"Sir, pwede po bang magpalit muna ako?" tanong ko sa kaniya. Nahihiya kasi ako sa suot ko. Ayos naman siya kaso pupunta nga kami sa bahay nitong Amo ko.
"Bakit naman? Ang ganda mo na nga." sabi niya mula sa backseat. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Jusko ligong ligo ako sa papuri ngayong araw. Napatawa naman si Kuyang Driver. "What I mean is maganda naman na yung suot mo ngayon."
Naka-beige casual attire ako ngayon. White top naman yung panloob ko tapos white heels din.
Ito daw dress code namin ngayon e sabi nitong boss ko. Ewan ko na lang kung saan ko kakalkalin yung iba pang kulay na sinabi niya.
Ilang oras pa ang lumipas bago kami nakarating sa bahay nitong amo ko. Napakalayo naman kasi sana hindi magwork from home 'to kapag nangyari yun iyak wallet ko sa pamasahe.
"Sir, gising na po kayo." inuuga ko pa siya para magising.
"Mmm." unti-unti naman niyang minulat ang kaniyang mga mata. "Nandito na po tayo."
Pinagbuksan naman kami nung isang kasambahay. "Tuloy po kayo!" halos abot langit ang ngiti nila. Nagpasalamat naman ako.
"Maghintay ka muna sa sala, magbibihis lang ako." tumango na lang ako at umalis naman na siya.
Ay gago saan ang sala? Feeling ko pasikot sikot pa 'tong bahay nila napakarami kasing daan.
"Oh anak bakit hindi ka pa nagpunta sa sala?" tanong ni Nanay yung nagbukas ng pinto nang sasakyan namin kanina.
"Ah-eh... Hindi ko po kasi alam kung saan hehe." napapakamot pa ako sa ulo ko habang sinasabi ko yan.
"Halika, follow me." sumunod naman ako sa kaniya. Sa gitna ng aming paglalakad e bigla na lang niyang pinutol ang katahimikan. "Napaka-ganda talaga ng tipo ni Kelleon sa babae. Kailan ba naging kayo?" nakangiti pa rin siya nung nilingon ako.
Agad naman akong tumutol sa sinabi niya. "Nako! Nako! Hindi niya po ako nobya. Sekretarya lamang po ako." iiling iling pa ako niyan.
"Ay ganon ba? Sayang naman." halata namang dismayado siya sa naituran ko. Wews.
"Prim!" sigaw ng kung sino sa likod namin. Napalingon naman ako para tanawin. Si Kiel lang pala HAHAHA.
Kumaway naman ako sa kaniya na may halong pagka-excite.
Nagmamadali naman siyang lumapit sa amin. "Why are you here?" tanong agad ang bungad sa akin.
"Sinama ako ng Kuya mo dito." sagot ko naman. "Ikaw, bakit ka nandito?"
"Malamang siguro bahay namin 'to?" Sagot niya naman sakin at napangiti.
'Oo nga naman, Yza. Use your common sense.'
"Saan ba kayo papunta?" he asked again.
"Sinasamahan ko po siyang magpunta sa sala. Iniwan po kasi ni Sir Kelleon kanina." sagot naman ni Nanay.
"Ganun ba, Nay? Sige na, ako na pong bahala sa kaniya." Kiel said. "Paki-hatidan na lang po kami ng makakain at inumin. Salamat po."
Nagpaalam na si Nanay sa amin kami naman ay nagpatuloy lang sa paglakad. Teka, nakailang liko ba kami?
"Bakit ba kasi sa likod kayo dumaan?" Nagkibit balikat na lang ako. "Maliligaw ka talaga dito kasi ang daming hallways bago makarating sa harap kung saan ang sala."
Lumiko pa kami ng isa bago nakapunta sa sala. Jusko napakalawak naman kasi talaga ng bahay na 'to.
"Have a seat." alok niya kaya naupo naman ako. "Anong sabi sayo ni Kuya nung nakaraan?" pag-oopen niya ng topic.
YOU ARE READING
String Attached
Teen FictionNagsimula lahat sa fast food chain. Maniwala kayo na sa mga kainan ang true love. Disclaimer: Any resemblance to a certain person, especially in events etc. ay gawa-gawa lamang ito ng aking malikot na imahinasyon. Hindi rin ako magaling sumulat per...
