CHAPTER 5

22K 451 39
                                    


ARAW ng Linggo at day off ko ngayon, General cleaning din ng bahay, si Johnrei wala rin pasok kaya siya ang katulong ko sa paglilinis. Wala si Mama dahil may labada pa siya doon sa matandang babae sa may kanto.

"Sana kasi may vacuum cleaner na tayo" reklamo ni Johnrei habang itinutulak ang upuang pahaba na gawa sa nara.

"Kita mo namang mahirap ang buhay natin." sagot ko habang winalis ang espasyo na nalipatan ng upuan.

"Mura lang naman 'yon online," napanguso siya.

"O, edi mag-ipon ka nang ikaw na ang bumili," napa-irap ako.

"Sige na ate," pag pupumilit niya "Bili ka na, para kunwari social climber tayo. "

"Ay tigil tigilan mo ako, kita mong hirap na hirap akong ipagkasya ang sweldo ko dito sa gastusing bahay at para sa pag-aaral mo! " napairap ako habang winawalisan ang alikabok na naipon para ilagay sa dustpan.

Napatigil ako nang marinig ko ang Phone ko na nag ri-ring. Binitawan ko ang walas at dustpan at pumunta ng kwarto ko kung nasaan ang Phone ko.

"Sino naman kaya ito?" tinitigan ko ang screen at unregistered ang number.

Nagalinlangan akong sagutin ito pero ginawa ko na rin.

"Hello?" bungad ko.

"Hello ma'am, Audrei Asuncion po ba ito?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Opo, Sino po sila?"

"Mula po ito sa presinto Ma'am. Gusto lang namin kayong I-inform na mayroon na po kayong abogado. Ready na din po siya para testimony ng tatay niyo." tuloy tuloy ng Saad ng nasa kabilang linya.

"Ganoon po ba? may kailangan po ba akong gawin?" napakagat labi ako.

"Pwede naman po kayong pumunta dito Ma'am para masamahan sila sa magiging interview niya sa dadating na procecution, para na rin po makilala niyo ang abogado niyo, it's all free, you don't need to pay. "

"Kailan po ito?" tanong ko habang napa-sapo ng noo.

"Ngayong araw na po, mga bandang alas-tres, We're just to busy and you are not answering your calls, it's too late para ire-schedule namin. " sagot niya.

"Sige po, p-pupunta ako" Napabuntong hininga ako at pinatay ang tawag.

Nagulat ako nang pumasok si Johnrei sa kwarto ko.

"Sino yun? Saan ka pupunta? Akala ko ba day off mo?" sunod sunod na tanong niya habang nakunot ang noo.

Napakagat labi ako at nag-isip ng palusot "Ano, emergency daw s-Sabi ng manager namin kaya aalis ako" sinubukan kong patatagin ang boses ko.

"So ano? Mag isa ako mamaya?" napa-irap ito.

"Uuwi naman si Mama atsaka mamaya pang alas-tres yun, aalis ako ng alas-dos. " ini-lapag ko ang Phone ko sa kama.

"Gutom na ako. " reklamo niya habang hinimas ang tyan.

Ako din gutom na, paano ba naman hindi na kami naka-pag almusal dahil nag linis kami tapos sinadya kong hindi maka-bili ng pag-kain dahil nag-iipon ako. Pati pagkain ay nagawa ko ng tipirin para lang maka-bayad. Di Bale na at wala naman din siyang pasok ngayon, tuwing sa mga araw na may pasok nalang siya mag-almusal.

" Isabay balang natin 'yong almusal at tanghalian. Anong oras na ba?" Napalingon ako sa bandang may wall-clock.

Pasado ala una na pala.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now