CHAPTER 23

20.9K 426 93
                                    

[A/N] : I'm sorry for the late update... Huwag na kayo magtampo :(

---

UMAGA na rin pero hindi pa nagigising si Alejandro, hinayaan ko lang siyang tulog at walang malay sa harap ng pinto, gustuhin ko man na idala siya sa kwarto o couch ay hindi ko naman siya kayang ibangon dahil sa kalaki niyang tao.

Sumandal ako mula sa pinto at tinitigan si Alejandro, dapat makaalis na ito bago magising si AA. I didn't even get a good sleep knowing that Alejandro was just right here in our house.

I plan to contact Victor para maihain ang restraining order na ipinangako niya dati sa akin, pero hindi ko alam kung sapat bang dahilan o legible pa rin ang nagawa niya dati kahit na apat na taon na ang lumipas.

"Hindi ka talaga gigising dyan?" sinagi ko siya gamit ang paa pero nanatili itong tulog mantika.

I rolled my eyes at umalis muna, pinuntahan ko ang kwarto ni AA. His room is blue themed, 'yon kasi ang favorite color niya, pareho sila ng ama niya, from the walls, carpet, curtain, blanket, sheets, pillows and even his toys are blue although may ilan naman na ibang kulay.

Lumapit ako kay AA na natutulog pa rin sa kama niya pero nabigla ako dahil naalimpungatan ata siya sa presensya ko, pupungay pungay niyang inimulat ang mga mata at kinusot ito, napahikap siya at tumingin sa akin.

"Mommy?"

"Good morning anak" I kissed both of his cheeks.

"Good morning mommy" niyakap niya ang leeg ko at hinalikan din ang pisngi ko.

"Stay here muna anak huh? Mag luto si mommy ng breakfast mo" sabi sa kan'ya "Ano gusto ng baby ko?" I nuzzled my face on his cheek.

"Hmm, f-fruit" sagot niya.

"Alright, anything else?" tanong kong muli.

"Tocino and rice"

"Want to go pee pee muna?" tanong ko dahil kagabi pa ito hindi umihi.

Umiling naman siya at kinusot ang mga mata.

Ngumiti ako "Sige anak, mommy will cook na, call me if you want something" pagpapaalam ko at umalis na muna.

Nadaanan ko si Alejandro pero hinayaan ko lang dahil tulog pa, 'yan kasi, iinom inom hindi naman pala kaya.

Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang freezer, naglabas ako ng tocino at kumuha naman ako ng ilang prutas sa refrigerator.

Napagtanto ko na konti nalang pala ang natirang prutas, mahilig kasi sa prutas si AA habang ayaw na ayaw naman niya ang gulay. Bibili nalang ako bukas pag uwi namin dahil napagdesisyunan ko na papasok na rin ulit si AA sa daycare.

Pumunta ako sa may stove at nagluto na ng tocino, may natirang kanin pa naman kagabi kaya iiinit ko nalang, ayaw kasi ni AA ng sinangag dahil ayaw niya ng bawang.

Nasa kalagitnaan ako ng paghihiwa ng prutas nang marinig ko ang malakas na sigaw ni AA.

"MOMMY!!! AAAHHHH"

Na bitawan ko agad ang mga hinihiwa kong prutas at dali daling kumaripas sa kwarto ni AA.

Napasinghap ako dahil sa nakita.

Si Alejandro ay buhat buhat si AA na sinasapok ang ibabaw ng ulo niya gamit ang maliliit niyang kamay habang malakas na umiiyak at mukhang takot.

"Alejandro!" dali-dali kong inagaw si AA sa pagkakabuhat niya.

"Mommy" umiiyak na tawag ni AA sa akin habang yumakap sa leeg ko.

"Tarantado ka ba?!" bulyaw ko kay Alejandro na nakatitig sa amin at mukhang may hangover.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon