CHAPTER 22

21.4K 442 199
                                    


"AA!" nagaalala kong sambit.

Napalingon ito sa akin, ang galit niyang ekspresyon ay biglang umamo, lumamlam ang mata niya at napakagat labi na animo'y iiyak na.

"Mommy!" tawag niya sa akin at inilahad ang maliliit na kamay sa gawi ko.

Agad ko siyang nilapitan at binuhat, inilayo ko siya kay Alejandro at kasabay n'on ang malakas na iyak ni AA. Napalingon ako kay Doc Alessandro, he seems to still be in shock.

Nilapitan niya ang kapatid at pinagalitan.

"See? You're scaring the child!" pangaral ni Doc kay Alejandro.

"Doc Tito, suntukin mo siya!" umiiyak na utos ni AA habang itinuturo si Alejandro na parang hindi maunawaan ang mga nangyayari.

"S-sure, susuntukin ko" umakto naman si Doc Alessandro na sinuntok ang kapatid na nakatitig lang kay AA na umiiyak sa bisig ko.

Ito namang si AA umakto na matapang pero iiyak din pala, naiintindihan ko naman dahil bata pa lang siya pero hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa.

"Uwi na tayo m-Mommy" humihikbi niyang ani "Uwi na" dagdag niya at napasigok pa.

"Oo, uuwi na tayo" pagaalo ko dito kahit hindi ko naman sigurado kung makakauwi kami.

Humakbang ako pabalik sa private room ni AA pero naririnig ko pa din ang argumento ng magkapatid.

"See you're scaring the child" sigaw ni Alessandro.

"I just want to meet my son! I didn't know that he'll cry" depensa ni Alejandro.

"Yes, but don't do it that way! He's only 3 years old ofcourse he would get scared, what do you expect him to do? Hug you?" pangaral ni Doc sa kapatid.

"Audrei, wait!" ma awtoridad na utos ni Alejandro kaya mas binilisan ko ang lakad ko.

Rinig ko rin ang mabibigat niyang mga yabag na papalapit sa gawi ko.

Agad kong binuksan ang pinto ng private room ni AA at dali-daling pumasok, at bago pa kami maabutan ni Alejandro ay isinara at ini-lock ko na ang pinto.

"Anak, tahan na" pagaalo ko sakan'ya.

"Who's that mommy?" tumingala ito sa akin, umaagos ang luha sa mukha niya.

Kawawa naman ang AA ko, natakot sa halimaw niyang ama.

"T-that's Doc Alessandro's brother" I told him instead that he is his father.

"H-he's" napasigok ito at yumakap sa akin "He's pangit" umiiyak nitong ani.

'But he has the same face as you are' I want to tell him but I remained silent. Kung gaano ko ka-ayaw kay Alejandro ay mukhang mas ayaw siya ni AA.

Kahit pilitin ko man na gustuhin niya si Alejandro ay alam kong hindi ko siya mapipilit, dahil kung ayaw niya ay ayaw niya.

Maswerte si Doc Alessandro dahil nagustuhan siya ni AA.

"Yes, he's pangit" tinapik tapik ko ang likod niya para mapatahan ko siya.

Magkakasunod na katok ang narinig ko, pati na rin ang pagpihit ng seradura pero dahil naka-lock ang hindi niya ito mabuksan.

"Audrei, please let's talk" Alejandro said in a pleading tone.

Nanatili akong tahimik pero nagpatuloy ako sa paghele kay AA na umiiyak pa rin.

"I just want to meet him" pagmamakaawa niya pero hindi ko siya pinansin.

"Leave the child alone for now" Doc Alessandro suggested.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now