Chapter 1: PANIMULA

4 0 0
                                    

ZEPHANIA'S POV

Hi I'm Zephania I'm from Jupiter. Bago pa ako pumunta dito sa Earth ay pinag aralan ko na ang mga salita nila like English at nagkataon pang dito ako bumagsak sa bansang tinatawag na Pilipinas o pinas, Tagalog ang pananalita nila dito katulad nung samin. Pinag aralan ko ang mga pangkaraniwang ginagawa ng mga mamamayan dito sa pilipinas gaya ng kumakain ng tatlong beses sa isang araw, at pag aaral kaya gumawa narin ako ng sarili kong edad, bente tres ang inilagay ko sa requirement ko dahil ganun na din naman ang totoo kong edad. Isa rin sa mga pangkaraniwang ginagawa ng mga pilipino ay ang pagkakaroon ng mga kaibigan mostly best friend pero wala pa ako nun. I'm in 4th year college na dahil nga sa edad ko sabi ng teacher, di naman ako nag-abala sa requirements sa school dahil nag-exam nalang ako at pumasa narin.

So this is my first day of school and marami naman akong alam tungkol sa school so di nayan magiging mahirap sakin.

Tumikhim ang Lecturer dahilan para mabaling sa amin ang atensyon ng mga estudyante."Goodmorning class, gusto kong ipakilala sayo ang bago ninyong kaklase"

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita“Hi everyone I'm Zephania Zyla Cervantes Montevero, nice to meet you all”ani ko.

Nagkatinginan ang karamihan sa mga estudyante at kita sa kanilang mga mata ang paghanga “Hi Zephania” sabi ng mga estudyante. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil kahit napag aralan ko na ang pakikitungo iba parin ang pakiramdam na nararanasan mo na talaga

"Ok miss Montevero, please choose your seat” sabi ni ma'am sabay turo sa mga mga upuang bakante. At naglakad na ako papuntang likuran because I choose to sit sa hulihan isa pa malakas naman sense ko like eyesight, hearing, taste at pakiramdam, maya-maya ay lumabas muna ang lecturer dahil pinapapunta daw siya ni Dean.

Maya maya ay may dumating na grupo ng babae sa room namin. Natakot ang lahat ng kababaihan sa room. Di nako magtataka kung mga warfreak tong mga toh “Oh mukhang may bago tayong Cinderella dito sa room” sabi ng panget na babaeng puno ng make up yung mukha, nagmukha tuloy siyang clown sa dami ng make-up niya sa mukha. At ang lahat ay nakatingin sakin. Lumapit sila sakin sabay sabing “Hi miss”ani nito.

“Hi” sagot ko,wala akon interes sa harap ko

"Anong pangalan mo?" tanong ng isa. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at masasabi kong sa kanilang apat siya ang pinaka simple sa lahat. 

“I'm Zephania” sagot ko na may nababagot na expression.

“Ang ganda ng pangalan mo Zephania, ang ganda mo na sana kaso Cinderella ka lang para samin” sabi ng una. Yabang sarap masapak.

Nagtataka akong tumingala sa kanila. Sino ba sila at bat ganito sila kung umarte? Mga kulang sa pansin. “Sino ba kayo?” mahinahon kong tanong.

“Wow, di mo kami kilala? Pwes kami lang naman ang TOBG( The only beautiful girls) in OPU(Oriental Pearl University), at kami lang ang pwede bumida dito, at lahat ng kababaihan dito ay mga Cinderella lang namin at syempre may boys group din, sila lang ang bida sa lahat ng boys dito, at alam mo ba na ang leader ng boys group ay boyfriend ko?” pagmamayabang nito.

“Wala akong pakealam kung sino kayo at kung sino yang boys group na yan, basta ang masasabi kolang mula ngayon na andito na ako sa University na to sisiguraduhin kong wala na kayong aapihing mga estudyante dito, dahil tatandaan mo lahat tayo estudyante lang at lahat tayo pantay-pantay” matapang kong sagot.

“Ah mukhang matapang ang transferee na to ahh, give me some water mukhang may kailangan tayong bigyan ng aral rito” sabi nito at agad na may nag-abot ng bote na may lamang tubig  nito “Your unrespectful, kaya ito ang lesson mo”. 

My 31 days in planet EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon