kasi mas inunahan mong magtanong ang bf ni Zep"

"What now?" Inosenteng tanong ni Glen. Nang nilingon namin si Zeus ay ayun na ang nakakamatay na titig saming dalawa ni Glen.

Lumapit siya samin at hinawakan ang pulsuhan ng kamay ko. "Di pa siya kumakain, back off. This is already mine" saad niya, mahinang natawa si Glen.

"Ok" maikling sabi ni Glen at bumalik sa ginagawa kanina.

Nagsalubong ang mga mata namin ni Zeus. "Bakit ngayon kalang nagising?" Tanong niya.

"Di ba pwedeng mahuli ng gising?"

"Di mo naman kailangan ng sapat na tulog diba?"

"Napagod lang"

Nagtataka niya akong pinagmasdan. "Napapagod? Diba hindi napapagod ang isang tulad mo?"

"Di ko alam. Ngunit masama ang kutob ko"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ngayon lang ako nakaramdam ng kahinaang ganito"

Natigilan siya at nang makabawi ay nagsalita ulit. "Bakit ka naman nakaramdam ng hina? I mean, bakit ka nanghihina?"

"Di ko alam. Bago sakin ang pakiramdam na ito kaya wala akong alam"

"Magpahinga ka nalang muna. Baka mas makakasama sayo ang tumulong. Sige na" saad niya, bakas ang pag aalala sa boses. Napatango nalang ako.

Nang makabalik ako sa taas ay dumiretso ako sa kwarto ko at tumapat sa salamin. Ang malaking salamin na ito na hugis bilog ay may nakasabit na kwentas sa taas. Ang kwentas na ito ay may salamangka na siya ring dahilan kung kaya't nakapasok ako sa planetang ito nang walang kahirap hirap.

Pinagmasdan ko ito. Ang pinakasentro ng kwentas ay naroon ang aking dugo na siyang nagbibigay bisa sa kwentas habang ang orasyon naman ay ang dahilan kung bakit dito ako dumadaan upang makalabas masok sa aming planeta. Ang dugo nito ay may itim na nasa gilid nito. Nagsisimula nang dumami ang itim nito. Bigla kong naalala ang bilin sakin ng manggagamot sa kaharian ng Namri na aking kaibigan, si Bashyang.

My 31 days in planet EarthWhere stories live. Discover now