CHAPTER 28

18.9K 454 96
                                    


"Ano?" takang tanong ko habang may kausap sa telepono "Bakit naman kailangan naming bumalik sa Maynila?" Napasapo ako ng noo. I'm talking to Victor.

"Well, your father needs you and you need to sign documents too. Medyo mahirap ire-open ang kaso ng Papa mo dahil convicted na siya at pleaded guilty na kaya kailangan natin mag-appeal sa higher court" aniya sa kabilang linya.

"Wala na bang ibang paraan?" tanong ko.

"No,wala na and hindi ko pala kaya na mag-isa lang ilaban ang kaso ng Papa mo, kailangan ng grupo ng abogado" Ana sa kabilang linya kaya napakagat labi ako.

More lawyers means more payment kaya kailangan kong mag-loan pero alam ko na kahit mag loan ako ay kukulangin pa rin.

"May kilala ka naman diba?"

"Yes marami but..." narinig ko na Nagpakawala siya ng mahabang hininga "may nagpupumilit, nahaharass na ako Audrei" sumbong sa akin ni Victor.

Sino pa ba ang tinutukoy niya? Edi si Alejandro.

"Ilang linggo niya na pinapasabog notifications ko sa phone! Hindi ko naman siya ma-block dahil patungkol sa work and transactions ang iba pero... " parang problemado niyang ani "Harrasment na 'yon Audrei, pero ayaw ko siyang kasuhan dahil kaya niya akong tablahin" sagot niya.

Napatampal ako ng noo, napaka kulit ni Alejandro, he's very persistent on getting what he wants.

"Utang na loob Audrei, payagan mo na lang please" parang sumusuko niyang ani "That Montecillo is impossible, binantaan niya pa ako na ipina-tambang niya ako sa mga kaibigan niya kaya hindi na ako makalabas" reklamo niya.

"H-hindi ko alam e" napasalampak ako sa couch "I'm having trust issues"

"I mean, you have every rights to have jitters, your feelings are valid and I really don't want to work with that Montecillo pero ginigipit niya talaga ako... On the contrary kapag kakampi natin siya, malakas ang magiging panel natin. Bahala na si Karen sakanila, she's rich to afford to get another lawyer" supalpal niya kay Karen na balita ko ay umaasa pa rin daw na magkabalikan sila ni Alejandro kahit limang taon na silang hiwalay.

"Alright I'll talk to him" pagsuko ko at rinig ko na parang naluwagan siya ng hininga mula sa kabilang linya.

"Thank you Audrei, I'll call you again if I need to" Aniya at pinatay ang tawag.

Nakabusnagot kong nilagay sa center table ang Phone ko atsaka ako Nagpakawala ng mahabang hininga. Ayaw ko talaga na maging abogado ni Papa si Alejandro.

But I must admit, Alejandro and I had been better with each other as time passes, pero I didn't gave in yet, hinahayaan ko lang siyang mag-habol, pero madalas ko siyang itaboy.

I dinadala niya rin si AA na mag-swimming every 2 weeks sa bahay niya. I learned that he bought that house dahil lang sa swimming pool non. Napaka-gastador.

"Audrei honey kong iniirog!" speaking of the monster hayan nanaman siya.

I really thought that Alejandro and Alessandro are the exact opposites, turns out na may pagkakapareho din pala sila.

"Ano nanaman?!" bulyaw ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Alejandro dito sa bahay.

Tresspasing 'yan pero hinayaan ko nalang siya dahil alam ko naman na palagi akong matatalo dahil sa tigas ng bungo niya.

"Miss me?" tanong niya at umupo sa tabi ko at akmang hahalikan ang pisngi ko pero tinabig ko ang mukha niya.

"Tumigil ka nga!" inilayo ko ang sarili ko at tumayo para I-check sa kusina ang niluluto kong tinola.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora