XII

24 6 3
                                        

Inaantok pa ako ng kaunti. Hindi pa kasi ako nakatulog agad kagabi. Bukod sa pagka-excite iniisip ko din si Kiel.

Napakamakahulugan lahat ng inakto niya or baka ako lang talaga yung nagbigay ng meaning?

Uminom muna ako ng gatas bago maligo. Ayaw ko ng kape sa umaga kapag puyat ako. Mas lalo lang akong aantukin kapag yun yung iinumin ko.

Baliktad ako e HAHAHA pagkape antukin, kapag naman gatas hyper.

I just wear a pair of rubber shoes, high waisted leggings, naka-sports bra din ako tsaka hoodie tapos yung buhok ko pinaikot ko lang.

Lumabas na ako at dala-dala ko yung cellphone ko tsaka yung tumbler na bigay ni Mia sa akin.

Mahirap na baka kasi mauhaw ako kaagad. Malakas pa naman ako sa tubig.

"Si Sir Kelleon ba yun?" tanaw ko sa may 'di kalayuan. Dalawang lalaki kasing naka-cycling ang nakatayo dun sa mga bisikleta.

"Prim!" tawag sa akin ni Kiel.

Kumaway ako sa kaniya at nagmamadaling tumakbo.

"Hey! Magandang umaga!" bati ko.

"Mas maganda ka pa sa umaga!" he smiles at me.

Lumingon naman ako sa kabila at si Sir Kelleon nga! "Good morning, Sir."

"Morning." maikling sagot niya.

"Comfortable ka naman ba sa suot mong yan?" tanong sa akin nitong si Kiel.

Tumango naman ako. "Aalis na ba tayo?" sabi ko at nilagay yung tumbler ko sa lagayan. Buti na lang kasya HAHAHA.

"Yes." may inabot siya sa akin. "But before that, suotin mo na muna yan."

"Para saan?" tanong ko pa pero sinuot ko naman.

"Mamaya tanga ka pala edi kasalanan ko pa kapag nagkasugat ka." sumampa na agad siya sa bisikleta niya.

"Aba! Loko ka!" babatukan ko pa sana siya kaso pumidal na.

"Let's go?" pag-aaya nitong Amo ko sa akin.

"Yes!" masayang tugon ko.

Sumampa na rin ako at nagsimula ng pumadyak.

"Hanggang sa balete lang ako." rinig kong sabi ni Kelleon sa likod ko.

"Bakit naman? May waterfalls pa daw na pupuntahan sabi ni Kiel." I ask.

"May aasikasuhin pa ako." sagot niya at mabilis na nagpedal kaya nauna siya sa akin.

"Hoy! Hanggang balete na lang din ako!" sigaw ko at humabol sa kanila.

"Bakit naman?" medyo bumagal kasi sa pagpadyak si Kiel.

"May aasikasuhin daw Kuya mo." sagot ko naman halos sabay lang ang takbo namin. "Ibig sabihin may trabaho ako."

Ang sarap ng ihip ng hangin sa totoo lang HAHAHA damang dama ko. Sabayan pa nitong sinag ng araw na hindi pa masakit sa balat kasi maaga pa.

May camera pa sa helmet ko kaya navivideohan ko yung mga dinadaanan namin.

Kalahating oras din siguro bago kami nakarating sa Balete Eco Park nang Maria Aurora, Aurora Province.

"600 year old na iyang Balete (Banyan) Tree." Pasimulang sabi ni Kiel.

Siya daw ang Tourist guide ko sabi niya HAHAHAHA.

"May taas itong 200 ft." dugtong pa niya. "Sabi nila kailangan daw nang mahigit 40 katao para mapaikutan yang puno na yan. Hindi ako sure ha, sabi lang nila."

String AttachedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora