"Uuwi na daw si Nicolai dito, Mommy" nagagalak na ani ni AA."Ikaw naman, dapat hinayaan mo nalang si Nicolai doon sakanila, hindi iyong pinapunta mo pa dito" pangaral ko.
"E gusto niya magkasama kami, pero wala daw si Kuya Nikolov kasi doon daw siya sa tito niya" AA told me. "Sabi sa akin ni Tito Seb"
I sighed, mukhang nagkakaroon na nga ng barkada itong anak ko, ang bata bata may barkada na.
Kasalukuyan akong gumagawa ng mango graham float, may ibinigay kasi sa akin ang kapit bahay at sinamantala ko na dahil nagkataon na hindi maasim itong mangga.
"When will daddy visit?" tanong niya.
Napatigil ako sa ginagawa ko. Speaking of him, hindi pa siya bumibisita o nagpaparamdam, huli pa ay noong kinabukasan na may nangyari sa amin.
Naiintindihan ko naman dahil sabi niya may mga bagong ebidensya para napawalang sala si Papa.
"I don't know." pag-amin ko, ayaw kong paasahin si AA.
Maging ako ay iniisip ko rin si Alejandro, kung nasaan ba ito o kung babalik ba siya.
Sabi niya babalik siya, hindi niya nga lang sinabi kung kailan.
Muli akong Nagpakawala ng mababang hininga at pinagpatuloy ang ginagawa, panigurado mauubos naman ito kahit magparami ang gawin ko dahil mahilig naman si AA dito, kung tingin namin ay hindi maubos ay magbibigay nalang ako sa kapit bahay.
Nang matapos ay inilagay ko na sa chiller para ready ng kainin kinabukasan o kaya mamayang hating gabi. Nag mi-midnight snack kasi ako ng hindi alam ni AA.
Doc Montecillo also contacted me, kukunin niya daw si AA para makipag laro sa mga kaibigan niya kapag nakarating na si Nicolai.
I'll be honest, I really don't feel comfortable leaving my toddler to them, I have this gut feeling na parang may mangyayaring masama.
I pray na maayos lang ang lahat, after all AA deserves to play with his friends since he doesn't play in the daycare.
Hours had passed and I'm getting ready sa pagbibihis kay AA since I received a confirmation from his tito na kukunin niya ito.
I heard a car beeped outside. I hurriedly went out, I was so excited and I expected it was Alejandro but my excitement died down when I realized it wasn't him, rather it was his jolly, energetic and friendly brother.
"Hi! Kukunin ko na si AA" nagagalak niyang ani.
"Oh, oo patapos na siya" ani ko habang napayuko, it wasn't Alejandro.
"Are you okay?" he peeked.
"Yes" tipid kong sagot.
"You miss him?" tanong niya kaya muli akong na patingin dito.
"H-huh? What are you talking about?" I rolled my eyes.
"When was the last time he was here?" he was referring to his brother.
"Uhm" I gazed down "About 4 days ago" I answered honestly, there's no point of lying, I really do miss Alejandro.
I miss him already.
"I'll tell him later, kikitain ko siya, he's just busy teaming up with an investigator" aniya "and I'm here to help"
"I mean, AA had been asking for him, b-baka pwede sabihan mo na kahit si AA bisitahin niya" pagmamakaawa ko.
YOU ARE READING
Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE)
RomanceMATURE CONTENT ㅣR-18ㅣ DARK-ROMANCE VICIOUS MEN 2 - Attorney's Possesion (Alejandro Javier Montecillo) Attorney Alejandro Javier Montecillo vowed not to do any stupid or illegal things like what his friends do. Four years after he topped the BAR exa...