1 week past nakabalik na si Kiel at ang Kuya niya dito sa Pilipinas. Natatawa na nga lang ako kapag nagvivideo call kaming dalawa tapos puro sumbong lang niya ang topic namin.
Hindi siya nakatiis na magsama sila ng isang buwan sa Singapore kaya talo siya sa pusta.
"All done?" tanong nitong Boss ko.
Tumango muna ako bago sumagot. "Yes, sir." Kakatapos ko lang magcheck ng emails of inquiries hindi naman ganoon kadami kaya ayos lang.
"Let's go." pag-aaya niya pa at nauna ng lumabas.
Inayos ko muna yung gamit dito sa lamesa ko at sinalansan lahat ng folders and envelopes sa lagayan.
Tiningnan ko lang din muna yung sarili ko kung maayos pa ba ang itsura ko. Pinapapunta kasi kami ni Tita Kelly sa bahay nila. Ayaw ko pa nga sana kaso nung nalaman na hindi ako pupunta bigla na lang akong tinawagan.
"Do you want me to pick you up?" she said. Kaya ayun sabi ko na lang na sasama ako kay Kelleon.
"You look great." papuri ko sa sarili ko. Alangan namang i-down ko pa sarili ko diba? Kaniya-kaniyang buhat ng sariling upuan.
Sinulyapan ko muna ulit yung office kung may nakaligtaan pa ba akong ayusin bago tuluyang isara ang pinto.
.
.
"I missed you, Prim!" pagbati agad sa akin ni Tita at sinalubong ako ng yakap. "Nakakatampo ka ha sa loob ng isang linggo hindi mo man lang ako pinasyalan dito." she pouted.
"N-nako po, pasensya na po. Busy po kasi ang schedule ko last week." pagpapaumanhin ko. "Hectic po masyado hehe."
"Pinagod mo siya?" tanong ni Tita kay Kelleon.
"Both of us are tired, Mom." napakamot ulo na lang si Kelleon dahil sa inaasta nitong Mama niya.
"Malaman-laman ko lang Kelleon na masyado mong pinapahirapan 'to." turo niya pa sa akin. "Malilintikan ka talaga."
"Salamat po sa concern Tita pero parte po yun ng trabaho ko." Totoo naman dzai! Jusko gusto ata nitong Nanay ni Kelleon e wala akong gawin sa opisina.
"Kahit na." madiing sabi niya. Hindi na ako sumagot pa.
Naabutan naming sinusukatan si Kiel nitong Kuya niya. Nung napansin niyang nandito na ang presensya namin ay agad niya akong kinawayan. "Prim!" masiglang pagtawag niya sa pangalan ko.
Agad namang napalingon sa gawi ko ang panganay na anak nila Tita. Animo'y sinusuri ako ng mga tingin niya. "She's the one na kinukwento mo sa akin sa Singapore right?" Killian asked his younger brother. Naiilang namang tumango si Kiel. "Oh now I know why haha maganda naman pala."
Bigla tuloy akong na curious! Like, ano yung sinabi ni Kiel sa Kuya niya tungkol sa akin. Mamaya sinisiraan niya na pala ako e HAHAHAHA.
"Shut up." inirapan lang ni Kiel ang Kuya niya.
"Have a seat. Magpapahanda ako ng meryenda." sabi pa ni Tita kaya naupo ako sa may single couch.
Parang wala ata si Tito Kennedy ngayon? "Sinong hinahanap mo?" napabalikwas ako ng bahagya.
"Tangina naman Kiel." bulong ko habang nakawak sa dibdib ko.
"Sorry, nagulat ata kita." tatawa-tawang sabi niya.
Paano ba naman kasi biglang nasa harap ko at ang lapit pa ng mukha niya. Buti na lang hindi ako gaanong nagulat kundi baka nasapak ko siya HAHAHAHA.
"Nasaan si Tito Kennedy?" tanong ko nung maging kalmado na ako.
YOU ARE READING
String Attached
Teen FictionNagsimula lahat sa fast food chain. Maniwala kayo na sa mga kainan ang true love. Disclaimer: Any resemblance to a certain person, especially in events etc. ay gawa-gawa lamang ito ng aking malikot na imahinasyon. Hindi rin ako magaling sumulat per...
