Masamang tingin ang sumalubong sa amin. "Buti naman naisipan mo pang sumama sa akin?" sarkastikong bungad nito.
"Mabuti nga, Kuya." gatong pa nitong isa. "A-aray!" kinurot ko siya sa tagiliran.
"Ayaw mong manahimik. Kanina ka pa, pasakan ko yang bibig mo nitong folder." pagbabanta ko pa sa kaniya.
Umakbay naman siya sa akin. "Where are you going ba?" He asked. Oo nga naman saan ba ang punta namin.
"Kahit saan, basta wala ka." hinila naman ako nitong amo ko papalapit sa kaniya.
"Oops! Not that fast." ngising-ngisi na naman ang loko. Hawak nilang magkabilaang wrist ko. Oh diba ang saya? -.-
"Let me go!" sigaw ko parehas sa kanila.
Tiningnan muna ako ni Kelleon bago pumasok sa sasakyan. Okay.
Napatingin naman ako sa gawi nitong Kiel. "Ano bang trip mo sa buhay?" tanong ko sa kaniya. "Kaunti na lang iisipin kong may gusto ka sakin." natatawa pang sabi ko.
"Sige, isipin mo lang." seryoso ang pagkakasabi niya at tumalikod na sa akin.
"Sasakay ka ba or hindi?" seryoso rin itong isa.
Pumasok naman ako sa likod para doon maupo.
"Bumaba ka." sabi ni Kelleon ng makapwesto na ako. Like wtf? "Dito ka sumakay sa harap. Hindi mo ako driver."
Dali-dali naman akong bumaba para lumipat ng pwesto. Mabagal lang ang patakbo niya mainam na nga yun kasi mahal ko pa buhay ko.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan at hindi ko rin alam kung saan kami papunta. Inaantok ako sa sobrang bored.
"Ehem." pekeng pag-ubo niya.
"Y-yes, Sir?" tanong ko. Papikit-pikit na ako sa totoo lang.
May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Lutang na ata ako HAHAHA inaantok na talaga ako. Buti na lang hindi masyadong halata kasi naka-black shades ako.
Umupo ako ng maayos at sumandal. Syempre para hindi halata na inaantok talaga ako.
.
.
Kelleon's Pov:
Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ako kinakausap nitong babae na 'to.
'Galit kaya sakin 'to?' I asked myself. Napagdesisyunan kong ihinto yung sasakyan.
Napatingin naman ako sa kaniya, perfect yata sa lahat ng angle mukha nito haha. Her pointed nose, her kissable lips na nakakatemp i-kiss haha, basta hindi ko madescribe kung gaano siya ka-perfect sa paningin ko.
"Yza." seryosong tawag ko. Ilang segundo pa ang lumipas pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya.
"Look, I'm sorry." sinserong sabi ko. Baka kasi nagalit siya dahil sa inasal ko kanina. Hindi ko rin alam kung bakit ganun ang inakto ko.
Hindi niya pa rin ako sinasagot. I faked my smile. "Ayos lang naman kung galit ka pero sana naman kausapin mo ako."
Naghintay pa ulit ako ng ilang segundo pero wala pa rin talaga. "Nakakatampo ka na."
Bakit parang wala siyang pakealam sa mga pinagsasabi ko? Ganoon ba talaga siya kagalit sa 'kin.
"Sa kapatid kong si Kiel napakadaldal mo pero sa akin hindi mo manlang ako imikin. Kahit ni'isang tango wala man lang akong matanggap mula sayo." sabi ko pa.
YOU ARE READING
String Attached
Teen FictionNagsimula lahat sa fast food chain. Maniwala kayo na sa mga kainan ang true love. Disclaimer: Any resemblance to a certain person, especially in events etc. ay gawa-gawa lamang ito ng aking malikot na imahinasyon. Hindi rin ako magaling sumulat per...
