CHAPTER 30

17.9K 366 30
                                    


"Binu-bully nila ako, wala daw akong Daddy" sumbong ni AA kay Doc Montecillo.

"Ay Binu-bully ka?" lumingon si Doc sa asawa niyang nakaupo sa tabi niya "Kita mo Freya darling kong mahal parang si Alvarro lang dati"

"Manahimik ka" bulong ni Freya habang hinihimayan ng hipon ang babaeng anak.

"I-ikaw naman, ang seryoso mo masyado" bulong ni Alessandro sa asawa at nagpatuloy sa pagkain "Hayaan mo sila AA, kill them with love nalang" Alessandro advised.

Tama naman, huwag niya nalang patulan ang mga bully niya.

"Literal na kill them with love, yakapin mo sila sa leeg ng sobrang higpit nang malagutan na ng hininga at mamatay na ang mga pu-" tinakpan ni Freya ang bibig ng asawa para hindi pa maituloy ang sasabihin.

Na patingin ako kay Alejandro na masamang nakatingin sa kapatid.

We're having lunch right now at Alejandro's parents house, Ipinakilala niya na si AA sakanila at tuwang tuwa naman sila dahil parang bumalik daw sa pagkabata si Alejandro. I tried not coming with them dahil wala naman kaming relasyon ni Alejandro but his parents are really looking forward on meeting me.

It's kinda awkward, Mr. And Mrs. Montecillo are really nice to me, hindi namana ng halimaw nilang anak. Ginigipit ako ni Alejandro, as much as possible ay gusto ko nang lumayo sakan'ya. The fear was back again.

Sa ayaw at sa gusto niya ay magche-check in na kami sa Hotel, there's no point in staying in there maliban lang kay AA.

"So, kailan ang kasal?" biglang tanong ni Mrs. Montecillo kaya natigilan ako.

"P-po?" nauutal kong tanong.

"We expect na ikakasal kayo since you both have a son" usyoso ni Mr Montecillo.

"I know a wedding pla-" I cut them off.

"Hindi po, walang kasal na magaganap" naiilang kong sambit.

Ramdam kong ang mga titig sa akin, lalo na ang kay Alejandro.

"But the child" itinuro ni Mr. Montecillo si AA na kumakain lang.

"Co-parenting nalang po" pilit akong ngumiti.

Namayani ang katahimikan sa buong hapag-kainan. Nang matapos kaming kumain ay naglaro muna ang mga bata habang niyaya ako ni Mrs. Montecillo sa usapan.

"I'm sorry Audrei" Usal niya habang tinignan ako na nakaupo sa tabi niya.

"para saan po?" takang tanong ko.

"I know my son can be an a-hole at times" she shook his head "That had been a problem since he was a child, palaging bara bara at padalos-dalos ang desisyon niya. He doesn't consider people around him" napahawak ito sa sentido.

Mapait nalang akong ngumiti "You're the first woman that he brought here in our home. Although I met Karen once, I didn't like that woman" lumapit siya sa akin at may ibinulong "She seems like a crackhead" paninira niya kay Karen.

'Halata nga po, habol ng habol parin sa anak niyo kahit hiwalay na sila' gusto kong sabihin pero nanahimik nalang ako.

"I really hope you could work things out" she requested pero umiiling ako.

"No ma'am, there's really nothing to work out since we don't have a relationship" I told her.

Ngumiti ito ng mapait "I know. Joaquin told me" Napabuntong hininga siya.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon