IX

30 6 5
                                        

"Hindi ka ba talaga sasama?" tanong ko pa sa kaniya. Malay mo magbago pa isip nito.

"Nako, may pupuntahan din ako." she said. "Puro events kasi ang schedule ko the whole week."

Siya kasi ang namamahala sa mga Pavilions, Hotels and Farms nila ngayon. Sabi ko sainyo e mayaman yan ewan ko ba d'yan HAHAHA.

"Sayang naman ipapakilala sana kita sa Boss ko tsaka sa mga magulang niya."

Nakukwento ko na kasi sa kaniya yung mga yun. Kinikilig pa nga minsan kahit hindi naman dapat tapos ang sasabihin sa akin 'Hindi naman anesthesia kinakain natin' HAHAHA

"Susunduin ka ba dito?" tanong niya pa.

"Hindi ko alam." Totoo naman! Walang sinabi sa akin kung pupunta ba ako doon or sila ang pupunta sa akin!

"Boba! Paano kung nasa Aurora na pala sila." Napahilot na lang siya sa kaniyang sintido animo'y stress na sa akin. "Jusko kang babae ka talaga naman."

"Kasalanan ko ba yun?" natatawang tanong ko.

"Oo te! Jusko ka talaga." sigaw pa niya. "Manong nagtanong ka sa kaniya. Iniwan ka na hindi mo pa alam."

(H-hoy! Foul na yan HAHAHA charot.)

"Nahihiya akong magtanong. Baka magbayad pa ako para sagutin."

"Kailan ka pa naging mahiyain aber?" pagtataray niya. "Nai-stress ako sayo sa totoo lang, Yzabelle." Si Mia ay mas matanda sa akin HAHAHA kaya ganiyan siya.

Natahimik naman siya nung biglang tumunog ang phone ko. Sinenyasan niya muna ako para sagutin.

"My boss." sabi ko nang matingnan ko yung caller name. Agad ko naman itong sinagot.

"Good morning po, Sir." sagot ko.

"Good morning." bati niya pabalik. "Saan nga ulit yung sa inyo? Nakaliko na kami sa unang kanto.

Oh-oh susunduin naman pala ako dito e. Mainam na tumawag si Sir para hindi na talak nang talak yung isa dito.

"Diretso lang po kayo, Sir." sabi ko. "Yung black na gate po yun po yung bahay namin." pagdedescribe ko pa.

"Okay-okay noted." binaba niya na agad yung call.

"Susunduin ka daw dito?" tumango na lang ako. Inayos ko na yung bag na dadalhin ko. May mga gamot at first aid kit din just in case na may mangyaring hindi inaasahan.

Ding-dong

"Yung mga sasaksakan at fuse ibaba mo ha. Baka pag-uwi natin dito wala na tayong bahay. Check mo muna ulit bago ka umalis para sigurado." Paalala ko sa kaniya kasi doon din muna siya mamamalagi sa pagtatrabahuhan niya.

"Yes, Maam." sumaludo pa ang gaga HAHAHA.

Pagkalabas ko sa pintuan ay halos tumakbo ako palapit sa gate. Paano ba naman e bumaba pa sa sasakyan itong Amo ko.

Ayaw pa naman ng naghihintay nito. Naalala ko pa yung sinabi niya sa akin na 'Mahal ang oras ko. So, do it faster.' HAHAHA

I snap my finger in front of his face. Ewan ko kung balak niya na bang magmanequin or what? Para kasi siyang tuod. Hindi gumagalaw.

"Sir?" pagtawag ko pa sa kaniya.

"H-hmm? Ano 'yang suot mo?" tanong niya agad ng makabalik na siya sa realidad.

'May masama ba sa suot ko?' I asked myself. Nakaswimwear na kasi ako HAHAHA pinatungan ko lang ng high waisted na short. Hindi din naman siya ganun ka-revealing.

String AttachedWhere stories live. Discover now