CHAPTER 26

20.5K 411 120
                                    

[A/N] : update ko nalang ngayon since mawawalan daw kami ng Signal mamayang 12 so... Happy reading :)

---

Taas baba ang dibdib ko dahil sa neybyos. Wala akong idea kung saan Idinala ni Alejandro si AA. Kung resort ba, hotel o di kaya'y bahay.

Napasapo ako ng noo at huminga ng malalim. Paano kung hindi na ibalik ni Alejandro ang anak ko?

Kakasuhan ko siya! That's kidnapping!

Kanina ko pa hinahanap si AA at gabi na, alas otso na ng gabi at ka umuwi ko lang para maligo at mag bihis dahil kating kati na ang katawan ko dahil sa alikabok.

Hindi ko naman siya ma-contact dahil wala akong number niya at blocked lahat ng social media accounts niya, not unless I unblock and contact him.

Npabuga ako ng hininga at kinuha ang Phone ko at ini-unblock siya sa lahat ng social meadia platforms at lahat ay nag message ako. Wala akong pakialam kung mag mukha akong desperada basta ibalik niya lang ang anak ko.

'Ibalik mo ang anak ko!'

'nasaan si AA?!'

'Kakasuhan kita!'

'nasaan kayo?!'

'Tangina mo Alejandro!'

Lumipas ang ilang munituo at hinintay ko ang Reply niya pero wala kaya napagpasyahan ko siyang tawagan siya gamit ang isang socmed app pero patuloy lang itong nag-ring pero bago pa ito mag hang up ay biglang may sumagot dito at naka Video call.

"Alejandro!" sigaw ko mula sa screen pero laking gulat ko nang hindi si Alejandro ang sumagot bagkus ay mga bata, at sobrang shaky ng Camera.

"hello" humahagikhik na bati ng isang bata na sobrang lapit ng mukha sa Camera, hula ko ay nasa parehong edad sila kagaya ni AA.

"I'm Cocolai" pagpapakilala niya habang ilong lang ang nakikita sa Screen.

"Show me, show me!" usyoso ng isang bata kaya ipinakita siya nito.

"I'm Baste!" masiglang ani ng isa.

"S-sino kayo?" pa bulong kong tanong dahil sa pagtatakda.

"I'm Cocolai" muling pagpapakilala ng batang naka hawak ng Phone hanggang sa may narinig akong pamilyar na boses.

"Nicolai, who are you talking to?" nakarinig ko ng mga yabag at may umagaw sa phone "Honey?"

Gwapong mukha ni Alejandro ang sumakop ng buong Screen ko.

"NASAAN SI AA?!" sigaw ko mula sa screen pero hindi umiimik si Alejandro bagkus ay pinalitan niya lang ng back camera ang call para makita ko kung ano ang nasa harap niya at...

Nandoon nga si AA at may kasama siyang apat na batang lalaki na hula ko'y nasa kaparehong edad niya at naglalaro sila.

"AA!" tawag ko dito pero hindi niya ako marinig at muling bumalik ang pagmumukha ni Alejandro sa screen.

"Come over" Aniya.

"Gago ka ba? Nasaan kayo!?!" bulyaw ko.

" Sa Councel Street around 30 minutes away in where you live" kalmado niyang ani habang napakamot sa noo.

"Aling bahay!?"

"'Yong p-pinakamalaki, Attorney Garma's old home" bulong niya.

Alam ko ang bahay na' yon, mansion nga ata at ang pinagtataka ko ay kung bakit nandoon sila gayong ibinenta naman na ata ni Attorney Garma ang bahay niya.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now