II

37 6 8
                                        

Huling gabi ko na rin pala sa trabaho ko ngayon tapos nakalimutan ko pa. Nadala siguro talaga ako kanina HAHAHA.

"Salamat kahit saglit lang tayong nagkasama marami tayong mem'ries na nabuo kahit dito lang sa loob nitong kainan." paunang sabi ko. Umiiyak na yung ibang crewmates ko.

Mamimiss ko lahat ng ginagawa namin dito syempre pati na rin yung mga kasamahan ko.

"Mamimiss ka namin, Yza." sabi nitong si Alexa. Isa sa pinakaclose ko dito.

"Pero mas mamimiss kita vakla ka!" naiiyak na sabi nitong kaibigan kong baliko.

"Stop that! Hindi bagay sa inyo." I laugh.

"Papa Ken, aalis na daw si Mama Yza oh." pang-aasar pa nito.

Si Ken naman yung may gusto sa akin pero kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Nalinaw ko naman lahat sa kaniya yun at naiintindihan naman daw niya.

"Mag-iingat ka." nakangiting sabi niya.

"Yun lang?! Vakla bukas wala na yan dito." sabi pa ni Ivan.

"Ano ka ba?!" tinapik ko siya sa braso. "Nakahiya ka bakla." I chuckle.

"Group hug!" sigaw ng mga kasama ko dito.

Lumapit naman sila sa akin at yinakap ako. Sa gitna ng pagyayakapan namin e may binuhos sa akin.

"Mga siraulo talaga! Ang lagkit ko na tuloy!" sigaw ko. Mamaya maya naman ay malamig na tubig na ang binuhos. "Bahala kayo d'yan uuwi na ako." paalam ko.

Kunwari nagtatampo ako. Baliw kasi ano pang ipampapalit ko ngayon e basa na din. "We love you, Yzabelle!" sigaw pa nila.

"Oh ngayon niyo ako yakapin. Basa na ako oh." sabi ko sa kanila.

"Pwede ba?" tanong ni Ken.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Yieeee!" yan ang umaalingawngaw ngayon HAHAHA

"KenYza is now officially signing off!" sigaw pa ng iba.

Yumakap na siya sa akin. "Mag-iingat ka ha. H'wag mo kaming kalimutan. Dalaw-dalawin mo rin kami." sabi pa niya.

"Huhu! We witnessed a farewell hug!" kunwaring umiiyak na sabi ni vakla.

"Sige na, aalis na ako." paalam ko sa kanila. "Bye!"

.

.

"What's our breakfast for today?" tanong ko ng pagkalabas na pagkalabas ko ng room ko.

"May tuyo at kamatis pa d'yan tsaka sinangag." sabi niya habang pinagtitimplahan niya ako ng kape.

"Bihis na bihis ka ah, saan lakad mo?" tanong ko ng makalapit na siya sakin at inilapag yung kape. "Salamat."

"Aalis ako, may importante lang akong aasikasuhin." sabi niya sakin.

"Tuloy ba tayo mamaya?" tanong ko sa kaniya habang naglalagay ng sinangang sa plato ko. "Sumabay ka muna kayang kumain sakin." pag-aalok ko pa.

"Nako! Hindi na te tapos na ako kanina pa. Tuloy tayo mamaya, don't worry. Mauuna na ako ha." as usual bumeso ulit siya sakin bago umalis.

Para na kaming magkapatid sa totoo lang. Napapaisip ako sino kaya unang magkakaasawa at anak samin? Random thoughts habang kumakain ako ng naka-kamay haha.

"Ako kasi wala pa talaga sa plano ko. Baka siya talaga ang mauuna ang dami kasing kinikitang lalaki niyan e HAHAHA." Napatawa na lang ako sa mga nasabi ko.

Nagmadali muna akong kumain at hinugasan yung pinagkainan ko. Tumawag muna ako kay Mama bago magpahinga.

Ilang beses munang nagring bago niya sinagot ang tawag ko.

String AttachedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang