Chapter 18

2 1 0
                                    

Zeus POV

JUNE 18. Ang araw ng alaala sakin ng aking ina. Sabi ni Dad ay June 18 raw kami iniwan ni Mommy, limang araw ko kang siyang nakasama at umalis na siya. Di naman ikunwento sakin ni Dad kung bakit. Hanggang ngayon ay blangko parin yun.

Tumayo na ako at niligo. Pagkatapos ay bumaba na ako. Nadatnan ko ang tahimik na kusina at hapag kainan na dati ay nag iingay yun dahil kay Tanya. Naalala ko na naman ang panaginip ko.

Sa hindi inaasahan ay nabunggo ako ni Edward kaya sabay kaming nahulog sa hagdan.

Napapilipit ako sa sakit ng likod ko. "Tang ina ano ba Edward?" Nakapikit kong saad.

Umupo na si Edward paharap sakin. "Alam mo bang kumikilos na ang mga rescue para mapuntahan ang isla kung nasaan sina Zep dahil sinabi na ni sir Richard" saad niya.

Napamulat naman ako at di nagtagal ay nakatayo rin. "Tara sa school" saad ko.

"Teka gisingin ko sina Glen!" Sigaw niya. Di ko na siya pinansin at binuksan ko na ang gate at sumakay nako sa kotse ko.

Pinaharurot ko ito hanggang sa marating ko na ang iskwelahan. Bumaba na ako at nagderetso sa dean's office.

"Dean how's is it?" Bungad ko.

"They're still searching. Di nila mahanap sa paligid ng isla, baka nasa gubat raw" sagot niya.

Umupo naman ako. Mayamaya lang ay dumating na ang ga kaibigan ko at sakto naman na tumunog na ang telepono ni Dean.

Dali dali nya itong sinagot at iniloud speaker. "Hello?" Bungd niya.

"Lolo" naiiyak na saad ng nasa kabilang linya.

"Oh apo!" Hiyaw ni Dean. "How are you there?" Tanong niya.

"Bumibiyahe napo kami"

"Thank god"

Nakahinga nako nang maluwag, ganun din ang mga kaibigan ko. Mayamaya lang ay narinig na namin ang tunog ng isang bus. Ngali ngali kaming lumabas at sinalubong ang bus.

Unang lumabas si Tanya na nakabalot ng towel. "Lolo!" Bungad niya sabay yakap kay Dean.

"Oh my apo. Are you ok?" Tanong niya, tumango naman si Tanya. Hinaplos haplos ni Dean ang buhok niya habang siya ay napahagulhol sa pag iyak.

Sumunod naman si Alex, nakabalot din siya ng towel, dala niya ang travel bag. Lumapit naman agad si Glen at inalalayan siya. Kinuha ang travel bag sa kanya.

"How are you?" Tanong ni Edward nang makalapit siya.

"Di nako magsasalita kung patay nako" pabalang na sagot ni Alex, napangiwi naman si Edward.

Sunod lumabas si Lily. Dali dali namang tumakbo si Sam patungo sa kanya. Kinuha ang bag at inakay siya.

Ang saya nilang tignan. Nang lumingon ulit ako ay nakita ko na ang taong ang tagal kong hinintay, ang taong naging dahilan kung ba't di ako nakatulog ng maayos nung mga nakaraang gabi. Nakasuot lang siya ng square pants at plain black t-shirt.

Lumapit ako sa kanya. Tiningala niya ako habang ako ay pinagmasdan ko ang bawat anggulo ng mukha niya. Ni wala akong makitang mali dahil parang hinulma ang mukha niya dahil napakaperpekto, parang di dumaan sa hirap nung nasa isla pa sila. Di ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ko na siyang niyakap. Hinaplos ko ang buhok niya at isinubsob ko ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat niya. At dun nako nagsimulang humagulhol, di ko na alintana ang mga taong nakatingin. Ang makita siyang ligtas ay ayus na sakin ngunit mas naging komportable ako nang mahawakan at mayakap ko na siya. Di ko na magawang magsalita dahil natutop nalang ako sa pagkakayakap sa kanya. I miss her so bad! The woman that i really love, sa kanya ko nakikita ang mga sinabi ni daddy na katangian ni mommy except ngalang dahil di babaeng-babae si Zep.

My 31 days in planet EarthWhere stories live. Discover now